Chapter 4

57 21 58
                                    

Chapter 4
Pretty

"Ano pong nangyari kay Liam?"

Napahinto ang homeroom teacher naming si Ma'am Lourdes sa pag gamot ng sugat sa aking tuhod at nag-angat ng tingin.

Siya ang nagdala sa akin sa discipline office matapos ang nangyari. Halos tulala lang ako hanggang sa makarating rito. Hindi makapaniwala sa nangyari. But as soon as my mind processed everything, fear quickly creeped into my system.

Kabadong-kabado ako. My hands were trembling and I was sweating bullets. My uniform is still wet, gano'n na rin ang aking mukha. I know I should at least change my clothes or dry myself up. But I was too nervous, scared, and worried to even think about myself. Wala akong ibang maisip kundi ang mga maaaring nangyari kay Liam at ang magiging reaksyon nina Mommy sa oras na malaman nila ito.

Habang tumatagal, lalo akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Sa bawat pagbukas ng pinto sa office, lalong tumitindi ang kabog ng puso ko. Thinking that my parents might suddenly appear.

I swallowed hard as I waited for Ma'am Lourdes' answer. Ang huli kong narinig ay dinala daw sa clinic si Liam. Medyo mataas ang pinagbagsakan niya. At base sa bawat daing niya kapag ginagalaw, baka nagtamo pa siya ng malalang injury.

"Dinala siya sa clinic, 'di po ba? Ano daw pong sabi? Ayos lang po ba siya?" sunod-sunod kong tanong.

Ma'am Lourdes left earlier to get some first aid kit from the clinic. Siguradong nakita niya si Liam doon!

Sandali akong tinitigan ni Ma'am Lourdes. Bahagyang nanliit ang mga mata niya, tila naninimbang.

She sighed and finally answered. "Dinala siya sa ospital,"

My eyes widened. "Po?!"

"He suffered a few cuts and bruises. Wala naman nang ibang nakita ang nurse, pero dahil sa iniinda niyang sakit sa kanang kamay at tagiliran, minabuti nilang dalhin siya sa ospital para mapa-tignan sa doktor." she explained thoroughly.

Bumagsak ang balikat ko, nanghina sa narinig. If he was taken to the hospital, that only means it was that bad! Ano na ang mangyayari sa akin nito? Will I get suspended? No. Kung dinala sa ospital si Liam, siguradong pinaalam na nila ang nangyari sa mga magulang niya. Baka pati sina Mommy at Daddy ay alam na rin ang nangyari!

Mas lalo akong nanghina nang mapagtanto na baka ma-expel pa ako. For sure his parents won't let the girl who hurt their son stay at the same school as him. And knowing Mommy, she may have the power to save me from this mess, but I am sure she won't do it.

Mommy is the kind of person who would rather face the consequences of her actions, than to use her power and connection to save herself from a mess she made herself. Ganoon din si Daddy. Iyon din ang tinuturo nila sa amin ni Kai. To think carefully before doing or saying something. And to be responsible for all the consequences of our actions.

"Tinulak mo ba talaga si Liam?" she asked.

I looked at Ma'am Lourdes and saw the glint of hope in her eyes. And for the first time in my life, I felt so disappointed with myself.

She believes so much in me, na kahit na ako na ang tinuturo ng mga estudyanteng nakakita ay hindi pa rin siya naniniwala. Come to think of it, even the other teachers didn't believe them earlier. Gano'n na rin ang ibang mga kasama ko sa student council na sila pang nagpatigil sa mga estudyanteng 'yon na pagkaisahan ako.

Ano na lang ang mararamdaman nila sa oras na malaman nilang ako talaga ang may kasalanan sa nangyari?

"Ma-e-expel po ba ako?" nanghihina kong tanong.

Natigilan si Ma'am Lourdes at napatitig sa akin. I looked away, hindi kayang makita ang pagkadismaya na unti-unting umuukit sa kaniyang mukha.

She didn't ask me anymore after that. Marahil ay nakuha na niya ang gustong malaman mula sa akin. She left me for a while after treating my wound. And when she came back, kasama na niya si Mommy.

Ineffable LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang