Chapter 26; Naked Jurrence

6.8K 135 5
                                    

DyosaJadine36>>> Naked Jurrence

[Rose's Point Of View]

Mainitin yata ang ulo ng mga tao ngayon dahil sa matinding init ng panahon, maging ako ay naiinis rin. Mainit na nga ang panahon at pakiramdam ko, pati rin ang ulo ko.

Sino bang hindi maiinis kung naulit na namang muli ang mahalay na panaginip ko nung nakaraang araw diba?

Naiinis ako sa sarili ko sa pagiging manyakis at mahalay ko. Napaka-inosente at maamo pa naman ni Jurrence pero heto ako at pinagnanasahan sya.

Pero masisisi nyo ba ako kung hindi ko mapigilang pagnasahan sya? Hinalikan ako ni Jurrence kahapon na syang dahilan para mas lumiyab ang pagnanasa ko sa kanya.

Tinapos ko nga kaagad ang pagshave ng balbas at bigote nito at kaagad na nilisan ang kanyang silid. Hindi ko sya pinuntahan hangga't hindi sya natutulog.

Naaawa ako sa kalagayan nya ngayon, alam kong gusto nya akong makasama at ganun rin naman ako sa kanya, pero gusto ko muna talaga syang iwasan.

Hihintayin ko lang na humupa ang pagnanasang nararamdaman ko sa kanya at balik na ulit kami sa dati.

Iyung palagi kaming magkasama. Iyung nanunuod kami ng TV tapos sinusubuan ko sya ng pagkain. Iyung palagi kaming magkayakap at magkatabi.

Nakakamiss iyun, halos limang araw na kasi kaming hindi gaanong nagkakausap at nagkakasama buhat nung umuwi ako sa baryo namin at maging pagbalik ko rito.

"Rose?"

Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at narinig ko pa ang boses ni Patrice. Tumayo ako at pinagbuksan sya ng pinto.

"Ikaw pala Patrice, bakit?" tanong ko agad bilang pambungad sa kanya.

"Sama ka samin sa rooftop?"

Kumunot ang noo ko, ano namang gagawin namin sa rooftop? Mas kumunot pa ang noo ko nang mapansing nakasando lamang at maikling short ang suot nito. Anong meron?

"Anong meron Patrice?" takang tanong ko na ikinatawa nya ng marahan.

"Ikaw talaga Rose, palagi ka nalang huli sa balita. Pinayagan kasi tayo ni Madam Dela Vega na magpahinga ng isang araw sa trabaho natin. Pinagbigyan nya tayong magswimming sa pool na nasa rooftop"

Swimming, pool, rooftop? Bakit ngayon ko lang nalaman na may swimming pool pala rito sa mansion? Ang cool, sa rooftop pa talaga. Paniguradong mahangin ruon.

"So ano, tara?"

"Sige Patrice, tara na!" akmang lalabas na ako ng aking silid nang harangan ako nito.

"Bakit, may problema ba?"

"Hindi ka man lang ba magpapalit ng suot mo?" natatawa nitong tanong sakin.

Tinignan ko ang sarili kong suot at napangiti nalang ako sa kanya, ngiting aso. Nakapantulog nga pala ako, hindi talaga ako nag-iisip ng ayos.

"Sandali lang magbibihis lang ako, kung gusto mo ay pumasok ka muna sa loob"

"Sige" pinapasok ko na ito sa loob at iniwan muna sya para magbihis.

Simple lang ang suot ko. Manipis na t-shirt at short na abot hanggang sa tuhod. Kumportableng-kumportable sa pakiramdam ko.

"Rose, ano ba iyang suot mo?" natatawang tanong ni Patrice.

Nagtataka ko syang tinignan, bakit may mali na naman ba sa suot ko? Tumayo ito bago lumapit sakin at hinawakan ang kanan kong kamay.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now