Chapter 20 *Just friends*

Magsimula sa umpisa
                                    

.......

Lunch time.


Tumakas ako kay Dj at tumakbo agad pababa. Eh kasi naman, magagalit lang naman yun sakin pag sinabi kong si CJ yung kasabay ko ngayon eh. Sasabihin ko lang naman kay CJ na tigilan niya nalang yung 6 ways, dahil alam mo yun. Wala din naman patutunguhan at ayoko naman masayang yung effort niya pag nagka taon. -___-

Pumunta na kami ni CJ dun sa may cottage at dun na kumain. 

"Anong importante pala yung sasabihin mo?"

"Ah? Kath.." tapos may binunot siya sa bulsa niya. 

"Eto pala yung letter."

 

"Cj, pwede bang--"

"Basahin mo muna please." kinuha ko nalang yung papel dahil pinutol niya narin lang yung sasabihin ko.

Dear Kath,

 I know this might be weird, because I already felt something special when the first time I saw you. Your eyes, your smiles, and just by simply being there completes my day. Kath, I know the hardest thing is choosing between a celebrity and just a simple guy like me.

 But let me tell you that, what I feel for you is real. I'm happy whenever you're around. I like you, and I am willing to make you the happiest person ever. Kath, be my girl? :)

- CJ


"Kath, makinig ka sakin." seryoso niyang sabi tapos hinawakan niya yung mukha ko tapos hinarap niya sakanya.

"Kahit ano pang malaman mo, kahit ano pa yun, sana maintindihan mo na hindi kita gustong saktan. Kath sa tingin ko ngayon, totoo na talaga to. Gusto talaga kita." gulat at the same time kinabahan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa kahit ano pang malaman ko? >///<

*KRINGGGGGGGGGGGGGG*

"Hehe. Bell na? Tara na?" tumawa nalang ako para mabasag tong cheesy moment na to. Kinikilabutan ako eh. Hindi ako sanay.

parehas na kaming tumayo at umakyat. 

Sa may pintuan niya lang ako ng classroom hinatid ng dahil nga baka saraduhan na naman siya ng pinto ni Dj. Umupo nalang ako sa upuan ko at inisip yung mga nangyari kanina.

"Kahit ano pang malaman mo, kahit ano pa yun, sana maintindihan mo na hindi kita gustong saktan. Kath sa tingin ko ngayon, totoo na talaga to. Gusto talaga kita."

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon