Suko na o Laban pa?

92 2 0
                                    

"Suko na o Laban pa"

Dedicated to: Amhaey Falceso

Ang daming pumasok sa isipan ko
Ang daming tanong na paulit-ulit na lang pero 'ni isa wala akong masagot

Ang tanong na Suko na o Laban pa ang tanong na pinakamahirap sagutin
Ang tanong na walang kasiguraduhan kung dapat bang sagutin

Pero minsan naisip ng puso ko na Suko na pero hadlang ang utak ko at sinabing Laban pa, na nagbabakasakaling maibalik pa

Maibalik pa ang panahon na tayo ay nagmamahalang dalawa
Tayo ay lumabalaban pa dahil natatakot tayo na mawala ang isa't isa

Pero yung tanong ay biglang pumasok sa isipan ko
na dapat pa ba? dapat pa ba akong lumaban para sa ating dalawa dahil pakiramdam ko ang ipinaglalaban ko ay parang isang Hangin na hindi nakita ang pagpapahalaga ko
O dapat bang suko na lang ang pipiliin ko para ang kung makaramdam man ako ng sakit at least balang araw magiging masaya rin ako

Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko basta ang alam ko lang ay Mahal pa rin kita pero mukhang sa pagsuko ang bagsakan na'ting dalawa.

Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now