Prologue

261 18 94
                                    

Prologue

"Ito lang ba?" I asked.

"Oo, pakidala nalang sa room namin mamayang uwian,"

Tinanggap ko ang mga papel na dala-dala niya. Marami iyon, pero madali lang naman ang gagawin kaya siguradong kakayanin ko ito bago mag uwian.

I lifted my eyes back to Joshua, isa sa mga kasama ko sa student council. May long quiz daw sila kaya hindi niya matatapos ang pinapagawa sa kaniya. Kaya, heto, pinuntahan pa talaga ako sa room namin para ipasa sa akin ang gawain.

He looks like he's in a hurry. Mukhang kabado din, siguro'y iniisip na tatanggihan ko siya. Well, he better be. Even though we're both part of the student council, we aren't close and we don't talk much. Ngayon lang ang pinaka mahaba naming interaction, at nanghihingi pa siya ng tulong.

Kung sa bagay, last period naman na, at wala naman ang teacher namin. May iniwang activity, but I am sure I could finish it in fifteen minutes. Magagawa ko pa 'to.

"Sige, aabot ko nalang sa'yo mamaya," sabi ko.

His face lights up after hearing what I said. I almost laughed by how pathetic he looked like right now. Tanggap kasi ng tanggap, hindi naman pala kaya. But then, he's also a part of the student council. It's hard for us to say no, lalo na sa mga teachers na mataas ang expectations sa amin.

"Salamat! Maaasahan ka talaga, Nicole," he said happily.

I nodded and fake a smile. Nangbola pa.

Hindi na rin siya nagtagal at nagmadali nang bumalik sa classroom nila. I turned around and went back inside our classroom.

Abala ang mga kaklase ko sa activity na iniwan sa amin. But that didn't stop Bea from looking at the papers that I was holding. Agad niyang dinungaw ang mga 'yon nang makabalik na ako sa aking upuan.

"Ano 'yan? Pinapagawa sa'yo ni Kuya Joshua?" tanong niya.

Nilingon ko siya at ngumisi. "Oo, pinapaabot niya sa akin after class. Gusto mo ikaw nalang mag-abot mamaya?"

At siyempre dahil crush niya si Joshua, agad naman siyang pumayag. Ang babaeng ito talaga, ang daming crush. Bawat section yata may crush siya.

"Kaya bilisan mo na dyan para maihatid mo 'to," I said.

"O-Oo, sige!"

As expected, maaga kong natapos ang activity namin. Though I didn't expect na maaga rin matatapos ang mga kaklase ko. Nagkopyahan pa yata.

I warned them when I noticed how they were starting to get loud, ngunit sandali lang sila nanahimik, at nang tumagal ay nagsimula na ulit umingay. Nagke-kwentuhan tungkol sa kung anu-ano, ang iba nama'y napapasarap sa kantahan dahil may dala ang isa naming kaklase na gitara.

I was about to warn them for the second time when I noticed someone familiar standing—no, more like hiding behind the door.

Agad akong nakaramdam ng iritasyon nang mapagtanto kung sino iyon. Mas lalo lang akong nairita dahil parang alam ko na kung bakit siya narito. Not even a minute passed, Shane already confirmed my hunch.

"Nicole, hinahanap ka," she said with unhidden irritation. Obviously, hindi rin gusto na narito siya.

Ang sarap sanang paghintayin. May kailangan pala, bakit patago-tago sa likod ng pintuan? At nang utos pa nga na tawagin ako? So she's only shy and helpless pag lalaki? And when it comes to other girls, biglang kaya mang utos?

Ang plastic.

I stood up from my seat in a lazy way and went towards where the door was. I crossed my arms. Automatic na umikot ang mga mata ko nang makita ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi nang makita ako. Akala mo talaga...

Ineffable LoveWhere stories live. Discover now