Chapter 7; Paalam

9.8K 272 15
                                    

DyosaJadine36>>> Paalam

"Oh nay! Napatawag po kayo?"

(Gusto ko lang na kamustahin ka. Isa pa, ipapaalam ko sayo na baka magtagal pa kami dito ng dalawang araw)

"Ganun po ba?" napakamot ako sa batok ko.

Miss na miss ko na sina Nanay, Tatay, Jingjing at maging si Kuya. Pero mabuti narin ito, hindi ko pa naman kaya na ipakilala si Jurrence sa kanila.

(Oo anak. May bagyo daw kasing parating kaya delay ang byahe sa barko) ay oo nga pala.

Napanuod ko rin sa balita kagabi na may bagyo daw. At malakas iyun, kaya siguro delay ang byahe nila sa barko.

"Ah Nay, may sasabihin po pala ako sa inyo"

Lumingon ako sa direksyon ni Jurrence. Masaya itong kumakain ng bico. Sinadya ko pa talagang magluto niyun para sa kanya, mukha namang gustong-gusto nya.

(Ano iyun anak?) sasabihin ko na ba sa kanila ang tungkol kay Jurrence?

"Nay kasi..."

(Pabitin ka naman Rose anak. Sabihin mo na para naman makapaglaba na ako. May gagawin pa ako eh)

"Ah wala po. Ingat nalang Nanay"

(Oh sya sige na------)

Ponggggggggg!!!

Mabilis akong napalingon kay Jurrence. Natapon iyung pagkain sa plato nya. At napakadumi ng mukha nya. Pero ang loko nakangiti pang nakatingin sakin.

(Anak ano iyun?)

"Ah, wala po Nanay"

Pongggggg!!!!

Pakkkkkkkkkk!!!!

Tinggggggggg!!!

"Jurrence!" suway ko rito.

Pinaglalaruan nya kasi iyung pagkain at iyung mga plato't kutsara. Napahawak nalang ako saking noo.

(Sinong Jurrence anak?)

"Ah huh? Wala po Nanay"

(Anak, may lalaki kabang kasama dyan sa bahay? Huh? Nawala lang kami sandali may ibinahay kanang lalaki?) napakagat labi ako dahil sa mga sinabi nito.

"H-hindi po Nay! P-pusa lang po iyun na basta nalang pumasok ng b-bahay" ngayon nalang ulit ako nagsinungaling ng ganito.

(Sigurado ka anak?)

"O-opo Nay!"

(Oh sya sige na. Bye na, mahal kita anak)

Ibinaba ko na ang hawak kong cellphone nang matapos ang tawag. Sorry Nay, nagsinungaling po ako sa inyo.

"Hmmmm!!!"

"Jurrence!"

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya tsaka pinigilan sya sa kanyang ginagawa. Eh kasi naman eh. Inaapak-apakan nito ang bico na nahulog sa sahig. Nakakaloka na ito huh?!









"Ok Rose! Heto na naman tayo. Paliliguan mo na naman sya" nakapikit kong sambit saking sarili.

Napakadungis na kasi nito at kailangan ng paliguan. Mukha rin namang nage-enjoy ito na paliguan sya eh.

"Jurrence hwag kang malikot ah?"

Sinimulan ko na itong hubadan. F*ck! Heto na naman iyung pakiramdam na naninikip iyung mani ko.

Muli ko na namang nakita ang abs nito at ang mahaba at napakatabang ano nya. Ang laki talaga.

Naisip ko lang. Kung may nangyari samin, baka naburat na itong mani ko. Grabe ang laki kasi eh.

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon