Chapter 42 - "Complicated" (Part One)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Teka lang. Pwede bang wag sumigaw?"

"Okay. Diba alam mong nasa akin ang iPad niya? Tinawagan ko siya kahapon pero out of reach daw."

"Then?"

"Tinawagan ko siya ulit ngayon then alam mo ba kung sino ang sumagot?"

"Malamang si Faith."

"Gago! Isang boses panlalake!"

O.O

Pan...panlalake na boses?!

"Sino naman yun?"

"Yun ang problema ko. Hindi niya sinabi kung ano ang pangalan niya pero kaibigan daw ni Jess."

"...."

"Eto pa. Ang sabi niya, may kapatid daw siyang babae na kilala si Jess. Yung kapatid nalang niya daw ang mag-uuwi kay Jess."

"Pero sino naman?"

"Hindi ko din alam. Binabaan ako agad eh."

"Okay sige. Salamat Andrew."

In-end ko na yung call. Napaisip tuloy ako kung sino ang kausap ni Andrew kanina.

"HOY IVAN! Nakikinig ka ba sa akin?"

"H-huh?"

"Nawawala ka na naman sa sarili mo eh."

Ai. Muntik ko nang makalimutan na may kasama pala ako ngayon.

"Okay lang ako."

"Bakit? May problema ba?"

Kailangan ko lang ng may mapagsabihan. Trusted naman si Tiff eh.

"Naaalala mo pa ba yung si Jess diba?"

"Oo...?"

"Nawawala kasi cellphone niya."

"Then? Ninakaw ba?"

"Hindi eh. Nasa kaibigan daw niya. Pero hindi namin kilala kung sino."

"Ehh? Kaibigan niyo siya tapos hindi niyo kilala kung sino?"

Sarap batukan din 'to eh. Paano ko hindi makilala kung siya lang palagi ang kasama ko?

"Siguro tinatago lang ni Jess sa amin. Kumbaga surprise nalang."

Okay. Kailangan kong magsinungaling. Baka saan pa kami umabot eh.

Biglang natahimik si Tiff na parang may sinasabi sa sarili.

"CELLPHONE! Oh my...samahan mo muna ako hanapin si Ate Jessica!"

May inilabas siyang cellphone.

"Sabi ni Kuya na iuuwi ko daw phone ni Ate Jess kasi nasa kanya daw kagabi. Naiwan daw ni Ate kay Kuya."

"Paanong nasa sa'yo yan?" - Me

"Remember the time na bumili ka ng pagkain sa cafeteria? Nilapitan ako ni Kuya then binigay niya sa akin."

Bwisit. Pero teka lang...

"So ang---"

"Tara na!"

Hinila na niya ako.

-END OF IVAN'S POV-

-JESS'S POV-

Huhuhuhuhu...NASAAN NA BA SI KERWIN?! NAMAN EH! Cellphone ko nasa kanya. Baka may tumawag na o kaya nagtext. What if importante yun? WAAAAAAH! TT.TT

"Haynaku Jess. Based naman siguro sa descriptions mo, hindi naman siguro magnanakaw siya eh." - Meg

Nandito ako ngayon sa booth namin. Tumutulong nalang ako sa kanila para pampawala ng oras. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi hindi ko din alam kung saan ako magsisimula.

"Alam ko naman yun eh. Pero paano ko siya mahahanap ngayon? For starters, hindi siya nag-aaral dito."

"Let's think...AHA! Makipagkita ka nalang kaya? Tatawagan natin phone mo."

Tama si Meg.

Tumango nalang ako. Sisimulan na sana ni Meg ang pagdial ng number ko nang tumunog ang service bell. Hindi ko napapansin kasi ang mga pumapasok kasi nakatalikod ako ngayon sa likod ng counter. Sarreeh.

"Ate Jess!"

Familiar ang boses...

"Y-yes? H-how can I help--"

May inabot siyang gamit. Nakabox pa nga eh.

"Ate Jess, cellphone mo. Si Kuya kasi...sorry daw."

"K-kuya? May kapatid ka pala?"

"Oo! Si Kerwin?"

O.O

Sabay din ang pagtaas ng mukha ko ay ang pagtingin ko sa kasama ni Tiff...

Si Ivan. </3

"A-ahh...oo siya. Akala ko walang kapatid si Kerwin! Haha! Salamat ah?"

"Wala pong anuman. Ate Jess, alis na po kami."

"O-oh sige. Salamat ulit."

"Heehee! Babye!"

Kumaway ako sa kanya-ay hindi pala. Sa kanila pala. Pero belaaat...wala akong pakialam. Basta nabalik na ang phone ko, payts na. Hahaha!

Chineck ko ang call log...

5 missed calls from: Tristan

10 missed calls from: Ivan

3 missed video calls from: Christine <3

What the--asdfghjkl!

-END OF JESS'S POV-

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon