[17] Di ka pa ba pagod?

86 4 0
                                    

Gabi na kami nakarating sa bago naming bahay.

Nung una pala, condominium yung sinasabi ni papa na bago kong bahay, pero tinaggihan ko eh. Kasi ayoko ngang mag-isa. At ayoko na ulit malayo sa kanya...

He thought that I'll like it more to live by myself. Pero nalaman niya din na ayaw ko kaya dito kami sa bahay niya. Ng sama-sama!

"Wow Trey, ang yaman niyo." Ako din. Di ko inakalang ganito kayaman 'tong tatay ko.

Di ko na idedescribe. Ang OA pag pinaulit ulit ko pang ang laki laki ng bahay ng papa ko. Mag-imagine na lang kayo ng malaking bahay na may pang mayamang mga kagamitan. Para bongga!

Pagpasok namin sa pintuan, sinalubong kami ng 10 Maids. Tinignan ko sila isa-isa. Tekkaaa. Parang pamilyar 'to?

Nilapitan ko sila isa isa. "Parang kilala ko kayo guys." sabi ko. Takang taka pa din kung san ko nga ba sila nakita? At ngiti naman sila ng ngiti, nagpapacute.

"Baka mga babae mo!" Sigaw ni Arah. Walangya talaga. Ginawa pa kong babaero.

Baka nagkakamali lang ako, kamukha kasi sila ng mga fangirls ko sa school. Hay nako buhay.

"Trey," Bulong ni Arah. Sumagot naman ako sa kanya ng "Oh? Ano?" tanong ko sa kanya habang kinikilatis pa din 'tong mga babae sa harap ko.

"Mga mukha namang atsara, yan yung mga fan girls mo sa school!" ay, teka.. Oo nga ano!

"I KNEW IT! Member kayo ng TREYSTERS di ba?" sigaw ko, grabe nagtawanan silang sampu. Anong ginagawa nila dito? ANOOOOO?

"Nag-apply kami dito para araw-araw ka naming kasama!" sabi nila.

"Mga desperada." Narinig kong bulong ni Arah, hay nako. Nagseselos na naman 'tong mahal ko. MAHAL? San galing yun, ano ba yan kung ano-ano 'tong pumapasok sa isip ko!

"Pero girls wait, di ba mayayaman naman kayo? Pinayagan ba kayo ng mga magulang niyo? Susme, baka ako pa makasuhan sa mga pinag gagagawa ninyo!" sabi ko, teka, aba naiistress ako!

"Kakasuhan ka talaga namin!" Sigaw nung isa, hay. Hindi ko siya kilala sa pangalan niya, kahit isa sa kanila wala akong kilala.

"Kakasuhan ka namin ng illegal possession of killer smile which leads to homicide ng aming mga puso! Heart heart Trey! WAHHH!" At isa isa nila akong niyakap.

"Ah-- Oy teka! Paaaa! Araaaaaah!" Nahagip naman ng mga mata ko si Arah, medyo badtrip yung itsura niya, "Enjoy Trey." Bulong niya. Ano bang iniisip ng babaeng yun? Akala ba niya gusto ko 'to? Arah! Bumalik ka dito!

Natigil naman na din yung commotion na nagaganap kanina.

Nang makapagbihis na ako at naayos ko na ang lahat ng mga gamit ko sa aparador ko, nagsimula na akong bumaba. Tinatawag na nga din ako sa baba dahil kakain na daw kami.

Pagbaba ko, wow. Engrandeng kainan! For real na ba ito? Ang dami kasing pagkain. Ang tunay na pogi, di takot tumaba! Tandaan niyo yan! *Kindat Chupul

"Oh Trey, halika na kumain ka na. Kailangan niyo nang matulog dahil maaga pa ang pasok niyo bukas ni Arah." sabi ni Nanay, kumamot ako ng konti sa ulo at sabay-sabay naman kaming napangiti. Sinimulan na din namin ang pagkain ng sabay-sabay.

Naglibot ako sa mansyon ni Papa pagkatapos naming kumain. Pagkapunta ko sa likod, sakto may garden. Mukhang perfect place siya para madala ko si Sharah-- ay este, pano siya napasok dito?

Pero mukhang hindi lang yata ako ang nakahanap ng comfort sa place na ito.

"Arah? Gabi na ah, ang lamig pa ng hangin. Magpapasko na talaga no? Mahamog na, bakit nandito ka pa?" tanong ko kay Arah, saka ako tumabi sa kanya sa may swing, nakataas yung ulo niya, nanonood ng stars, ano kayang iniisip niya? Parang ang lalim eh.

"Wala, may iniisip lang, ikaw, bakit andito ka pa din? May pasok ka pa bukas ha." ginulo ko yung buhok niya sa ulo, parang siya naman wala?

Tumayo na ako, makatulog na nga. Medyo nakakaramdam na din ako nga antok, at isa pa, malamig na talaga.

"Hay Trey, di ka pa ba pagod? Kanina ka pa kasi... Hay wala nevermind."

Pinagsasasabi ni Arah? Hindi niya siguro alam na naririnig ko pa din. Tumuloy tuloy na lang ako ng paglalakad.

ARAH'S POV

"Hay Trey di ka pa ba pagod? Kanina ka pa kasi.... Tumatakbo sa isip ko."

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Where stories live. Discover now