75. Unfathomable Rage

20.8K 1.2K 412
                                    

August's POV

"A reunion eh?" Biglang nagsalita naman si Alucard at lumayo ito sa grupo nina Cayden at nakalutang parin ito sa hangin. They are more fighting in mid-air than on thr ground. "You can't even beat me alone. You still need back up?"

"Oh shut up Alucard. You already betrayed Pandora and you are still not satisfied? Or you wanted just to show off that flashy weird appearance of yours." Sabat naman ni Jules na ikinailing ko na lang.

I know. Alucard's appearance is flashy and weird but he really doesn't need to tell him that because there is no need to. Parang mas lalong maaasar lang si Alucard dahil diyan. Aminin ko man o hindi ay hindi maganda sa posisyon namin na mawawalan ng pasensya si Cayden dahil baka biglang magwala ito. Pero hindi pa ba ito nagwawala sa lagay na ito? Gumawa na nga siya ng kampon ng kadiliman tapos sasabihin ko pa na hindi siya nagwawala? He's creating rebellion already!

"Shut up you fool! You're one of the weakest being. You don't even deserve to stand before me! Killing you is the easiest." Turan naman ni Alucard kay Jules na biglang ikinabahala ko. Alam kong hindi magdadalawang isip na gagawin yun ni Alucard. He's evil now and I doubt if there is still a little conscience left in him.

"Weak? I am not weak! You are the one who's weak! Nagpadaig ka sa kasamaan! Patunay lang yan na isa kang bobo at mahina Alucard! Gaya nga ng sabi nila, isa kang malaking cancer!" Ganting sagot naman ni Jules.

I saw how Alucard turned into grim. Alam ko na nasagi ang pride nito dahil sa sinabi ni Jules. I saw how a ball of dark orbs formed on his both hands at biglang ibinato yun ng sabay patungo kay Jules kung saan nandoon din sina Alice at Franco kaya mabilis silang napailag pero sa laking gulat ko at parang may sariling isip ang mga bola ng kapangyarihan ni Alucard at biglang sumunod ang dalawa kay Jules.

"Oh my god...." naisambit ko ng makita ko na pabilis ng pabilis ang paghabol ng dalawang bola at alam ko na nahihirapan na rin si Jules. They could not keep this up forever.

Nanlaki na lang ang aking mga mata ng naabutan si Jules ng mga ito at nakakabulag At nakakabingi na pagsabog ang aking nasaksihan. Sumabog yun na parang isang atomic bomb.

"Juuuuullllleeeeessss!" Dinig kong matinding sigaw ni Franco na ngayon ay tila namumutla sa gulat.

Pati si Alice ay tila papanawan ng ulirat at halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko ng makita ko na bumagsak ang katawan ni Jules. Sunog na katawan at hindi ko alam kung humihinga pa ba ito. Pero kahit sino ang tanungin ay alam na ang sagot. Jules is dead.

"Oh my god." Naiyak at napatakip ng bibig si Alice sa nasaksihan at biglang nanlisik naman ang mga mata nito na tumingin kay Alucard. "Magbabayad ka!"

Bigla na lang umatake si Alice patungo kay Alucard pero mas lalong mahindik lang ako ng walang habas na pinatamaan ito ni Alucard ng kanyang espada at bumagsak si Alice na humihinga pero tila nag-aagaw buhay dahil sa sobrang laki ng sugat nito.

Halos hindi na makagalaw si Franco at Lucas. Si Cayden naman ay tila walang magawa pero nakakuyom na ang mga kamay nito at handa ng sumabog ano man oras.

"That's how a weak can kill another weak." Turan ni Alucard na tila wala lang nangyari at wala itong pinatay.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sari-sari na ang nararamdaman ko. Takot at galit. Galit na galit ako kay Alucard na gusto ko na itong sugurin pero natatakot din ako at the same time. Dahil alam ko na kahit anong gagawin ko ay hindi ko siya kakayanin. Cayden is way more powerful than me, pero wala din siyang magawa.

"Hahahahahahahahahahahahaahahahaha!" Mahabang tawa ni Alucard dahil nakikita na niya ang pagkabahala sa aming mukha. "Pinagsisisihan niyo na ba kung bakit, hindi niyo ako tinuluyan na patayin?" At biglang napatingin si Alucard sa akin. "You tried to kill me, pero hindi ka nagtagumpay. Muntikan mo na akong mapatay dahil muntik mo ng matamaan ang puso ko. Pero gaya nga ng sabi nila, ang masamang damo ay di madaling mamamatay. Nabuhay ako, at malas mo August dahil hindi mo siniguro na patay ako mg oras na yun!" Dinig na dinig ko ang malulutong na tawa ni Alucard. Tuwang tuwa ito sa bagay na ipinaalam sa amin.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon