Chapter 11; Bad Princess

8.3K 186 18
                                    

Guys diba Anny ang name ng bagong babysitter ni Jurrence. Iyung Anny ay iyung inirecommend ng kumareh ni Madam Dela Vega. Iibahin ko po ang name niyun. From now on, Eloiza na po ang name nya. So thanks!

Warning!!! Puro ka-oa-yan po ang laman nito dahil di ko na alam kung ano bang dapat kong ilaman sa part na ito.

DyosaJadine36>>> Bad Princess

[Rose's Point Of View]

Hindi ko matansya kung gaano kasaya ang nararamdaman ko ngayon. Eh kasi naman, nasa harapan ko ngayon ang lalaking dahilan ng aking kaligayahan.

Si Jurrence.

Hindi ko nga maiwasan ang maluha dahil sa sobrang saya at sarap ng pakiramdam ko. Akala ko hindi ko na talaga makikita pa si Jurrence.

"Hmmm" masaya itong nagtatakbo palapit sakin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

Hindi ko maiwasan mapahagulhol. Sana ganito nalang kami palagi ni Jurrence. Sana hindi nalang kami magkahiwalay pa.

"I love you Rose!" mabilis akong napalayo sa kanya nang marinig ko itong magsalita.

Hindi maipinta ang naging reaksyon ko. N-nakakapagsalita na sya?! B-bumalik na ba ulit sya sa kanyang katinuan?

"Jurrence!" tanging nasambit ko nalang.

Sinabi nyang mahal nya ako. Akala ko ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Mahal nya rin pala ako.

Panaginip ba ito? Kung oo, sana hindi nalang ako magising. Isa itong napakagandang panaginip na hihilingin ko sanang hindi na matapos pa.

"Rose mahal na mahal kita. Kahit maikling panahon lang tayo nagkakilala at nagkasama, alam ko sa sarili ko kung ano itong nararamdaman ko. You loved me too right?"

Hindi ako makapagsalita at tanging sunod-sunod na tango lang ang naging sagot ko sa kanya. Mahal ko rin sya!

"Come with me!"

"Wow Jurrence! Ang ganda naman dito!" nakangiti kong ani tsaka inangat sa ere ang dalawang kamay.

Nasa tabi kami ngayon ng dagat. Malakas ang alon at pati narin ang hangin. Ang sarap magpunta dito kapag kasama mo iyung taong dahilan kung bakit ka masaya.

"Gustong-gusto kong magpunta dito, kasama ang babaeng pinakamamahal ko" nakangiting sabi ni Jurrence habang sa dagat nakatingin.

Napayuko ako nang may pumasok na ideya saking isipan. Isang ideya na dahilan para kumirot iyung puso ko.

"Dinala mo na dito si Zoren tama ba?" nakayuko king tanong sa kanya.

"Yes, but that's the biggest mistake that I made. Pinangako ko sa sarili ko na isang babae lang ang dadalhin ko rito, at iyun ang babaeng mamahalin ko panghabang buhay. And she is not the right one. Because it's you Rose" napalingon ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now