Chapter Eleven: Ganun Talaga

Beginne am Anfang
                                    

“Well, that goes for all of us.” Sabi ko habang nagpupunas pa rin ng mga mata. “Naisip ko lang, ano kayang kulang sakin? O kaya sa mga ginawa ko? Lagi naman akong andun para sa kanya. Nakakainis lang. Ang sakit lang kasi halos isang buwan lang akong nawala, tapos ganun na. Ambilis talaga ng mga pangyayari. Hindi ko nahanda ang sarili ko, bes.”

“I’m so sorry,” biglang nasambit ni bes.

“Bakit ka nagso-sorry? Wala ka naman kinalaman sa mga nangyari eh. Ako ang na-in love.” Na-regain ko ang composure ko at natapos na rin ang pag-iyak. Pero namumugto pa rin ang mga mata ko at sinisipon pa rin ako.

“Kasi I think I nudged you into feeling something for him,” paumanhin nya na parang maiiyak na rin. “Kung hindi lang siguro kita kinulit nang kinulit, hindi mangyayari sayo toh eh.”

“Bes, no, stop it. You didn’t do anything wrong. I think I started feeling something for him way before we both realized it,” sabi ko naman. Kasi now that I think about it, ganun na nga ang nangyari. “Tsaka hindi mo ako pinagtulakan sa kanya. You just pointed out the obvious.”

“Dense lang talaga si Kuya,” dagdag nya. “Anong plano mo? Are you gonna tell him what you really feel for him?”

“At para ano pa? Edi naging complicated lang lahat? Awkward kaya yun. Hindi na nga kami nag-uusap, itataboy ko pa sya palayo? Wag nalang,” katwiran ko naman. “Martir na kung martir, okay na ako sa ganito. Wala naman talaga akong balak magtapat eh, akala ko lang we were progressing to something else. Eh hindi pala. Assuming kasi ako masyado. Di ko naisip na baka ‘Ate’ lang talaga ang tingin nya sa akin kaya naging super close kami.”

“Good morning!” And guess what? Si Trina pa talaga ang dumating. Utang na loob lang.

“Ahaha, good morning,” naiilang na sagot ni Ivette. Ako, hindi na ako makapagsalita kasi feeling ko, iiyak ulit ako.

Kinagat ko nalang ang dila ko nung lumapit siya sa amin.

“O! Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” bulalas nya at nakihimas din ng likod ko. Humila pa talaga ng chair at tinabihan din ako.

Ikaw, ikaw ang nangyari, sabi ko sa isip ko but I smothered the thought. Hindi ako pwedeng magalit kay Trina dahil wala syang ginawang masama. Hindi naman kami ni Alfred, so hindi ko masasabing sinulot nya ang mahal ko. Ganun lang talaga.

“Wala, uhm, family problem kasi.” Si Ivette na ang sumagot para sa akin. Well, hindi naman sya nagsinungaling. Totoo namang family problem yun… sa family tree nga lang ng barkada.

“Ay ganun? Anong problem? Baka makatulong kami,” offer pa ni Trina.

“Wag ka nang makisawsaw...” sumbat ni Ivette in a stern but still friendly voice. “Bigyan ng privacy si Tori, ha?”

“Nagjo-joke lang, ikaw naman.” Hinawakan ni Trina ang mga kamay ko. “Huwag ka na umiyak, Ate Tori,” malambing nyang sinabi. At kailan pa naging ‘Ate Tori’ ang tawag neto sakin? “I know everything will be alright. Kaw pa? Kaya mo yan noh. Ang galing-galing mo eh!”

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt