Sana ako na lang/ Pwede bang akin ka na lang?

45 2 0
                                    

"Sana ako na lang/ Pwede bang akin ka na lang?"

Dedicated to: April Francisco and Christel Jane Cornelio

Paulit-ulit kong hinihiling na 'Sana ako na lang'

Sana ako na lang siya
Sana ako na lang ang mamahalin mo
Sana ako na lang ipinaglaban mo at hindi yung maling tao

Gusto kong hilingin sayo na kahit saglit man lang mapunta sakin ang attention mo

Pero mukhang malabo na masabi ko 'yun sayo dahil masaya ka sa piling niya kahit na nasasasaktan ka na
Masaya ka sa piling niya kahit na siya ay masaya sa piling ng iba

Gustong gusto kong matapos na ang sakit na nararamdaman mo pero hindi ko magawa dahil nga sa kanya ka na lang sasaya...

Sasaya ka nga may kapalit namang lungkot

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko..

Kung ilalayo ba kita sa kanya, pero hindi ka naman masaya? o ang manatili ka na lang sa tabi niya kahit na nasasaktan ka?

Gusto kong sabihin sayo na may mas deserving pang tao para ibigay 'yang pagmamahal mo
Gusto kong sabihin na hindi lang siya ang nag-iisang babae sa mundo
Gusto kong sabihin na pwede bang ako?

Pwede bang ako na lang at huwag na siya?
Pwede bang akin ka na lang at sayo ako?

Kaso mukhang Malabo dahil hanggang hiling na lang ako na 'Sana ako na lang'

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon