Paranas ng masayang Pamilya

79 2 0
                                    

"Paranas ng masayang Pamilya"

Dedicated to: Jhen Jhen Pala

Yan ang araw-araw kong hinihiling sa Panginoon na sana balang araw makakaranas akong magkaroon ng masayang Pamilya

Yung feeling na kahit 'san man ako magpunta hindi mawawala sa mata ko ang makakita ng nagsasayahan, nagmamahalan at nagkakaintindihan'g magpapamilya

Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing makakita ako ng ganon ay 'di ko mapigilang makaramdam ng 'Inggit'

Inggit dahil alam kong impossibly 'yang mangyayari sa'kin
Inggit dahil dahil wala na akong pamilya'ng malalapitan sa oras ng pangangailangan

Bawat pagpatak ng oras, bawat gabi na dumaan ay hindi ko makakalimutan na magdasal sa panginoon bago matulog na sana kahit sandali man lang makaramdam ako ng pagmamahal at pag-aaruga

Pagmamahal galing sa isang pamilya at Pag-aaruga galing sa isang Ina

Kahit yan lang ang iparanas niyo sakin kuntento na ako na kahit sandali man lang ay natupad ang dasal ko.


Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now