CHAPTER 23: CODE
Lucille Miller
"Wala pa ba si Ezra? Hindi ba umuwi?"
"Kagabi ko pa nga hinahanap, Aidhne, e. Kasama ko siya nung lunch pero hindi ko na siya nakita after nun."
Nagising ako dahil sa usapan nila Aidhne at Kyrzten, "Nawawala si Ezra?"
"We're not yet sure, Lucille. Pero hindi naman siguro mawawala 'yun kasi diba alam nanaman niya ang pasikot-sikot dito sa school." Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Kyrzten. Nagka-initan kami ni Ezra pero kaibigan ko parin siya. I still care for her.
Agad akong tumayo at nagbihis. Simpleng jeans at white shirt lang saka nagputi na rubber shoes. Every friday kasi ay ganito ang suot namin. Tumingin ako sa relo ko at medyo maaga pa naman. Mamaya pang 8 am ang simula ng klase namin at 5:52 palang ng umaga.
"Saan ka pupunta, Lucille? Maaga pa ah?" Napatingin ako kay Aidhne. Halata mo na nag-aalala siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, "Hahanapin ko lang si Ezra."
Una kong pinuntahan ang building namin, hoping that Ezra just left our dorm early, unnoticed by us.
"Ezra?" I called her name, my voice echoing on the empty hallways. "Ezra?" I called again, opening the door of our classroom. I searched for any trace of her inside the room, but I saw none. I roamed around the building, occasionally calling out to her.
Muntik-muntikan na akong mawalan ng pag-asa at babalik nalang sana sa dorm nang makita ko si Damonzielle na palakad-lakad mag-isa.
"Damonzielle!" Sigaw ko kaya naman napatingin siya sakin. Agad naman akong tumakbo sa kanya, "Huy, pwede ba magtanong?"
"Oh, Lucille! I-ikaw pala." Napakunot naman ang noo ko sa inakto niya, "Ba't parang natatanga ka dyan, Damonzielle?"
Napailing nalang siya at nginitian ako, "Your question?"
"Ah, oo nga pala. Nakita mo ba si Ezra? Hindi daw umuwi kagabi e." Tanong ko sa kanya.
Damonzielle sighed and ruffled his hair. I heard him mumble a 'fuck it' before he looked into my eyes and said, "I took her to the clinic yesterday. May tama ng baril kaya nawalan ng malay but she's oka—"
Hindi ko na pinatapos si Damonzielle dahil kumaripas na ako ng takbo papuntang clinic.
Sinalubong ako ng nurse pagkapasok na pagkapasok ko ng clinic, "Uh, Miss, nandito po ba si Ezra Hearts? I heard na dinala daw po siya dito." Nginitian ako ng nurse at sinama ako kung nasaan nakahiga si Ezra. Agad nanggilid ang mga luha ko nang makita ang kalagayan ng kaibigan ko, "Ano pong nangyari?" Tanong ko sa nurse sa harapan ko.
"Your friend was shot right through her stomach. She lost a lot of blood dahil hindi agad siya nadala dito sa clinic. We still need to run several tests to see if your friend would still be alive." Napamura ako ng mahina nang marinig ang sinabi ng nurse. Paano ko sasabihin 'to ngayon kina Aidhne?
"Sige po. Salamat po." I silently said, sitting on the chair beside Ezra's bed. "Oh my god, Ezra." Ang nasabi ko nang makita kong halos wala nang kulay ang mukha ng kaibigan ko. I held her hand and flinched a little when it felt cold against mine. Parang bangkay na ang hawak ko. "What happened?" Tanong ko sa kanya na para bang makakapagsalita siya, "Who did this to you?" Naiiyak kong sabi. I can't help it. Ganito pala ang feeling na makakita ng kaibigang halos naghihingalo na.
Makalipas ang ilang minuto na pagsama ko kay Ezra dito sa clinic ay dumating sila Aidhne, "Damonzielle told us what happened." Nakita kong umiiyak si Kyrzten hawak-hawak ang pisngi ni Ezra, "Who did this to her, Lucille?"
YOU ARE READING
Jaris' Haven University
Mystery / ThrillerDreams are sometimes very simple, and for these girls, their only dream was to stay in a place where they can have a new beginning. But when they stayed in that place, they realized that they should've never went at all. Join Aidhne, Ezra, Kyrzten a...
