Wag mong ibigin kung sa huli ay susukuan mo rin

34 3 0
                                    

"Wag mong ibigin kung sa huli ay susukuan mo rin"

Dedicated to: danple48


Wag mong ibigin kung sa huli ay susukuan mo rin...

Minahal mo siya kaya Minahal ka rin niya

Niligawan mo siya kaya sinagot ka niya

Bawal siyang magkaroon ng relasyon kasi mahigpit yung ipinagbabawal sa kanya, pero sumugal siya dahil Mahal ka niya..

Nung una masaya kayong dalawa pero bakit isang araw naghanap ka ng iba, hindi ka ba nakukuntento sa kanya?

Iniwan mo siya... Iniwan mong mag-isa, habang ikaw ay nagpakasaya sa piling ng Iba.

Sinukuan mo siya habang siya ay patuloy na lumalaban para sa inyong dalawa, dahil akala niya meron pa...

Meron ka pang nararamdaman para sa kanya...

Pero bakit sinukuan mo siya? Minahal mo lang ba siya para kahit sandali lang makaramdam ka ng saya? Sayang sa iba't ibang babae mo nadarama?

Ang ginagawa niya ay ang mahalin ka pero anong kapalit mo? Ang ipagpalit siya sa iba?

Minahal ka niya ng sobra pero anong pinalit mo? Ang saktan siya ng sobra sobra?

Bakit mo pa siya Minahal kung sasaktan mo rin? Wag mong ibigin, paasahin at mahalin kung sa huli ay susukuan mo rin.


Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now