Chapter 1

225 22 88
                                    

Chapter 1
Angry

I don't remember when I started having bad blood for him. Tuwing nakikita ko siya bigla nalang akong naiirita. Or maybe his mere presence pisses me off?

It was after our flag ceremony when I first saw him. Nakapila kami sa corridor habang isa-isang pinapapasok ng teacher namin sa loob ng room. Tahimik lang akong nakatayo doon nang mahagip siya ng aking paningin.

Standing in front of us, nakapila din sila para sa pagpasok sa katabing room ng amin. We were facing each other. Nasa bandang unahan siya ng pila kaya agad kong napansin lalo na't nakatingin sa akin.

Our eyes met and for a few moments we stared at each other. Although I hate to admit it, totoo ang sinasabi ng mga humahanga sa kaniya. Liam was indeed good looking. That's what I first thought of when I saw him.

Innocent looking almond eyes, fair skin, and angelic face features. His perfectly combed wavy black hair was parted in the middle. He was very prim and proper, the reason why he always stands out from the other boys his age. Dahil 'di tulad nila na magaslaw at halos palaging pawisan dahil sa paglalaro kung saan-saan, Liam was always composed, calm, and even after a long day at school, maayos at malinis pa rin tignan.

Simula noon, for some reason, we would stare at each other for a short while whenever we see each other inside the campus.

Pabalik na kami ng room nina Shane at Bea nang madaanan ang classroom nila. Lumingon ako at agad siyang nahanap.

Sitting next to the windows on the other side of the room, Liam was sitting properly at his seat while listening to their teacher. Sandali siyang yumuko, may kung anong sinulat sa notebook at nang ibabalik na ang tingin sa harap ay napasulyap sa labas. Nagtama ang mga mata namin.

His eyes followed my every move as I walked slowly. And then, just like what we would always do after staring at each other, we looked away and continued whatever we were doing.

"Sinong tinitignan mo doon?" si Bea na napansin yata ang matagal kong pagtingin sa katabing classroom.

Walking beside me, Shane smirked. "Si Liam? I saw him looking at you too,"

I sighed.

Namilog ang mga mata ni Bea. "Si Liam? Bakit? Crush mo siya, Nicole?"

I sighed again. "Absolutely not."

"Are you sure? Siya ang pinaka guwapo sa batch natin. Hindi ako magtataka kung pati ikaw ay may gusto sa kaniya,"

"Totoo ba, Nic? Crush ko si Liam pero hindi ko maipagkakailang bagay kayo—" I cut her off immediately.

"Hindi ko siya gusto, Bea. Drop it, okay?" I said in an irritated tone.

Yes, he is good looking. Tanggapin na rin natin na he does look like some prince—as they describe him. But I know, behind that almost perfect, and innocent looking face of his, may tinatagong baho ang isang 'yan.

Kung paano ko nasabi, hindi ko rin alam. Basta no'ng una ko siyang makita, iyon na agad ang naramdaman ko.

Siguro dahil binuo ko na sa aking isipan na may tinatago siyang masamang pag-uugali at nagpapanggap lang kaya gano'n na lamang ka init ng dugo ko sa kaniya. He seems to be irritated with me too. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

But then, what's the use of thinking about this now? Napatunayan ko na na totoo ang naisip ko dahil sa nasaksihan kahapon.

What I can't understand is why he didn't tell the teachers about what I did yesterday. Kung nagsumbong siya, if I report what they did, there's a higher chance that they won't believe me, and think that I'm just making an excuse for what I did. Dahil sigurado naman akong hindi rin aamin ang babaeng kasama niya.

Ineffable LoveWhere stories live. Discover now