Jyusan

2.7K 64 42
                                    

~13~


Nagkatotoo nga ang sinasabing celebration ni Pierre. Although French cuisine was prepared, hindi namin finollow ang style ng formal French dejeuner or lunch. Hello, kung gagawin naming formal edi tatagal kami ng more or less two hours. O.A. lang at isa pa, nasa cafeteria lang kami ng school kaya sobrang out-of-place kung gagawin namin iyon.

So yun ang daming pagkain! Sobra! Heaven! Ang daming French food like bouillabaisse, isang seafood soup; quiches, isang savory pie na filled with egg-and-cream mixture na may meat and vegetable ingredients; andouillette sausages at pate de foie gras, isang goose-live paste. Marami pang ibang pagkain na hindi ko na alam ang pangalan. Grabe. Mainit pa ang mga pagkain kasi almost bagong luto pa daw. Hinatid lang kasi ng tatlo sa mga kasambahay nina Pierre.

"Paolo told me to prepare a lot of food since you like eating, Sand. Do enjoy the food then I will enjoy you later," as usual malandi pa rin kung magsalita ang Filipino-French na ito. Shetmemeng! Pakiramdam ko nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa husky voice n'ya.

Nagdecide muna ako sino ang una kong titingnan ng masama. I decided to scowl at Pierre first then Paolo.

"Sinasabi mo bang matakaw ako, Paolo?" I asked, glaring at him. Mukhang na-threaten naman s'ya dahil sa tingin ko. Dapat lang. Baka kung ano ang pinagsasabi ng unggoy na ito sa iba. Sabihan ba naman si Pierre na maghanda ng maraming pagkain dahil mahilig akong kumain. Para na rin n'yang sinabi na matakaw ako, diba? Diba? Sagot! Jewk. Nakaka-bad vibes. Ikakain ko nalang ito. 

"Ah hindi. Alam ko kasing mahilig ka sa French food kaya sinabihan ko si Pierre na marami ang ipatikim sayo. Celebration ito para sayo kaya naman dapat masaya ka," pag-i-eksplika n'ya, trying to coax me into letting the matter go. Woohu. Palusot pa tong lalaking mala-porcupine ang buhok. Tusukin ko to eh.

Hinayaan ko nalang. Ayokong masira ang atmosphere ng lunch namin na sobrang sarap. "Parang galing sa five-star hotel," absent-minded comment ko which earned a chuckle from Hunter and Kendall.

Hala! Narinig yata nila. Mukhang napalakas yata ang pagkakasabi ko. Oh hindi!

"Apparently, you are right, Sand. The food did come from a five-star hotel," sabi ni Hunter tapos kumain ng kanyang steak tartare. Ayoko talaga ng steak tartare! Freshly ground, raw beef kasi yun tapos nilagyan ng hilaw na itlog at minced onion. Nakakadiri, diba? Di ko alam kung bakit kinakain ni Hunter yan.

Teka. Galing sa five-star hotel ang mga pagkaing ito? Edi mahal ito!

"Of course, we only eat the best, Sand. I prepared all of these for you," Wow. Ang yabang ah. Facundo, naiinis ako, itapon si Pierre sa outer space. Ay wait. Wag nalang muna pala since sa kanya galing ang pagkain namin ngayon. Tiisin ko muna.

"Wag kang masyadong maimpress kay Pierre, Sand. Galing yan sa hotel nila," sabat ni Aison na may ngiti pa rin. Bakit ba unli ang ngiti nito? Ayoko kasing nakangiti ang kausap ko. Feeling ko kasi natatawa sa mukha ko. Ako na ang feelingero. Wag umepal.

"They own a hotel?" tanong ko pabalik kay Aison.

Umepal si Pierre. "Not to sound conceited, Sand, but my family owned several hotels." Not to sound conceited pa daw. Pahumble pa tong mokong na to. Pero kahit na sa five-star hotel galing itong beef tartare, ayoko pa ring kainin ito.

"The Saint-Simon family is a family of hoteliers and restaurateurs, Sand. You heard of Hotel Magnifique Etoile?"I heard of them before but never became interested.

Kailangan ko na talagang malaman ang background ng mga ito. Hindi ko gustong parang nagmumukha akong walang alam. Siguro ito na yung result ng pagiging wala kong pakialam sa mga business families dito sa Pinas at sa ibang bansa. Nararamdaman ko na napakaliit na ng business world.

The Fifth SonWhere stories live. Discover now