BULLY: 6

13.6K 429 33
                                    

Author's Note:

Okay before anything else, gusto ko lang pong magpasalamat sa sumubaybay dito kahit ang kunte nyo nagpapasalamat padin ako sainyo. Dahil napagtitiisan nyong basahin ito kahit ang tagal kong mag update!

Sorry nadun, haha active pa naman ako pero nalulungkot lang ako dahil kunte nalang ang active sa bxb authors T.T (iilan nalang kami...)

bale gagawin ko ang makakaya ko para matapos lahat itong mga ito.

=======

Rogue P.O.V

Nagulat ako sa sinabi ko sakanya kaya bigla akong napatbitaw sa kamay nya. Nagulat naman ako sa sinabi nito

"Huwag ka ng mahiya...!" Naka ngiti nitong sabi. Napayuko naman ako at napaisip. Sh*t lang sya lang ata ang kaya akong paganituhin as in sya lang?

Sakanya lang ata ako nahihiya ng ganito?

*Tug* *Dug* *Tug* *Dug* ...

A...anu ito? B...bakit ako nakakaramdam ng ganito? Tinignan ko ang naka ngiting si Kim at napatitig ako sa kanyang maamong mukha. Biglang nagliwanag ang paningin ko sakanya alam nyo yun may Spark?

Sh*t! Anu bang nangyayare saakin? Nababakla na ata ako! Brrrt erase erase erase.

"Ah, mukhang anung oras na ta...tara na!" Sabi ko sakanya at tumayo na at naglakad na papunta sa kotse. Nung nasa loob na ako sa kotse ay napatingin ako sa paparating na si Kim.

Naka ngiti lang ito habang papunta rito sa kinaruruonan ng sasakyan, napatitig nanaman ako sa mukha nya at nanduduon nanaman yung spark potek nayan ohh.

Pumasok na sya dito sa loob. And great ang lakas ng tibok ng puso ko... tssss bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Bigla akong nainis kaya agad kung pinaandar ang makina ng sasakyan at pinaharurot itong pinaalis.

Nakita ko naman sa gilid ko si Kim na nakahawak ng maige sa hawakan ng sasakyan dahil mayka bilisan naman talaga ang aking pagpapa takbo.

"Ro...Rogue magpapakamatay kana ba?!" Tanong ni Kim "Grabe ayoko pang mamatay!" Parang takot na takot na sabi nito.

Parang natauhan naman ako sa ginawa ko kung kaya bigla kung prenino. At kita ko naman sa mukha ni Kim ang inis.

"So..sorry pag pasensyahan muna ako..." ang nasabi ko nalang at marahan ng pinatakbo ulit ang aking sasakyan.

Walang imikan dito sa.loob ng sasakyan, nakaka binging katahimikan kaya binuksan ko ang radio.

Medyo nagkaruon ng kunteng ingay pero hindi padin ito sapat para sa aking palagay. Parang gusto kong kausapin si Kim na hindi. Ewan ko na totorpe ako sakanya. Sinulyapan ko sya at nakita kong parang inaantok ito.

"Uhmmm, matulog ka muna dyan Kim, medyo mahaba haba pa kasi itong tatahakin natin..." sabi ko sakanya, ngumiti ito saakin at tumango.

-------------------------

Kim P.O.V

Papasok na sana ako sa loob ng mansion ng bigla akong pigilan ni Rogue gamit ang kanyang kamay iniharang nya ito sa pintuan upang hindi ko mabuksan. Humarap ako sakanya at ikinulong naman nya ako sa dalawa nyang kamay.

"Bakit nanaman ba Ro...rogue?!" Kinakabahan kong tanong dito. Nakita ko sa mga mata nito na parang may gusto syang gawin na hindi maganda.

"Kim...." nagulat nalang ako ng bigla nya akong halikan. Siniil nya ako ng isang halik nung una ay nagulat ako, hindi ko nalang namalayan na sinasagot ko na ang bawat halik nito saakin.

Naging mapusok ang aming halikan ng biglang bumukas ang pintuan dahilan para kami'y mapahiga dahil naka sandal na ako dito.

*tug...*

Napadilat ako at nakita kong madilim na. Isa nanaman palang PANAGINIP yun oo, bakit ba lagi ko nalang napapanaginipan yun.

Napa tingin ako sa paligid ng biglang maalala kong nasa sasakyan ako ni Rogue kanina. Napa bangon ako sa pagkakahulog ko sa kama at nalamanlaman ko nalang na hindi ko ito kwarto. Nakita ko ang isang lalakeng mahimbing na natutulog.

Napatingin ako sa katawan nya na....

Naka boxer lang ang tanging suot. Naramdaman ko nalang na may malamig na kung anu ang dumampi sa balat ko pagtingin ko dito ay halos lumuwa ang mata ko. Wala akong ibang saplot bukod sa boxer. Tinignan ko din si Rogue na himbing na himbing sa pagkakatulog.

Napahawak ako sa bibig ko. At nagpakawala ng isang malakas na sigaw.

Napatayo agad si Rogue at sinindi ang lamp shade sa gilid nito.

"Asan ang magnanakaw asan?!" Ang halos gulat nitong sabi nakita ko naman na napatingin ito saakin at nilapitan ako nito agad.

"Kim, anung nangyare sayo bakit ka namumutla?! Asan ang magnanakaw?!" May halong kaba sa boses nito.

Sa inis ko dahil sa pagsasamantala nito saakin ay na batukan ko ito. Napa aray naman ito at tinignan ako ng masama.

"Anung bang problema mong tao ka ha?!" Pabulyaw nito saakin.

"Punyemas ka pinagsamantalahan mo ang walang kamuwang muwang kong katawan..." sabi ko sakanya. Natulala naman ito saakin "anu nalaman munang gag* ka kumbakit ako naghihimutok dito?!" Duro ko sakanya.

"Punyemas kang bakla ka, hindi kita pinagsamantalahan!" Pabulyaw din na sagot nito saakin.

"Eh anu...?!" Naninigurong tanong ko.

Ikinuwento nya sakin ang lahat lahat magmula nung nakatulog ako sa sasakyan nya at hindi nya magising dahil tulog mantika daw ako. Kaya binuhat nalang daw nya ako at ipinasok dito sa kwarto nya.

"Alam mo ba kung bakit naka boxer lang tayong dalawa?!" Tanong nito saakin na naka salubong ang kilay.

"Bakit?!" Mataray kong tanong.

"Kasi brown out kanina at ang init dito! Kaya hinubad ko nalang yung damit mo, hindi ko naman alam na nagkaruon na pala ng kuryente kanina hinayaan ko nalang na naka bukas yang bintana para naman kahit papano may pumasok na hangin... " mahabang litantya nya saakin. Napa face palm naman ako sa kahihiyang dinulot ko pero merong isang tanong na bigla kong naisip. Kaya napabalik ako sa mala Charlies Angel kong pose.

"Teka nga at may tanong ako sayo..." mataray kong pagkakasabi sakanya.

"Anu yun???!" Naka kunot padin nyang tanong saakin.

"Bakit mo ko dito dinala sa kwarto mo imbes sa kwarto mo ako ipunta?!" Sa tanong kong yun bigla syang napatahimik.

Nakita kong parang namumula sya na ewan. Hindi sya mapakali sa lagay nya ngayon.

"Ahhh...anu...kasi...ganito yan... uhmmm" sabi nito.

"Anu?!" Tanong ko dito nakita kong tumingin sya sakin ng parang nahihiya, at nagulat ako sa sinabi nito

"Gu...gusto kasi kitang makatabi matulog!"...

-----------------------------

BULLY! (BoyxBoy)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ