39

3.3K 174 21
                                    

Isang linggo na akong nagkukulong sa kwarto ni Cheska. Alam ko galit siya sa akin pero siya lang ang matatakbuhan ko. Gusto ko lang mapag-isa at malayo kay Dillan.

Gab is your ex-fiance.

Paano nangyari? Saan? Kailan? Bakit kami humantong sa ganito?

Lahat ng sakit sa pagkawala ng anak ko ay bumalik. Naalala ko kung paano nilandi ni Troyan si Gab. Naalala ko lahat ng sakripisyo sa akin ni Gab simula noon. Naalala ko kung paano pinatay ni Gabriela yung anak ko. Naalala ko kung gaano kami kasaya noon. Bakit tayo nagkaganito Gab? Bakit?

Bakit kailangan naming maranasanan ito? Noong una tinatanong ko ang sarili ko kung panaginip ba ito. Paano ako nagkagusto sa kanya? Hanggang dumating sa punto na unti-unting bumabalik ang lahat. Sa tulong na rin ni Cheska, naliwanagan ako.

Hindi ako nagpahalata kay Dillan na nasasaktan ako noong sinabi niya sa akin ang totoo. Pinilit kong labanan ang luha ko upang hindi siya makahalata.

Ilang taon kong nakasama si Dillan at ipinaramdam niya sa akin ang kanyang pagmamahal. Ayoko siyang masaktan. Ayokong isipin niya na panakip butas lang siya. Hindi ko siya kayang iwan na lang ng basta-basta.

Nilapitan ako ni Cheska at sinangga niya ang kamay sa pader.

"Tama na sis. Huwag mo ng pilitin." wika niya. Wala akong nararamdamang sakit kahit inuuntog ko yung ulo ko sa pader. Kulang pa to sa katangahan na nagawa ko.

Pinunasan niya ang luha ko at inabutan ako ng tubig.

"Gaano niya ako kamahal?" tanong ko.

"Mas mahal ka niya kesa sa buhay niya Andrea. Kulang na lang tayuan ko na siya ng rebulto. Simula nang magkakilala kayo hanggang makalimutan mo siya, hindi siya tumigil na ibigin ka." sabi niya.

Ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Kahit lumuluha ako, hindi pa rin nababawasan yung sakit na nararamdaman ko.

"Simula nang mawala si Eggnog, inalagaan ka niya kahit wala ka sa pag-iisip." Napapapikit na lang ako. Bakit Gab? Ang tanga-tanga mo. Pwede mo naman akong iwanan. Bakit mo sinasaktan yung puso mo? Engot ka talaga.

Yung anak ko na walang kamalay-malay nawalan ng buhay. Ramdam ko kung gaano ka excited si Gab sa unang anak niya. Naalala ko pa nga dati na lagi niya akong binubuhat para safe daw si Eggnog. Wala pa siyang ultrasound pero naimagine na ni Gab yung itsura ng magiging anak namin.

"Kinaya niya ang isang taon na wala ka sa pag-iisip. Siya lang ang taong nakakabisita sa'yo. Magpapakasal dapat kayo noon pero na aksidente kayo."

Nalaman ko kay Cheska kung ano ang nangyari. Hindi niya ako pinabayaan hanggang sa huli. Nasasaktan ako sa ginawa niya. Buong buhay niya inalagaan niya ako pero ito lang ang isusukli ko sa kanya.

"Kumain ka muna." alok ni Cheska.

"wala akong gana." kako.

"Nasasaktan na ako sis. Isang linggo ka ng umiiyak. Tignan mo yang mata mo mugtong mugto na."

"Nahihirapan na ako." sabi ko. Pinunasan ko muli ang mga luha sa mata ko.

"Bestfriend ayoko na." sabi kong muli.

Niyakap niya ako at pinunasan ang mga luha sa mata ko. Ayokong pagsisihan lahat ng magiging desisyon ko.

"Piliin mo kung saan ka magiging masaya Andrea. Ayokong pagsisihan mo ito." payo ni Cheska.

"Paano si Dillan?"  tanong ko.

"Simula nang ibigin ka ni Dillan, alam ko namang alam niya kung ano ang magiging kapalit kapag bumalik ang alaala mo. Maiintindihan ka niya Andrea". Wala namang masamang ginawa sa akin si Dillan para maranasanan niya ang ganitong parusa? Ikakasal na kami sa makalawa pero gulong-gulo pa rin yung isip ko.

Mahal ko si Gab at ayokong mawala siya sa akin. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa niya para sa akin.

Kailangan kong sundin kung sino ang nasa puso ko.

"Nasaan si Gab?" tanong ko sa kanya. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan. Gusto kong linawin ang lahat sa amin.

"Baka nasa simbahan na yun ngayon."

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Cheska.

"Anong ginagawa niya sa simbahan? tanong ko.

"Ngayon kasi yung araw na ikakasal siya sa anak ng business partner nila. Arriange marriage. Sa tingin ko pumayag na si Gab." sabi ni Cheska.


The One You Hate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon