73. Lair of the Beast

22.4K 1.1K 207
                                    

August's POV

We are now facing the great huge black vine wall that surrounds the inside of the center. Para itong mga malalaking ugat na may mga tinik at hindi namin alam kung saan ba ang daanan papasok dito.

Aakyatin ba namin yan? Mag-aala jack and the bean stalk ba kami dito? Pero nagulat na lang ako ng makita ko na biglang lumipad ang karamihan pataas at tumawid sila sa harang. Holyshit, I forgot, right, they can fly! Lalo na ang taga Winterfell? Pero paano naman ako? So parang rock climbing ang gagawin ko? Natatakot naman akong magteleport dahil sigurado ako na may naghihintay na mga kalaban sa loob.

"Teleportation will work." Saad naman sa akin ni Cayden ng mahalata nito na namroblema ako habang nakatingin ako sa ibang mga kasama ko na lumipad. Pati na rin si Sephira, nakalipad na at nakatawid na rin.

"I know but I don't have the guts. I know there are monsters waiting for us inside." Sagot ko naman rito. "Teleportation, might be dangerous."

"Then, you'll go with me." Saad nito ng walang pagdadalawang isip at biglang hinila na lang ako nito at binuhat at biglang lumutang na lang kami sa ere at nagsimula ng lumipat. Napakapit ako ng mahigpit sa balikat ni Cayden.

Pigil hininga ang ginawa ko habang nakatingin ako sa baba. Parang gusto kong sumigaw pero magmumukha akong tanga kung gagawin ko yun. Mahigpit ang kapit ko kay Cayden dahil baka mahulog akong bigla.

"Look closely... there are no much numbers of demons inside, but they are all s class and super ss class. Avoid all of them as long as you can." Saad naman ni Cayden sa akin at halata pa rin sa boses nito na hindi niya gusto na pumasok ako sa loob. Pero wala din siyang magawa dahil naka-oo na siya kanina sa akin.

"I can take care of myself. I can fight and I have abilities as well." Sagot ko rito na hindi naman sa pagmamayabang.

Hindi na ito nagsalita pa at lumapag na kami. Pagkalapag pa lang ni Cayden ay agad na niya akong naitulak palayo sa kanya dahil kaagad na may sumugod sa amin na isang malaking demon na mukhang kalabaw na tao. Kalabaw ang ulo nito pero parang taong higante naman ang katawan nito.

Napatingin na lang ako habang naglalaban si Cayden at yung demon pero agad naman akong napabunot sa espada ko ng makita ko na may parating din sa akin na hindi kalakihang demon pero maliksi ito.

Agad na sinalag ko ang atake ng demon at sinipa ko ito na halos hindi naman tinablan. Inatake ko ulit ito pero magaling din sumalag ang demon. Napipigilan niya lahat ng atake ko. Maalam ito kung paano makipaglaban. Saglit akong napatingin kay Cayden na ngayon ay tatlong demons na ang napatay pero napapatingin ito sa akin at bakas sa mukha nito ang takot at gustong lumapit nito sa akin pero may humaharang naman sa dinadaanan niya kaya pinapatay niya muna ito.

Mas natatakot ako na baka iuwi niya ako sa Veneesha dahil nagmumukha akong walang silbe rito kaya ginamit ko na ang abilidad ko.

Die. Yun ang hiniling ko habang nakatingin ako sa demon at biglang nagkalasog lasog na lang ang katawan nito at biglang nagbaga na parang nasusunog at naging abo ang katawan ng demon. If I could not kill them with my sword, then, I will kill them with my ability. My ability is lethal than my swordsmanship. Hindi ako ganun kalakas kumpara sa mga demons. They have monstrous strength but with my ability, this will be as easy as breathing.

Nakita ko naman ang ginahawa sa mukha ni Cayden ng makita niya na ginamit ko na ang abilidad ko. I hope with that, he will stop worrying about me. As long as I have this ability, I can take care of myself.

"Holyshit, I saw that!" Biglang saad naman ni Sephira sa akin na hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin. "Do you know your eyes glows into color red when you use your ability?"

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon