[32] ;

16 1 0
                                    

Last 8 chapters :) Sorry sa typos. Enjoy the double update. Sana magcomment kayo, ( feeling may nagbabasa!) Haha. Enjoy the rest of your day guys. Ciao!



I managed to be happy when I am with Arah, she became my all. Pero hindi pa din namin alam kung anong mayroon kami. Siguro ligawan stage? Ang alam ko lang masaya ako na nandyan siya.

Kumuha ako ng takip ng kaldero saka sandok, panggising 'to kay Arah.
"Babe, gising na!" Kinalampag ko yung mga bagay na hawak ko at nakita kong asar na asar siya!

"Really Trey! Napaka childish amputa!" Napatayo kasi siya sa gulat at asar sakin. Hawak hawak ko pa din yung takip at sandok, at natatawa tawa pa ako. Nakashorts at sando lang si Arah but she looked stunning. I don't know how she managed to be like that.

"Tanginang yan naman Trey eh! Pwede namang mangyugyog para manggising wag naman yung putanginang nangugulat eh!" Natatawa pa din ako, ibinaba ko yung mga hawak ko, hinawakan ko ang tiyan ko at muli ko siyang pinagtawanan!

"Gago! Wag kang lalapit ukinam! Tas di ka pa nagsasalita kakatawa mo, mawalan ka sana ng hangin leche!" Tumayo siya para magpunta sa banyo, tawa pa din ako ng tawa.

"Babe bilisan mo maligo ha!" Asar ko sa kanya at pinagdabugan pa nya ako ng pinto.

Nagpunta ako sa baba, ngiting ngiti pa din ako sa naging reaksyon ni Arah. Nakakatawa talagang mang asar ng bagong gising, laging beastmode on!

Nakita ko siyang pababa ng hagdan. Nakapag ayos na sya at nakapagbihis pero nakabusangot pa din siya sa akin.

"Goodmorning Babe!" Bati ko sakanya with all smiles.

"Babe mo mukha mo! Wag mo kong babe-babe-bin ha? Nakakagago  ka!"

"Wow, ang sarap pa naman ng niluto ko, eggs, bacon and ham. Mahal kita kaya yan yung ipaaalmusal ko sayo, pero sakin tangina yung kanin, ukinam yung ulam." Arah smiled. I knew it. Matindi talaga ang charms ko.

"Matindi talaga mambihag ng babae ang mga gwapo kagaya ko." Nginitian ko siya ng pagkalaki laki. Wala pa din siyang reaksyon kundi tawa.

"Kelan ka pa ba nainlove sakin Arah?"

Tawa.

"Sana noon ko pa nalaman para noon pa man, tayo na."

Tawa.

"Pero ang tanga ko! Haha naisip ko pa naman yun na, bakit kaya umalis si Arah nung tinulungan ko si Sharah sa restau?" Nagkamot ako ng ulo.

Tawa.

"Arah, will you be my girl?"

Tawa.

"Tutal ang gwapo ko naman, tapos medyo maganda ka. Pwede na din siguro."

Tawa pa din ng tawa. "Ha ha ha."

"Trey." Napatingin ako sa kanya, ito na ba yung moment na sasabihin niyang, oo Trey! Matagal na kitang mahal sobrang pogi mo kasi!

"Ulul."

Ululzoned. Tangina.

*


"Babe! Tagal mo naman. Tara na. Ikakasal ang nanay at tatay mo, tas ang bagal bagal mo kumilos!" Kanina ko pa kinakatok si Arah sa kwarto niya. Nilalock na niya yun dahil ayaw na nya akong papasukin, baka daw makaltukan na nya ko ng syanse pag ginawa ko ulit yun.

"Oo na tangna naman ang atat eh. Alas otso pa lang pa lang ng umaga alas sais ng gabi yung kasal!" Rinig kong sigaw niya sa loob ng kwarto niya. Ang aga ko kayang nagbihis. Kasi nga walang gwapong late.

Terno yung suot namin ni Arah. It is a beach wedding na sponsored ng isang baguhang CEO daw sa pinapasukan dati nila Nay Flor. Kung sino yun, walang alam si Arah, nakaka-touch siya bilang anak.

"At sino ka naman para ternohan ang kulay ng damit ko?!" Gulat na tanong sakin ni Arah at nginitian ko siya.

"Oh, syempre. Hindi naman ako mag tutuxedo galing sa Onesimus at panloob na kulay light blue galing sa H&M, brief na galing Calvin Klein saka slacks and black shoes galing sa Cardams kung hindi naman babagay sa 'yo diba."

She just smirked at me at tuluyan ng umalis sa harap ko. Arah is wearing a floral dress na silk ang tela. Tube yun kaya kitang kita ang shoulders niya. May lining yun na blue kaparehas ng panloob ko, she is wearing a three inch stilettos kaya naman medyo umangat  ang height nya.

Stunning one word that best describes her.

Bandang 10 A.M kami umalis ng bahay dahil 5 hrs ang byahe papunta sa location. Pero keri lang ang suot kasi naka aircon naman yung sasakyan ko.

Nakarating kami dun ng bandang 4:45 at nagsimula na din kaming sumama sa pictorials.

Nang makita kami ni Nay Flor at Nay Sendo, ay agad silang lumapit samin. Tumakbo si Arah papunta sa kanila, at agad din nilang niyakap si ito.

"Nay, Tay namiss ko kayo!" Sabi ni Arah.

"Namiss ka din namin Anak!" Sigaw ni Nay Flor habang yakap si Arah. Tinignan naman ako ni Tatay Sendo at nagkangitian din kaming dalawa.

It is so nice seeing a complete happy family. Nakakainggit. It's beeng what? Three, six months? Wala man lang ginawa si Papa, hell to his reason why he didn't find me. I don't even care. Hindi pa ako tapos sa pag aaral pero nakahanap ako ng magandang trabaho sa kompanyang pinagtatrabahuhan din ni Arah. Nag call center din ako. Magkasama kami ni Arah sa work.

"Trey, salamat sa pagdadala kay Arah dito. Buti naman at nakapunta kayo!" Sumali ako sa group hug nilang tatlo. After all these happenings, Arah's family never fail to make me feel like I am really a part of them...

"No worries Nay, basta ba masaya si Arah, masaya na din ako." Nakita kong namula si Arah sa sinabi ko, nagkatinginan naman si Nanay Flor at Tatay Sendo, pagkatapos ay tinignan nila si Arah.

"Lovebirds! Pictorial na ulit, break is over!" Sigaw ng organizer. I wonder how rich that young CEO is.

Nagpunta sina Nay Flor at Tatay Sendo sa organizer. Nagpicture pa kasama lahat ng parte ng kasalan na ito. Naiwan kami ni Arah dito, at naglalakad ng mabagal papunta dun sa venue dahil kailangan din kami.

"For a second, akala ko ay tayo yung lovebirds na tinutukoy niya." Inakbayan ko si Arah, at taliwas sa inaasahan ko, hindi siya umalma, hinayaan lang niya ako na akbayan siya. We both smiled. I love her, I won't deny it anymore. Sarili ko lang ang niloloko ko.

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu