Nagbaba ako ng tingin sa relos ko bago ko siya tinaasan ng kilay. "You're late."

"Kanina pa ako nandito. Kinausap lang ako ng kasamahan mo na si Dawn sa labas kanina." sabi niya at pagkatapos ay umupo sa upuan na nasa harapan ko.

"Late ka pa rin." ulit ko.

"Es tut mir leid, Schatz."

Nalukot ang ilong ko sa sinabi niya. Kung hindi lang pag-aari ng iba ang puso ko baka nagwawala na ngayon ang systema ko dahil sa boses niya at sa accent niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Hindi sabi ako nagsasalita ng alien language."

"Right." he said while still chuckling. "I just said I'm sorry."

Pinaikot ko ang mga mata ko at kumuha na lang ako ng french fries sa plato ko habang siya naman ay nakangiting tinawag ang isa sa mga naka duty na agent na kaagad kinuha ang order niya. Habang kausap niya ang junior agent na si Celeste na siyang server niya ngayon at nabigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan siya.

Hindi talaga maipagkakamali ang pagiging magkamukha nila ni Comet. Kahit na mas matanda siya sa lalaki ay parang wala lang ang maliit na age gap nila dahil mukha pa ring kaedaran ni Will si Comet kung nagkataon na buhay pa ito. Ang tanging sign lang ata ng edad niya ay ang laugh lines niya sa gilid ng mga mata niya na lumalabas kapag ngumingiti o tumatawa siya. Not that it makes him less attractive. Parang nakakadagdag pa nga iyon sa charisma niya. Bihira ko kasi siyang makita na seryoso at hindi nakangiti kapag nandito siya sa BHO CAMP. He's just so...laid back.

"What? Something on my face?"

Napakurap ako nang matagpuan kong nakatingin na rin pala siya sa akin. "Wala."

"Hmm." Kumuha siya ng fries sa plato ko at isinubo iyon. Pinaningkitan ko siya ng mga mata na lalo lang niyang ikinangiti. "Don't worry, bibigyan din kita ng fries ko mamaya."

Muli siyang kumuha sa plato ko at hindi ko na siya pinigilan dahil baka sabihin pa niya na madamot ako. Kung tutuusin nga ay napakadami ng serving dito sa Craige's. Lagi ko kasing nauuto si Ocean na damihan ang binibigay sa akin kapalit ng mga number ng kilala kong mga babae. Hindi na ako magtataka kung malulugi ang Craige's dahil sa kalandian ng isang 'yon. Kung bakit naman kasi ang daming nagpapauto sa kaniya kaya mas lalo tuloy lumalaki ang ulo no'n.

"Akala ko hindi na matutuloy 'to."

Kumuha ako ng tatlong fries at magkakasabay na isinubo ko iyon. Nakita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya pero hindi ko iyon pinansin. "Ako ang nag-aya di ba? May isang salita ako."

"Bigya mo na lang kasi akong nilayasan ng araw na 'yon." Rinig ko ang katanungan sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita dahilan para magpatuloy siya. "Siya ba?"

"What?" tanong ko na para bang hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"Iyong ayaw tumanggap sa puso mo?"

Naumid ang dila ko sa sinabi niya. Sumandal ako sa kinauupuan ko at humalukipkip ako habang naghahanap ng sasabihihn. Iba pa rin pala kasi kapag nanggagaling ang mga salitang iyon sa ibang tao. Mas malakas ang sampal sa akin ng katotohanan.

"Like I've said before, he's lucky that you're always thinking of him."

"Mas swerte ako." hindi ko napigilang sabihin. Nang makita ko ang pagkabigla sa mukha niya ay nag-iwas ako ng tingin. "Swerte pa rin ako kasi alam kong akin ang puso niya kahit na ayaw niyang tanggapin ang binibigay ko."

"I don't think that's the way things should be."

I shrugged at him. "Sometimes things just don't work out like how we want them to be."

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now