23 - Rahrahrah

40 0 0
                                    

"Iho."

Walang malay akong naglakad papunta kay papa sa may sala nang narinig ko ang tawag niya, akala ko makakapunta ako sa kwarto ko ng tahimik, andyan pala sya.

"Darah texted me."

Napahinto ako, nagmano kay papa.

"I bet he already said something bad about me." I smiled halfly.

"I know that you would act like that Trey."

Hindi agad ako nakapag react dahil inaabsorb ko pa ang sinabi sa akin ni Papa, ganoon din ba ang tingin niya sakin, kagaya ng tingin ni Darah?

"Because I know that you are you, and no one will be enough to change you, believe me I love the way you grew up. Laking pasalamat ko at nagabayan ka sa simbahan nang mag choir ka doon at napabarkada sa mabubuting tao. You know what Trey, you are not like me na mas pinili ang marangyang buhay, you lived your life even though its like that. I admire how my child raise his self up into a one good man. I won't take credits I know we never had a chance to watch you while you grow up. I love you Trey, kinuntsaba ko lang naman si Darah para makilala ka ng lubusan."

"Then, didn't he told you that I curse him?"

Dun lang ako tumawa. I was overwhelmed. Hearing those words came out of your father's mouth! At napatawa din si papa.

"He did. Actually he said that your straightforwardness is overflowing. To the point na di mo inisip kung sinong nasa harap mo, nagpakatotoo ka lang."

Lumapit ako kay papa, at niyakap siya.

"I thought you'll get mad at me."

Napahalakhak siya at tinapik tapik ang likod ko.

"Why would I! Hangang hanga ako sa pagiging totoong tao mo."

"Pa, to be honest, akala ko ang sama na ng iniisip mo patungkol sa akin, kinabahan ako. Kakatira ko pa lang sa magandang bahay mapapaalis na ako!" Pagbibiro ko, at agad namang tinapik ni papa ang likod ko ng tatlong beses.

"Sira ulo!" At sabay kaming tumawa ng malakas. 'Cowboy' pa din pala ang papa sa likod ng unat niyang Onesimus na polo, at slacks na itim.

Instead na umakyat na agad sa kwarto, naisipan kong ayain si Papa ng one on one inuman. Medyo matagal na din naman mula nung huli akong nag bar, pagkatapos ng mga nangyari between Sharah, I and Arah, hindi ko alam kung emotional stress na ang idinudulot sa akin ng kalandian ko.

"Pa, naguguluhan ako!" Out of the blue kong sabi habang nilalagyan ng alak ang baso ko.

"Sa alin, anak?" Tanong naman niya.

"Kay Arah... kay Sharah, ewan ko nababaliw na ako sa dalawang yun." Lumagok ako ng alak, hindi ko alam kung anong nakakapag palakas sa loob ko at nasasabi ko itong lahat kay papa.

"Ang gwapo mo naman! Torn between two lovers ang nais!" Matatawa ka na lang pag nakarinig ka ng kasing tanda na ni papang pabata pa magsalita, oo gwapo ako. Alam ko yun!

"Seryoso pa, kapag magkasama kami ni Sharah masaya ako at kaharap ko siya, para bang lagi akong kinikilig at gusto ko laging magpa-impress, pero kanina, nakita ko si Arah sa bay part ng Middlepoint may kasamang lalaki. Tinatalian ang buhok niya, unusual pero nakaramdam ako ng kirot. Tapos nabadtrip na ako hanggang sa pag-uwi ko!"

Tumawa ng malakas si papa sa narinig niya. Totoo naman ang mga kinikwento ko, masakit talaga yung nakita ko kanina.

"Sino ba ang dahilan ng pag-inom natin ngayon? Aber?" Uminom naman din si papa, tagay na niya eh.

"Hindi ko alam. Naguguluhan ako, basta ang alam ko, ang pangit ng nakita ko sa Middleton! Dalawang buwan lang nakalipas parang nakalimutan na niya agad ako!"

"Kung ganon, edi si Arah nga ang dahilan ng pag-iinom natin?"

"Pano mo naman nasabi pa? Agad ka namang nagconclude. Judgemental ka ah?" Biro ko sa kanya. Ngumiti lamang siya ng bahagya.

"Ang dahilan ng kalungkutan ng isang lalaki ay mas mahalaga sa kasiyahan niya, see the irony? Oo. Totoo dapat lagi tayong masaya kasi maikli lang ang buhay, pero sa buhay kasi, maaari kang pasayahin ng kahit sino... Pero iilan lang ang makapagpapaiyak sa 'yo."

Natigilan ako sa sinabi ni Papa, magulo pa din para sa akin pero alam kong kailangan kong intindihin. May bagay kasi akong ayaw tanggapin pero pakiramdam ko.... hay ewan.

"Anak matulog ka na! Alas dos na ng madaling araw. Papandak ka! Una na ako matulog nak, may tama na ako. Tangina wine kasi ang iniinom ko, tas redhorse tong inihain mo!"

Natawa na lang ako, at tinanguan si Papa, tinapik niya ako bago siya tuluyang pumasok sa loob. Ako nandito pa din, nananatili sa kinauupuan ko. Di ako matinag ng mga iniisip ko. Nakakainis.

Humiga ako ng bahagya sa upuan dito sa may garden. At habang nakatingin sa langit, may naalala ako.
Dati, may Arah na nandiyan palagi kapag gusto ko ng makakausap, dati nandiyan si Arah palagi! Pero ngayon umalis na siya.

Wala na...
Bakit ka nga ba umalis Arah? Hanggang ngayon, hanggang ngayon palaisipan sa akin kung ano ba ang ikinagalit mo? Gusto kong malaman... I want to fucking know what happened! Gusto kitang makausap, gusto kong ikaw mismo ang magkumpirma sa akin kung anong nararamdaman ko.

Pero paano? Eh masaya ka na ata sa lalaking- "Bullshit! Fvck this life!"

Napa-upo ako sa pagkakahiga at naibato ko ang goblet na hawak ko. Hinilamos ko ang mukha ko, at ginulo gulo ang buhok ko, ang sakit ng sentido ko. Hinawakan ko iyon at nanatili ang mga mata ko sa lupa, Arah, ano ba?

Kinuha ko ang cellphone ko, nakita kong may mensahe doon na galing kay Sharah.

Sharah: Hi Trey! Wanna go out this night? Let's go sa Tides. I want to talk to you. :)

2:28 AM

Kani-kanina lang pala ito. I replied. She deserves a text back.

Sorry baby, I can't, I'm not feeling well. u better stay at home kung hindi mo ako kasama. K? Sleep well. See u soonest.

My life is fucked up. I am fucked up to.

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Where stories live. Discover now