WTLHMTLM 6:YourAlived

6 3 0
                                    

Chapter 6:Your Alived

Tan's pov:

Iniwanan ko muna si Ella hindi ko na sya ginising dahil ang himbing ng tulog nya  para sana humanap ng makakain, kagabi pa kasi kaming walang sikmura parang kumukulo na nga tong tyan ko,sa kabutihang palad may nakita akong puno ng saging kaya kinuha ko at pinasan ko pabalik kay Ella.
Pagkabalik ko saktong gising na sya.

"Gising ka na pala".
Tugon ko habang binababa ang saging.

"Saan ka galing?"
Tugon nya nmn habang inikot-ikot ang ulo niya siguro masakit ito dahil natulog lang kami sa damuhan  wala mn lang sapin o kahit malambot na bagay para ilagay sa mga ulo puro lang nmn naglalakihang bato ang tanging nakikita nmin.

"Naghanap ako ng makakain natin,alam kong gutom ka na kaya halika dito sabayan mo na ako".

"Hay!!ikaw talaga hindi ka pa nga gumagaling kung saan-saan ka na nagsusuot,halika dito dahil gagamutin natin yang mga pasa mo".

Dumurog uli si Ella ng halamang gamot at inilagay sa sugat ko.
At hinubad ang nakataling jacket sa braso nya.

"Suotin mo na yan masyadong malamig dito sa gubat pag umaga,manipis pa nmn ang damit mo".

Sabay abot ng jacket

"Pero paano yong sugat mo?"
Nag-aalalang tanong ko

"Ok lang,konting galos lang to"

"Sigurado ka?"

"Oo nmn ako pa ba"

Sinuot ko na ang jacket ko at nagsimulang pumitas ng saging

"Oh sya tabihan mo na ako dito para kumain".

Lumapit na sya sa akin at tinabihan ako,binigyan ko sya ng isang saging.

"Salamat".

"Pasensya ka na kung yan lang ang nakita ko dito".

"Ok lng, siguro nmn makaka-alis na tayo dito bago pa tumanghali".

Inabutan ko pa sya ng isang saging dahil ang daling na-ubos ng ibinigay ko sa kanya kanina halatang gutom na gutom sya

"Ito pa,oo nmn pagdating natin sa bayan magpapa-charge ako ng battery sa cellphone ko para tawagan si Vince para maka-uwi na rin tayo,baka balikan pa tayo ng mga naka-itim na lalaki dito".

"Tama,nag-aalala na talaga ako kay papa baka kasi kung mapano pa sya dahil sa pag-alala sa akin".
Malungkot na saad nya.

"Wag kang mag-alala mahahanap rin natin ang daan patungo sa bayan".

Susubo na sana ako pero bigla syang may na-isip na hindi ko pinayagan.

"Kung bumalik na lang kaya tayo sa bodega diba nandon nmn yung kotse mo".

"Hindi pwede masyadong delikado at tyaka sigurado akong sinunog na nila yun"

"Pero paano na ang kotse mo?"

"Pabayaan mo na yun".

"Ang yaman mo talaga".

"Hindi nmn sa ganun pero kasi mas higit na importante ang buhay natin kesa don".

"Sa bagay tama ka".

WHEN THE LOVE HATER MEETS THE LOVE MAKERWhere stories live. Discover now