CHAPTER LXVI. |NEW HOME|

65.8K 700 57
                                    

CHAPTER LXVI

LIXIEN POV

Pagkadating ko ng bahay may napansin akong sasakyang nakaparada sa labas ng gate namin, mukhang may bisita sina Mommy.

Pumasok naman kaagad ako sa loob at ang una ko kaagad na napansin ay ang mga tao sa living room namin.

“Mom, Dad” bati ko kina Mom. “Tita, you’re here” sabay beso ko pa dito.

Bat naman kaya nandito ang Mommy ni Clyde.

“Halika na Hija, Tamang-tama lang ang dating mo” Hindi pa ako nakakaupo ng hilahin kaagad ako ni Tita.

“Take care of my daughter” sabi ni Dad.

“W-wait Tita where we going? Kararating ko lang kasi…” sabi ko habang hila-hila ako nito papunta sa sasakyan.

“Were going to your new home” nakangiting sabi nito pagkapasok namin sa loob ng sasakyan.

Natigilan naman ako “New home?” tanong ko kay Tita.

 “Yes Honey, mamaya lang ay nandun na tayo”

Kahit naguguluhan ako ay hindi na lang ako nagtanung nang nagtanung pa.

Maya-maya din ay tumigil kami sa isang malaking bahay. Naunang bumaba si Tita, bumaba na din ako.

“Tita kaninong bahay yan?” Pagkababa ko.

Hinawakan naman niya ako sa braso “Tara” yaya niya sakin.

Nung nasa tapat na kami ng pinto saka ko lang napansin yung dala-dalang gamit ni Butler Shin, yung mga maleta ko.

Nagulat naman ako. “T-Tita bat dala niyo yang mga yan?” tukoy ko sa mga gamit ko.

“Di ba nga sabi ko pupunta tayo sa bago mong bahay. At ito na yun. Dito ka na titira” sabay bukas pa ni Tita ng pinto. Bumangad kaagad sakin ang napakagandang living room.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Tita. “WHAT? A-Ayoko” tangkang aalis na ako ng humarang si Butler Shin. Seriously?!

“Wag kang mag-alala Hija, may kasama ka naman dito. Remember you fiancé?” saka ito humagikhik ng tawa.

“Sige. Hija. Im just a call away.” Paalam ni Tita.

Bago ko pa maabsurb ang mga nangyari ay naiwan na akong mag-isa sa living room.

Naupo ako dun sa mahabang sofa.

Tama ba yung rinig ko kay Tita. Fiance ko daw? Sino bang fiancé ko?! At makakasama ko pa siya dito sa isang bahay na ito?. Di ba si----

“Why are you here?” Isang braritonong boses ang napakinig ko.

Pagtingin ko si Clyde nandun sa taas. Nakalean ito sa may beranda sa hagdan sa taas.

“Ahh-Ehh-----“

Nakita ko naman siyang napatingin sa mga maleta ko sa may pinto at saka ibinalik sakin ang tingin. “Psh” sabay ngisi pa ni Clyde at nawala na ito sa paningin ko. 

Yun na yung reaksiyon niya. Hays. Di man lang ba siya bababa at kukunin tong mga maleta ko. Tsk.

Pano naman kaya napapayag ni Tita Belle sina Daddy na ditto na ako magstay, eh sa pagkakalam ko mukhang tutol na ang mga yun.

Jusko. Pano ba ako kikilos sa bahay na ito kung siya pala ang kasama ko. 

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon