35

3.6K 164 25
                                    


GAB POV

Napakasakit malaman na ikakasal na si Andrea sa lalaking unang minahal niya. Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik niya.

Sana totoo na lang na nawala ang ala-ala ko para hindi ko nararamdaman ang sakit. Pero alam mo yung pumatay sa puso ko? Yung hindi niya ako nakikilala.

Simula nang magising ako ay siya lang ang nasa isipan ko. Nagpanggap akong hindi ko siya naalala dahil narinig ko ang usapan ni Mommy at Daddy na ilalayo nila ako kay Andrea. Pati ang pag-alis ng bansa ni Andrea ay alam ko. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako aalis sa lugar na ito hanggang hindi siya bumabalik.

Hiningi ko ang tulong ni Monroe para magpanggap na girlfriend ko dahil gusto nila akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman kilala.

Gusto ko lang iparamdam sa kanila na wala na sa isip at puso ko si Andrea. Siya ang karamay ko sa mga taon na nangungulila ako sa kanya.

Malakas ang pakiramdam kong dadalo siya sa reunion ng Austin Academy. At hindi ako nabigo.

Gustong-gusto kong lapitan si Cheska upang tulungan ako pero hindi ko magawa. Gusto kong isipin nila na wala akong naalala sa nakaraan ko.

Unang beses ko siyang makita sa loob ng limang taon ay para kong nakita ang bride sa harapan ko. Siya pa rin yung babaeng gusto kong dalhin sa simabahan at ibigay ang apelyido ko. Sa kanya ko pa rin isusumpa ang mga pangako ko na mamahalin ko siya habambuhay.

Hindi ko sinasadyang matapunan siya ng juice. Dahil sa kaba ay nanginig ang kamay ko. Pinunasan ko ang gown niya pero hindi ko sinasadya ang lahat.

Doon ko nakumpirma na hindi niya nga ako naaalala. Dumating si Monroe at tinawag niya akong Babe pero wala lang sa kanya. Sobrang proud pa nga siya na ikakasal na siya kay Dillan. Paano ko papalitan ang limang taon na hindi ko siya nakasama?

Napansin ni Monroe iyon kaya iniwan niya kami. Pagkakataon ko na ito. Nilakasan ko ang loob kong isayaw siya. Tangina namimiss ko na siya. Yung mga yakap at halik niya.

Yung mga tingin niya sa akin ay parang lalamunin niya ako ng buhay.

Yung mata niyang nagungusap. Yung labi niyang napakalambot. Wala pa ring nagbabago kay Andrea.

"You can call me Andrea." wika niya. Tunay nga bang kinalimutan na niya ang nakaraan?

"Alam mo sana bumalik yung kalendaryo." kako. Sana ako na lang yung fiance mo. Sana nakilala kita noon pa." sabi ko. Sana ako na lang ulit Andrea.

"If you are destined for each other, kahit dekada pa yan, makikilala mo pa rin siya sa tamang panahon." wika niya. May mahihintay pa ba ako Andrea? Huli na ba ang lahat para sa atin?

"Naniniwala ka ba sa forever?" tanong ko sa kanya. Dahil ako naniniwala pa rin ako sa forever kasama siya.

"Of course. Hindi ako ikakasal ngayon kung hindi ako naniwala sa forever." sagot niya.

"You really love that Dillan Martinez guy. Siguraduhin mo lang na mas gwapo siya sa akin Eia." sabi ko. Natatakot akong nahulog na ang loob mo sa kanya at hindi na kita maagaw pa. Siya ang unang minahal mo. Pangalawa lang ako. Paano ako makikipagkumpetensya sa kanya Andrea?

"Alam mo Gab ang hangin mo talaga. Hindi ka ba naniniwala sa forever niyo ni Monroe?" tanong niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa tagong lugar sa yate. Siya pa rin yung Andrea na mahilig magreklamo at sigawan ako.

Nasasaktan ako tuwing binabanggit niya si Dillan. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya.

Hanggang sa bumalik kami sa loob upang ienjoy ang gabing ito. Masaya ako na kasama ko siya kahit isa lang akong kaibigan sa kanya.

The One You Hate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon