Chapter 18: Sudden Attack!

Start from the beginning
                                    

'Die bitch,Die'sabi ko sa kanila gamit pa rin ang isip. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata nila habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

Pagkarating namin sa table namin tumayo si Sky at Cloud para kumuha ng pagkain. Sumagi naman sa utak ko yung naisip ko kanina.

"Aria!"tawag ko sa kanya dahil nakikipagkwentuhan na naman ito kay Earl. Humarap naman ito sa akin na may nagtatanong na tingin.

"Bakit?"tanong nya.

"May namamagitan na ba sa inyo ni Earl?"diretsang tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na namula sya pagtingin ko kay earl ay namumula na rin. Hmm...mukhang alam ko na ang sagot.

Tumingin si Aria kay Earl na parang nanghihingi ng tulong.

"Actually may sasabihin din kami sa inyo ni Aria--"naputol ang sasabihin ni Earl nang dumating sila Sky at Cloud.

"So ano yung sasabihin nyo?"tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Kami na!"sabay nilang sabi at itinaas ang kamay na magkahawak. Unti-unti namang nag-sink in sa akin ang sinabi nila nung nagsink-in nanlaki ang mata ko na nakatingin sa kanila ngayon.

"Kayo na!?"di napigilang mapasigaw at tumayo nang marealize ko yung ginawa ko agad-agad akong umupo.

"Bakit ang bilis? Parang kailan lang kayo naging close ah!"sabi ko sa kanila.

"Hindi naman mahalaga kung gaano katagal kaming naging close ang importante mahal namin ang isat-isa dba munchie"sagot ni earl pero-- wait munchie?

"Munchie!?"napasigaw naman ulit ako ayy mali di lang pala ako pati pala yung apat.

"Oo munchie! I love you munchie!"sabi ni earl. Nakita ko naman ang pamumula ni Aria bago sumagot.

"I love you too,bunchie!"

"Bunchie!?"sigaw ko ulit. Napailing muna ako bago nagsalita. "Ewan ko sa inyo. Ang corny nyo!"dugtong ko

"Sus tignan lang natin kapag ikaw na ang may boyfriend. Baka kainin mo yang sinabi mo"sabi ni Aria at dahil doon natahimik ako.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain.

"Sam tikman mo itong steak oh masarap!"sabi ni walter. Oh-uh!

"Hindi ito na lang lasagna ang tikman mo"sabi naman ni Sky. Sabi ko na nga ba eh.

"Ito na lang pizza Sam!"sabi naman ni Cloud. Paano ako makakain nito?

"Ito na lang isda!"sabi naman ni Light. Ahh! Di ako makakain nito.

"Stop, let her eat!"napatingin ako sa nagsalita si Ice lang pala--wait si ice"Eat the vegetable salad instead"dagdag pa nya kaya naman mas lalong nalaglag ang panga ko ayy di lang pala ako pati pala yung ibang royalties except kay firen. Naputol lang iyon ng may pumasok na studyante sa loob ng cafeteria at sumisigaw.

"May dark magician na umaatake!"sabi nito kaya naman agad kaming napatayo at nagtungo kung saan umaatake ang mga dark magician.

Pakarating namin doon ay nakita namin ang ilang magician na nakikipaglaban sa hindi baba sa trentang dark magician.

Agad kaming nagtungo doon pagkarating pa lang namin ay may sumugod na agad kaya naman wala na kaming gumawa kundi ang lumaban.

Sinuntok ko sa tyan yung sumugod sa akin kaya napadaing ito at napaatras pero sumugod ulit sya nagsummon ako ng air sword at naglaban kami gamit ang espada at sa huli natalo ko rin sya. Hindi ko namalayan ang isa pang papasugod kaya natamaan ako ng espada sa may braso hinarap ko naman ang lalaki at umikot ako para masipa sya sa mukha at dahil doon ay napaatras binato ko sya ng air ball kaya natalo ko siya.

"Tara na tumakas na tayo!"sabi nung isa sa kasamahan nila nagsimula na silang umatras. Nakaalis na ang mga kasamahan nito ngunit sya ay nandto pa rin aatakihin ko sana sya ng magsalita ito.

"Malapit na ang digmaan. At sa oras na iyon sisiguraduhin namin na kami ang mananalo!"sabi nito kasabay ang pagkawala nya.

......

PLS.

VOTE

AND

COMMENT

THANK YOU!!

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now