MARUPOK

76 7 3
                                    

A/N: BAGO NIYO PO BASAHIN TO MAKE SURE NA IPLAY PO YUNG KANTA SA TAAS YUNG KISS THE RAIN WAG NIYO BABASAHIN HANGGAT DI NIYO NAPPLAY YUNG KANTA HEHE :) 


Tulong! Saklolo! Tulungan niyo ako! 
Hanggang kailan ba ako makukulong dito?
Pagod nako! Takot na takot na ako!
Ano ba ang dapat kong gawin?
Sino ba ang tutulong sa akin?

Yang ang mga salitang pa ulit-ulit kong sinasambit. Pero alam kong walang makakarinig. Madalas nila akong tanungin "Ano meron sayo?" WALA "May problema kaba?" WALA "Bakit ka nag kakaganyan?" WALA. WALA! WALA! Dahil wala naman may balak lumapit. Wala naman may  balak makinig. Ma tulong! Pa tulong! Tulungan niyo naman ako. Dahil pagod na ako sa sakit na nararamdaman ko. Ang bigat bigat na ng puso ko. Hindi ko na namalayan ang mga ginagawa ko. Paulit ulit na may bumubulong sa mga tenga ko "MAMATAY KANA!" "WALA KANG KWENTA" "WALA SILANG PAKIELAM SAYO!" "MAS MABUTI KUNG MAWALA KANA SA MUNDONG ITO" . Kaya ginawa ko. Paulit ulit kong sinaktan ang sarili ko. Paulit ulit hanggang sa may makita akong tumutulong dugo. At  masaya akong makita ito. Oo masaya ako. Pero normal paba ito? Dahil kapag nasasaktan ko ang sarili ko may lumalabas na ngiti sa labi ko. Para na akong baliw. Oo baliw dahil habang pinapatay ko ag sarili ko naririnig ko ang mga sinasabi niyo "Umaarte ka lang naman" "Papansin ka lang" "Kulang ka lang sa aruga" "Gusto mo lang kami maawa" "Di ka siguro mahal ng mama mo" "Wala kang kwentang anak" "Wala kang kwentang kapatid" Kaya naligaw ako ng landas. Napunta ako sa lugar sa kung saan wala akong makita kundi kadiliman. Sa lugar kung saan maririnig mo ang mga bulong niya . Dito sa lugar na hindi nako makawala pa. Wala akong ibang pinakikinggan kundi siya. Kaya hindi nako natatakot mawala pa. Hindi nako natatakot na tuluyan tapusin ang buhay ko. Kasi nga et lang naman ako sa paningin niyo. Kaya tama lang na patayin ko ang sarili ko. Tama lang na maabutan niyong naliligo ako sa sarili kong dugo. Kaya pala. Kaya pala ginawan ko ng eulogy ang sarili ko. Sa kung saan humihingi ako ng tawad sa mga mahal ko, samga kaibigan ko na laging nandyan. Pati narin sa ina ko. Ma, pasensya na dahil nag luwal ka ng isang tulad ko na isang walang kwentang anak na puro sarili lang ang iniisip etong anak mong tinatapon tapon mo na sa harap ng iba. Etong anak mong nasasaktan na pag ganyan ka. Kapag ikaw na yung lumuluha, Yung anak mong pinilit na lumaban dahil sobrang mahal ka niya ay mag papaalam na, Dahil alam kong eto ang gusto mo dahil narinig kong sinabi mo na "Sana hindi ko nalang pinanganak tong batang to" at sa panginoon kong nagbigay ng buhay ko. Patawad dahil nag patatalo ako. Patawad dahil nilamon ako ng depresyon ko. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko yung tuluyan akong mag palamon sa kadilimang ito. Pero bigla mong hinaplos ang puso ko. Bigla mong tinawag ang pangalan ko. "Anak nandito na ako. Anak yakap yakap na kita mula sa likod mo. Tama na yan dahil nandito na ako. Matagal na akong nakikiniig sayo. Alam kong tinalikuran mo ako. Pero hindi na importante yon ngayon. Kaya anak bitawan mo na ang hawak mo at ako ang kausapin mo." Dito ako naging marupok sayo. Sa isang pag haplos mo sa puso ko naging marupok ako sayo. Tinalikuran ko ang kadiliman. Ninamnam ko ang aking karupukan at walang tigil na umiyak sayo at narinig ko ang mga katagang sinabi mo "Hindi man sila makinig sayo, nandito ako. Talikuran kaman ng buong mundo, nandito ako. Nandito ako para ihilom ang sakit na nararamdaman o ang mga sugat na ginawa mo. Dahil hindi yan ang plinano ko para sayo" Salamat ama dahil ikaw ang dahilan kung bakit ang rupok ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ganto kalambot ang puso ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ko natutunan na hindi sa lahat ng pagkakataon na magiging marupok ako ay masasaktan ako. At salamat aa dahil binigyan mo ko ng pagkakataong malaman ng mga taong to na ikaw ang dahilan kung bakit padin ako nandito. At pinagmamalaki ko pong sabihin sa inyo na " OPO 100% MARUPOK AKO".




A/N: so ayon na nga guys hahaha eto yung sinasabi ko sa inyo kanina na first piece na sinulat ko na nanalo ako sana nagustuhan niyo yun lang salamat 

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now