"Tanginang Al 'yan! Pwede bang 'wag mong banggitin ang pangalan niya?!" Sigaw na rin niya. Talagang siya pa ang may ganang magalit ngayon, ha? Diba dapat ako ang magalit kase may ibang babae siyang niyayakap kagabi? Pasabi sabi pa siya sakin ng mahal niya ako eh lolokohin niya lang pala ako! Bullshit.

"Gago ka! Ibaba mo 'ko!" Sigaw ko din. Gusto mo pala ng murahan ah? Pwes, babatuhin kita ng mga malulutong na mura. Pakshit ka.

Nakita kong pinasok niya ako sa kubong pinasukan namin kahapon. Binaba niya ako sa kaniyang pagkakabuhat at umupo sa di-kawayan na upuan. Tatangkain ko sanang talikuran siya para bumalik kila Sue pero hinila niya ang braso ko at pinaupo sakaniyang hita. Pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang kaya hindi na ako nakagalaw dahil sa ginawa niyang 'yon. Damn it.

"A-Ano ba?!"

"Sabihin mo sakin kung anong problema para makapag-paliwanag ako." Mahina at malambing na tugon niya. Biglang tumindig ang balahibo ko dahil dun.

"Sabihin mo na.."

"Luijin!" Sigaw ko ng bigla kong naramdaman ang kaniyang labi sa aking balikat. My ghad! Did he kissed my shoulder?!

"Tell me, what's the problem?" Ulit niya at pinaharap ang mukha ko sakaniya. Bigla ko namang nakita ang maamo niyang mukha. Napatitig ako sakaniya at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng kaniyang itsura. Damn you, Luijin.

"Uhm," Kinagat ko bigla ang aking labi para hindi makapagsalita. Dapat magalit ako sakaniya diba? Pero bakit ganito? Bakit kapag nakikita ko ang mukha niya, nawawala lahat ng galit ko?

Nakita kong bumaba ang tingin niya sa aking labi kaya binaling ko ang tingin ko sa kung saan.

"Uhm, don't stare my lips." Utos ko. And thank God hindi ako nautal pagkatapos kong sabihin 'yon. Kahiya.

"Then help me not to stare at your sexy lips, My ovel." Mahinang usal niya. Napapikit ako dahil sakaniyang sinabi.

"Tigilan mo ako, Luijin. I'm mad!"

"Bakit nga? Anong problema?"

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kawayang kahoy dito sa kubo at hindi siya sinagot.

"Cherry, move you lips and talk. Paano natin maayos 'to kung hindi mo sasabihin sakin ang problema?" Pagsasalita ulit niya at bumuntong hininga. Napatingin ako sakaniyang mukha at nakita kong gustong gusto niya na talagang malaman kung bakit ako nagkakaganito.

"Okay. Sasabihin ko na." Pagsuko ko at napayuko. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa chin ko at tinaas upang ipaharap sakaniyang mukha.

"Magsalita ka habang nakatingin sakin. Ayoko ng ganyan." He said. Hindi nalang ako nakipagtalo at tumingin sa mukha niya. Sasabihin ko nalang sakaniya para malaman ko rin ang totoo. Kailangan ko rin namang malinawan kaya mas mabuti naring malaman ang paliwanag niya.

"Bakit hindi mo sinabing kasama mo si Roxiah papunta dito sa Cebu?" Unang tanong ko. Alam kong hindi naman ito ang totoong problema kung bakit ako nagkakaganito pero gusto ko lang malaman kung bakit di niya sinabing kasama niya pala si Roxiah.

"Yun lang ba ang problema?" Tanong niya. Umiling agad ako bigla.

"Hindi lang 'yan noh! Hindi naman ako magagalit ng ganito kung iyan lang ang problema natin!"

"Oh easy. Nagtatanong lang eh." Natatawang sabi niya. "Kaya hindi ko sinabing magkasama kami dito ni Roxiah dahil alam kong iba ang iisipin mo saming dalawa. Pagkatapos nating pumunta ng wonderland, nakita ko ulit si Roxiah habang ginagawa ko ang vlog ko. She's a nice girl and magkaibigan lang talaga kami."

Napatango ako. "Okay."

"So, ano na 'yung totoong problema?" Sabik na sabik na tanong niya.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Nakita kita kagabi na may kayakap na ibang babae."

Natigilan siya ng bigla ko 'yong masabi. Huwag mong tatangkaing magsinungaling sakin Luijin dahil hindi talaga kita mapapatawad.

"Ayun ba? Wala lang 'yon."

Nanliit ang mata ko dahil sa sinagot niya. "Wala lang 'yon? Eh bakit niyakap mo siya? Sino ba ang babaeng 'yon?"

Bigla siyang natawa at kinurot ang ilong ko. "Wag ka na magselos. Ikaw lang naman ang mahal ko. Atsaka 'yung kagabi, wala lang talaga 'yon. Kaibigan ko lang 'yon."

"Kaibigan?"

"Yup. Just a friend."

"Sure ka?"

He chuckled. "Yes, My ovel."

Napabuntong hininga ako. "Okay. Naniniwala na 'ko. I'm sorry sa mga nangyari kanina."

"Okay lang 'yun. Expected ko naman na makikita mo kaming nasa ganung posisyon." Sagot niya.

Nagulat ako. "Eh alam mo naman palang makikita ko kayo eh bakit niyakap mo parin ang babaeng 'yon?"

Napangisi siya. "Ginawa ko 'yon para malaman kung magseselos ka."

"Sinong may sabing nagselos ako?" Maang-maangan ko.

"I-deny mo pa. Kitang kita na sa galaw mo kanina. You're jealous." Nakangising sambit niya. Napakagat ako ng pang ibabang labi at umiwas ng tingin. Pero naramdaman ko nanaman ang kamay niya sa chin ko at pinaharap sakaniya ang mukha ko.

Napatingin ako sa dalawang mata niya at kinabahan ako ng dahan dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha sakin. Wait. Anong gagawin niya? Hahalikan niya ba ako sa lips? Oh gosh!

Naramdaman ko na ang kaniyang hininga sa labi ko pero bigla niyang sinapo ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. Hindi sa labi kundi sa noo.

"I love you so much, My ovel." He said after he kissed my forehead.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now