BULLY 21:

3.6K 102 46
                                    

Kim

"Oy Rogue" pagtawag ko sa atensyon niya. Pauwi na kami galing School at medyo naipit kami sa traffic. Napalingon naman ito sakin.

"Sa susunod na Linggo na yung Intrams niyayaya ka daw ng mga classmate natin pero tumanggi ka daw" next week na ang Instrams at alam naman nating lahat na para sa mga estudyanteng hilig talaga ang sports ang araw nayun.

"Kinausap ka nanaman ni Philip sa darating na intrams no?"

"Hindi ba at ka grupo mo sila sa mga laro niyo kapag nasa labas kayo? Bakit tumanggi ka sa Intrams?" Nagtataka ako kasi madalas nadalaw si Philip sa bahay nila Rogue nakikita ko ito tuwing weekends na niyayaya si Rogue mag basketball pero nitong nagdaang mga Linggo ay halos nasa bahay lang si Rogue.

"Tinatamad ako tyaka puro Basketball nalang nakakasawa rin kaya" naramdaman ko biglang hinawakan ni Rogue ang kamay ko at hinalikan niya ito.

"At isa pa mas magandang nasa bahay nalang ako kasama ka" ramdam ko namang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya dahilan para bawiin ko ang kamay ko at hinampas siya ng may di kalakasan.

Sa nagdaang mga Linggo halos di na umalis sa tabi ko si Rogue dahil nga daw ay Pormal syang nag paalam sa Mama at Papa niya maging kay Nanay na liligawan niya ako hindi ko alam napaka bilis ng nangyare at hindi ko ma digest agad sa sistema ko ang mga nangyayare. Pag banyo nalang talaga ang nagpapahiwalay saaming dalawa pero minsan gusto din nitong sumama sakin sa loob.

"Oh diba wala kang masabi syempre kinikilig ka tsk" sabay pogi sign nito na kinaikot ko ng mata.

Inismidan ko nalang ang kahanginan niya habang abala kami sa pagbaybay pauuwi ay biglang huminto si Rogue sa isang Cake Shop.

"Let's go" napakunot ako kung bakit siya bibili ng cake gayong wala namang mag bibirthday sa bahay.

Sumunod ako sakanya papasok sa loob ng Shop at nagtingin kami ng mga flavors ng cake.

"What do you want?" Tanong ni Rogue ng maramdaman ko itong lumapit sa pwesto ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"What do you want?" Tanong ni Rogue ng maramdaman ko itong lumapit sa pwesto ko.

"I think masarap itong Black Forest" turo ko.

"Miss isang Black forest please" agad na order ni Rogue agad ko namang tinignan si Rogue.

"Yun talaga? Baka di yan magustuhan ng magbibirthday" napangisi naman ito at kumuha ng pang bayad.

"Sabi mo iyan gusto mo?"

"Oo nga pero---" naputol ang sasabihin ko ng marealize ko ang gusto niyang iparating kinindatan naman ako ni Rogue dahilan para uminit ang pisngi ko.

Nang makuha na ni Rogue ang cake ay kinuha nya ang kamay ko at lumabas kami sa Shop ng magkahawak kamay. Halos mahiya ako sa tinginan ng mga tao sa loob at labas nag naturang shop kaya napa yuko nalang ako habang naglalakad papunta sa sasakyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BULLY! (BoyxBoy)Where stories live. Discover now