CHAPTER LXXII. |GOING WITH TROY|

69.7K 826 132
                                    

CHAPTER LXXII

“Clyde” Tawag ni Lixien dito habang kumakain sila ng agahan.

Tiningnan naman ito ni Clyde.

“Ano ba yung dahilan kung bakit kayo nag-away ni Dad? Hindi mo naman siguro siya basta na lang susuntukin ng walang dahilan di ba?”

“Sinabi ko na sayo kagabi, misunderstanding lang ang nangyari… And… I lost my control … kaya…  basta ko na lang siya nasuntok” Kalmadong sagot ni Clyde.

“Ano bang pinag-usapan niyo?” Nakakunot nuong tanong ni Lixien dito.

Tiningnan naman itong maigi ni Clyde “Us. We talk about us” Seryosong sabi ni Clyde.

“Then what happened bakit bigla mo na lang sinuntok si Dad?” Medyo napataas na ang boses ni Lixien. “Mom called me last night, Pagkaalis natin bigla na lang daw sinamaan ng lasa si Dad pero buti na lang ayos na siya ngayon…” Medyo may inis na tiningnan ito ni Lixien.

Clyde unconsciously bite her lower lip and look at the other direction, then finally look at her. “I’m sorry”

Nawala naman bigla ang inis ni Lixien dito. “Gusto ko lang sanang sabihin na mali yung ginawa mo Clyde. He’s still my Dad”

Clyde wickedly smile “I know” tipid na sagot nito.

Napansin ni Lixien na nagva-vibrate ang phone niya, hindi niya pa pala ito napapaltan ng ringtone.

Nang tingnan niya ang screen.

“Who is it?” tanong ni Clyde.

“Si Troy tumatawag”   tiningnan naman ni Lixien kung anong magiging reaksiyon ni Clyde pero bahagya lang itong napatigil.

“Answer it” tipid na sagot ni Clyde.

Naguguluhan namang sinagot ni Lixien ang telepono.

“T-Troy”

-“Labs! Good Morning”

“Good Morning din”

-“Ah-Ano kasi Labs eh”

“Yan ka na naman. Ano ba yun”

-“Wala naman talaga akong balak tawagan ka pero ano kasi-

“Ano nga?” medyo natawa naman si Lixien. Napatingin naman dito si Clyde.

-“Ganito kasi yun”

“Yah, Troy. Say it already”

-“I have this deal to be close with my big time client this day at kapag nagawa kong i-close ang deal na ‘to Labs napakalaking tulong yun sa Business ko…”

“And then… Anong kinalaman ko dito”

-”You’re one of my assets to close this deal kasi Lixien kailangan ko ang tulong mo ‘bigtime”

Napakunot naman ang nuo ni Lixien dito.

-“My client wife is an avid fan of international ramp models at nung nalaman ko na kasama siya sa meeting namin ngayon, ikaw agad ang naisip ko Labs”

“Ok. I get it. You want me to go with you with this meeting to get the attention of your client’s wife so I can set the mood and for everything to turns good. Is that so?” Napatingin naman si Lixien kay Clyde na nuon ay pinagpatuloy na ang pagkain.

“You can go” Narinig niyang sabi ni Clyde na ikinagulat din ni Lixien. She didn’t expect him to let her go with Troy.

“Ah. Ahm. Troy sige. I’ll go with you” Narinig naman niya ang walang humpay na pasasalamat nito sa kabilang linya.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon