[5] Stuttering

278 5 0
                                    

Pagkababang-pagkababa namin sa jeep eh tinigil na ni Arah yung pagsusuklay niya. Ahhh! Talagang nang-aasar siya! HOBBY NIYA YAN TARAGIS!

“AY PUTA!” –Arah

“Ito ang sama nito! Ang aga aga nagmumura ka agad! Nagdasal ka na ba? Kilabutan ka nga!” –ako

“Parang ang bait naman nitong ugok na ‘to!” –Arah / Tinawag pa akong ugok, ‘naknang!

“Kumpara sayo, mas mabait naman ako! ‘Nu ba kase nyare sayo at nagmumura ka agad diyan?” Napansin ko kasing may hinahanap siyang kung ano sa bag niya.

“Nalimutan ko yata I.D ko hay nako naman.”

Tsenen Tsenen Tsenen

Ringtone ni ARAH. Mas lame yung sakin kasi isang Tsenen lang. Siya na kasi! Haha

“AY NAY OO! Diyan nga! Diyan sa T.V naiwan ko! AY sige nay punta ka? DI KASI AKO MAKAKAPASOK PAG WALANG –”

“HELLO NAY? WAG NA PO KAYONG PUMUNTA NAY. OO NAY SI TREY TO. KAYA KO NA TO NAAAAAY. WAG NA NAY! SAKTO LANG NAIWAN KONG PERA DIYAN EH! SIGE NAY AKO BAHALA SA KAPATID KO!” Inemphasize ko pa yung KAPATID KO sabay ngiting chupul kay ARAH. HAHAHAHA

“Hoy ikaw ano ba kasing problema mo?” tanong nya sabay agaw nung cellphone niya na inagaw ko din naman kanina. Haha.

“Sasayangin mo pa kasi ang pamasahe ni nanay papunta dito para lang sa katangahan mo? Bobo ka naiwan mo na nga I.D mo mang-aabala ka pa ng ibang tao!” sabi ko

“PAKELAM MO BA? As if naman even though makapasok ako diyan!” sabay dutdot niya dun sa gate ng school.

“Pshhh. WALA KA KASING TIWALA DITO SA MUKHA KO.” Tapos naglakad nako papuntang gate.

“MUKHA MO? Wala talaga! Tangina di ka naman mukhang ID—Oy teka? A—nong gagawin mo?”

“Uhmm, hello ate guard!” sabay ngiting wagi ko kay Ate guard. Gago kasi nitong si Arah eh! Kailangan ko pang mangcharm ng guard makapasok lang siya.

“HELLO DIN IHO.” Tapos ngumiti siya. Booom! Buti naman at tinamaan si Ate ng CHARMS KO AGAD. Teka!? Nagtaka pa ako! Ano ba yan wala namang makakatanggi sa ganitong mukha ;)

“Ahm, ate ang ganda niyo ngayon ah.” Tapos nginitian ko ulit siya. Sinenyasan ko naman si Arah na pumuslit na habang nasakin pa atensyon ni Ate Guard. PERO IMBIS NA PUMASOK SIYA ETO ANG GINAWA NIYA. “Puta kadiri!” yan nagsisisigaw siya ng ganyan. KATANGANG BABAE! Pagkakataon na eh! Kinausap ko pa si ate guard hanggang sa mahimasmasan si Arah sa pagtawa.

“Pumapatol ka pala sa matanda Trey? Medyo kadiri.” Yan binulong sakin yan ni Arah. Siya na nga ‘tong tinulungan eh! ARRRRRGGGGGHHHH!

--

Late ako sa Webdev 1 dahil kay ARAH. Litsie. :”>

Imbis na mag-thank you sha, di na niya ako inantay at pumasok na sa next class niya.

Fortunately, mabait ang prof. namin sa Webdev1 kaya ayun, di naman ako pinagalitan. Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng may marinig kaming humilik ng malakas. Hinanap naman namin kung sino yun naglinga linga din ako sa paligid para matanaw kung sino yun. Natigilan na lang din ako nung napansin kong nakatingin silang lahat sakin. Ako ba? Di naman ako ah? Tapos ayun. Ngumuso si ma’am at napagtanto kong yung katabi ko pala yung nakatulog.

“Mr. Trey Tenorio, can you please wake up your pretty little sleepy seatmate?” ME? As in ako? Eh? Daya! Inalog alog ko naman yung katabi ko sabay palo ng konti kasi naman ano ba yan. Sa klase natutulog?! I mean, oo college na kami understood na minsan may working students na puyat pero wag dito sa klase ni Miss Loisa! Napakachunget pa naman neto. (_ _)/

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Where stories live. Discover now