Parang nagliwanag yung mukha nya nung sinabi ko yun.

"Really? Nakakatuwa....pangarap ko kase na magkaroon ng bunsong kapatid..." nakangiting saad nya.

"Matutuwa din yung anak ko...pero ngayon palang magpapasensya na ko napakakulit nun kaya humanda ka na..." natatawang sabi ko.

Ngumiti sya at parang nasasabik sya sa ideyang makikila nya yung anak ko.

Habang daan ay nagkukwentuhan kami, kakagraduate lang daw nya nung college nung nagkasakit sya pero ngayon nag uunder trainning sya sa kumpanya nila para makatulong daw sya sa pamilya nila.

"Kahit anong mangyare wag mo ng iiwan si Cy....ikaw kase yung buhay nya. At sa mga darating ang kailangan mo lang eh malawak na pang unawa at buong pagmamahal sa kanya. Did Yuri told you na isang breakdown pa ni Cy eh hindi na sya makakabalik?" Seryosong tanong nya sa akin habang nagmamaneho. Biglang bumigat yung pakiramdam ko...napabuga ako ng hangin at napailing. Hindi ko alam...

"Gagawin ko ang lahat para magtuloy tuloy ang pag galing ni Cy...ayaw ko na din kase na mapahiwalay sa kanya..." sabi ko. Ngumiti si Hunter sa akin.

"Kailan kaya ako makakakilala ng isa pang 'Roian', Cyrll is lucky to have you..." masayang saad nya.

Natutuwa ako dito kay Hunter kase ramdam ko na kapatid ang turing nya kay Cy at sobra nya itong protektahan.

"Aba, malay mo malapit mo na syang makilala...." nakangiting saad ko.

Pagkarating namin sa Condo ay tinulungan nya ko buhatin nya yung dala dalahan ko. Nakasakay kami sa elevator. Hinila nya ko sa gilid ko ng may mga pumasok pa na iba. Pinagtitinginan nila kami. Pero si Hunter tahimik na ulit ilang saglit.

"Anong gagawin mo bukas?" Tanong nya sakin.

"Maggogrocery..." saad ko at napatango sya.

Nang makarating kami sa floor ng unit ko ay halatang excited sya kaya natatawa ako.

"We are here...pasok ka." Saad ko.
Sinalubong ako ng yakap ng anak ko.

"May nakamiss sakin..." natatawang sabi ko at pinugpog ko sya ng halik sa pisngi.

"Me!" Masiglang saad ng anak ko at mayamaya ay natahimik sya at parang nakatingin sya sa likuran ko.

"Anak...meet my friend....Hunter...Hunter si Yuan anak ko." Saad ko at napangiti ako sa itsura nila.

"Ang cute ng anak mo Roian...." masayang saad ni Hunter.

"Mana sakin..." proud kong sabi.

"Marami na kong matatanggap na regalo sa pasko Mommy...ang dami ko ng ninang..." masayang  saad  ng anak.

"Anak...wala sya nung binyag mo..." bulong ko sa anak ko napaka self proclaim talaga.

"Eiiii! Tita Cy told me, if I met Hunter sabihin ko daw sa kanya na ninang ko sya..." natatawang sabi ng anak ko. Loko ka Cy!

"Ang bait nyo ng Tita mo..." nakakainis sobrang iisa ang kalokohan nila. Hunter is laughing.

"You know what Roian...Ninang na nya ko...that's good idea.." masayang saad ni Hunter at patakbong lumapit sa kanya yung anak ko para yumakap. Tuwang tuwa si Hunter na kinarga ang anak ko at sinabi ko na sa salas muna sila.

Magkasundo agad yung anak ko at si Hunter....mukhang madaming  naikwento si Cy kay Yuan about Hunter.

Nung bandang 9:30pm ay nagpaalam na sya. Hinatid ko sya hanggang elevator.

"Wag ka ng tatanggap ng bisita maliban sa pamilya mo...mag ingat kayo." Saad ni Hunter bago pumasok sa elevator at ngumiti ako bago tumango.

"Ingat sa pagdadrive," at ngumiti sya sakin bago tululayang lumulan sa loob ng elevator.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon