Kyu

2.4K 86 61
                                    

~9~

Dahil nga sa ako ang pinakamalaking dahilan kung bakit nakaratay sa ospital itong si Paolo kaya araw-araw ko s'yang binibisita kasama si Kuya Kei kasi hatid-sundo nga n'ya ako. Ang sama ko naman kung babalewalain ko ang ginawa ni Paolo para sa akin diba? Pinapahiram ko rin s'ya ng mga notes at nang hindi s'ya mahuli sa mga lessons namin. Paminsan-minsan binibisita rin s'ya nina Oka-sama at ang naunang tatlo kong kuya. Masyadong cold-hearted si Kuya Kyu para bumisita pero nagpahatid naman s'ya ng get-well-soon na pagbati.

"Paolo, dumalaw na ba mga magulang mo? Hindi ko pa kasi sila nakikita since na confine ka dito," pansin ko habang inaayos ang mga bulaklak na dala ko. Nakakatulong daw kasi ang maaliwalas na paligid sa mga may sakit and flowers can help brighten a room.

Sa totoo lang, hindi ko pa talaga na-meet ang mga magulang ni Paolo. Well, at least, meet them and remembered. Musmos pa yata ako nung huli ko silang makita kaya hindi ko matandaan ang mga mukha nila.

Hindi naman sumagot si Paolo. Hindi yata ako narinig?

"Hey!" tawag ko while waving a hand in front of his face.

"Ha?!" gulat na bulalas ni Paolo.

"What's wrong with you?"

"Umm. Ah wala. Inaantok lang siguro, Sand. Matutulog muna ako siguro," sabi n'ya at nagtalukbong ng kumot.

"Okay," pagkikibit-balikat ko at pinagpatuloy nalang ang pag-aayos ko ng bulaklak. Inayos ko nalang din sa lalagyan ang mga prutas na dala ko. Parang masarap tong mangga. "Paolo, akin nalang tong mangga. Thanks." Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya. Hindi rin naman s'ya sumagot eh.

Kahit na anong gawin ko, hindi ko pa rin maiwasan na isiping may mali kay Paolo at sa pamilya n'ya. I mean, usually parents would rush in as soon as they hear that their son got hit by a car.

Pero mukhang hindi yun ginawa ng mga magulang n'ya. Siguro nasa ibang bansa sila at masyadong busy. BUT THAT'S UNACCEPTABLE! Sa bagay, wala naman akong karapatang magsalita. I know nothing about Paolo's family and that led me to investigate.

Since ilag si Paolo sa mga tanong about sa pamilya n'ya, I took an initiative and found his relatives. Surprisingly, may isang close relative lang si Paolo na nakatira dito sa Philippines at the moment. Kung paano ko s'ya nahanap, well that's a secret. I have my sources.

And oh, pinapunta ko na s'ya dito sa room ni Paolo. Si Kuya Kei na ang magsasabi sa kanya. Siguro maya-maya lang andito na silang dalawa.

True enough, may mga katok sa pinto ni Paolo pagkatapos ay bumukas ito, admitting two men inside the room. Isa sa kanila was Kuya Kei and the other one, I assume, was Drake, Paolo's older cousin and only relative dito sa Philippines. Mukhang ilang taon lang din ang tanda n'ya kay Kuya Kei.

Ngumiti s'ya sa akin nang makapasok na s'ya sa kwarto. I bowed at him as a greeting. Tinuon n'ya ang pansin kay Paolo na nakatalukbong ng kumot.

"Tsk. Tsk. Tsk. Ano na naman tong ginawa mo?" tanong n'ya kay Paolo habang umuupo sa gilid ng kama. I decided to make some juice para sa kanilang dalawa ni Kuya Kei.

Mukhang nakilala naman ni Paolo ang boses kaya hinawi ang kumot na nakatakip sa mukha n'ya. "K-kuya?" halatang kabado n'yang sabi habang nanglalaki ang mga mata sa gulat.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na nasa ospital ka pala?" may konting pagtaas sa boses ni Drake pero mukhang pinipigilan n'ya talaga ang temper n'ya. Sa bagay, sino nga naman ang hindi maiinis? Parang siya na kasi ang guardian n'ya dito tapos hindi pa s'ya babalitaan ni Paolo.

Ayon sa investigation ko, nurse pala itong si Drake at mukhang hindi pa ito nakakarecover sa graveyard shift n'ya. I must commend his self-control ah. Wala ka pang tulog tapos malalaman mo pang nabangga ang pinsan mo.

The Fifth SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon