Chapter 30; They're Back 2

5.9K 138 37
                                    

DyosaJadine36>>> They're Back 2

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng kwarto ni Jurrence, hila-hila ko ang dalawang bagahe na naglalaman ng mga gamit ng anak ni Jurrence at Zoren na si Miguel.

Pagkapasok ko palang ng silid nito ay sinunggaban na naman nya ako ng yakap na tipikal na nyang gawain sa tuwing pinupuntahan ko sya sa kwarto nya.

Kaagad ko syang niyakap ng mahigpit at hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na humagulhol sa sobrang takot at sakit na nararamdanam ko.

Paano nalang kung ilayo nila ako kay Jurrence? Hindi ko na ito makikita at makakasama ganuon ba, hwag naman sana.

Napansin kong pilit na kumakalas sa pagkakayakap ko si Jurrence kaya pinakawalan ko ito. Kaagad nya akong siniil ng halik.

"Jurrence, natatakot ako!" bulalas ko at pumalahaw ng iyak.

Nagtataka at nag-aalala ako nitong tinitigan. Pansin ko ang kanyang repleksyon sa kanyang mga mata.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat, mapapansin sa kanyang mukha ang iba't-ibang ekspresyon. May galit, lungkot at tuwa.

"Jurrence, masaya kaba?" biglang tanong ko sa kanya.

Kumunot lang ang kanyang noo na para bang hindi nya naintindihan ang sinabi ko. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit ko sya natanong ng ganuon.

"Masaya kaba na nandito na sila? Masaya kaba na nandito na si Zoren at nagbabalik bilang asawa mo?"

Umiling ito na syang nagpagaan ng loob ko at nagpangiti sakin. Talaga bang hindi ang kanyang naging sagot?

"Eh si Miguel, masaya kaba na narito sya?"

Tumango naman sya sa sunod kong tanong. Ayos lang iyun sakin, anak nya ito at natural lang na mamiss nya ito.

"Hinding-hindi ko sayo ipagkakait ang oras nyong mag-ama Jurrence" ngumiti ito bago ako niyakap.

Kaagad rin kaming nagkahiwalay nang may taong pabalagbag na binuksan ang pintuan. Napatayo ako nang makitang si Zoren pala ito.

"I didn't know na may nagaganap pala ng ganitong klase ng eksena rito" nakangising sabi nito.

"Zore---"

"Ma'am Zoren, you bitch!" pagtatama nito.

"Ma'am Zoren, wala lang po iyung nakita nyo"

"Really, siguraduhin mong totoo iyan. Dahil kung hindi ay patatalsikin kita sa mansion na ito ngayon mismo!"

Napatango nalang ako at yumuko. Patago kong sinulyapan si Jurrence na masama na palang nakatingin kay Zoren, ang asawa nya.

"Oh hey Jurrence may dear!" naglakad palapit saming kinatatayuan ni Jurrence upang yakapin siguro ito.

Pagkalapit nya samin ay kaagad nya akong tinulak kaya napa-upo ako sa sahig. Hindi ko na-expect ang sunod na ginawa ni Jurrence, sinakal nya si Zoren.

"Ahhhkkkk--- J-jurrence!"

Mabilis akong tumayo kahit na masakit ang paa ko para lang awatin si Jurrence. Sakto namang dumating si Miguel kaya kusa itong tumigil.

"Daddy, stop hurting my Mom!" galit na sigaw ng bata kay Jurrence.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pangangatal ng mga kamay ni Jurrence, pero napansin ko rin ang munti nitong ngiti sa labi pagkakita sa anak.

"Miguel, get out of here! Hindi ko papayagan na makausap at makasama ka ng walang kwenta mong ama. Parusa ko iyun sa kanya!" tumango si Miguel sa kanyang ina bago nagtatakbo palabas.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now