BULLY: 4

15.8K 473 43
                                    

Agad na akong nagtungo sa banyo para maligo. Habang nasa loob ako ay hindi ko parin maiwaksi sa aking kaibaturan ang aking panaginip.

Si Rogue na gusto akong halikan. Ang gwapo nya lang sa malapitan pero halimaw naman ang ugali.

Iniling iling ko ang aking ulo at nagpatuloy nalang sa pagligo.

-------

"Anak ito baon mo" ibinigay ni Mama yung baon kong kinse pesos. Kinuha ko ito dahil ihuhulog ko ito sa kawayang alkansya ko. Malapit ko na kasing mapuno iyon. Tutal libre naman ang mga pagkain sa cafeteria eh sulitin ko nalang...

Nagbeso ako kay Mama "I love you Mama..." paglalambing ko sakanya at aktong lalabas na ako ay narinig kong tinatawag ako ni Tita Angie.

"Naku! Buti nalang at naabutan pa kita sabay na kayo nitong anak kong pumasok!" At marahas nyang pinunta sa labasan si Rogue kung san ako naka tayo.

Tinignan ako ni Rogue na naninigkit ang mga mata.

"Ah! Hindi napo, salamat nalang pero ka--"

"Hindi! Kayo ang magsasabay palaging pumasok at umuwi. Period!" Pagputol ni Tita sa sasabihin ko. Nginitian ako nito at nagtaas baba ng dalawang kilay.

"Naku mare nakakahiya naman vzbdhx..." hindi ko na naintindihan ang ibang sinasabi ni Mama dahil kinaladkad na ako ni Rogue papuntang parking area.

Pumasok na sya sa sasakyan nyang Montero sport kaya hindi na ako nagdalawang isip na umangal kasi late nadin pala...

Ng maka pasok at maka upo na ako ay naka relax akong naka upo dahil ang alam ko ay aalis na kami. Pero limang segundo ang lumipas ay hindi padin kami umaalis kaya tinignan ko si Rogue. Na naka tingin din pala sa akin.

Marahan syang lumapit sa akin. Halos magdikit na ang mga katawan namin kaya ang ginawa ko ay umatras ako pero pintuan na ng kotse nya ang nasandalan ko.

Naka tingin sya sakin at inihiling nya ang kaliwang kamay nito sa likuran ko.

"Huwag dit--"

*CLICK*
Tunog ng paglagay nya ng setbealt

Yun naman pala ang ginawa nya feeling ko hahalikan na nya ako katulad ng nasa panaginip ko. Masyado ak po ng ambisyosa

Napahiya ako dun ah.

"Ambisyosong bakla..." bulong nito. Hindi na ako nag kumento at hinayaan ko nalang sya. Sanay naman na ako sa kawalang hiyaan nyan.

Ako naman kasi assuming masyado, pestr kasing nakasanayan eh.

-----

Ng makarating kami sa school ay agad akong bumaba wala ng paligoy ligoy pa. Agad akong nagtungo sa room namin. Habang nasa hallway ay nakita ko si Joery na papalapit din sakin.

Napangiti ako at ganun din sya. Ng makalapit kami'y kinamusta nya ako.

"Kumusta ang pag gising?" Naka ngisi nyang tanong sakin.

"Ito maayos naman" kahit ang toyoo ay hindi masakit kaya mahulog sa kama...

At naramdaman ko nalang na dumaan si Rogue samin. Nagkasalubong sila ng tingin ni Joery at talaga namang hindi magka sundo ang dalawa...

Ng makalagpas si Rogue ay naging maaliwalas nang muli ang mukha ni Joery.

"Wag mo ng isipin yun..." at ngumisi sya sakin. Batid siguro nyang tatanungin ko sya sa kung anung meron ba talaga sakanila ni Rogue at kung bakit sila magka galit sa isa't-isa...

Inakbayan nya ako at hinatid hanggang sa room namin. Maaga pa naman at mayroon pa kaming kwarenta minutos bago ang start ng klase.

"Mamaya bess, susunduin kita at sabay tayong mag lu'Lunch ha pati nadin break time" naka ngiti nyang sabi sa akin.

"Sige.." tipid kong sagot dito umalis na sya kaya humarap nadin ako mga kaklase ko na busy nanaman sa kanilang kakaibang business.

Ng maka upo na ako sa pwesto ko ay nahagip ng mata ko si rogue na naka tingin sa akin. Nung magka titigan na kami ay bigla nyang iniwas ang kanyang tingin.

Mabilis lumipas ang oras at break time na. Agad akong lumabas sa room at dumeretso sya cafeteria dahil tinext ako ni Joery na puntahan ko nalang ito duon dahil hindi nya maiwan ang upuan na kinuha nya at baka maupuan pa daw ng iba.

Habang naglalakad ako ay biglang sumulpot si Rogue galing likuran ko.

"Oh! Nakaka gulat ka naman..." ang sabi ko rito. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Nagpatuloy lang sya sa pag-sabay sakin hanggang maka rating kami sa cafeteria. Agad kong inilibot ang aking paningin upang hanapin si Joery at hindi nga ako nabigo dahil mabilis ko lang syang nakita dahil maypagka matangkad sya.

Kahit na maliit lang ako nahanap ko padin sya. Mabuti nalang marunong akong tumingkayad. Hahaha

"Joery..." tawag ko dito. Nilingon nya ako ng naka ngiti pero bigla din itong nawala. Tinignan nya ang bandang likuran ko kaya nilingon ko naman ito at nakita ko si Rogue na naka tingin sa taas habang sumisipol.

Kala ko humiwalay din sya sakin ng nandito na kami pero hindi pala.

"Rogue, may kasama kang kumain?" Tanong ko. Tinignan nya ako at nagsalita.

"Wala" tipid nyang sagot.

"You're not belong here..." pabulong na sabi ni Joery pero rinig na rinig naman.

"Come again?" Ang parang naniniguradong tanong ni Rogue sa sinabi ni Joery.

"I said you're not belong here..." prangka nyang pagka sabi kay Rogue.

Nakita kong nag-iba ang itsura ni Rogue from gwapo to isang maligno este gwapong maligno.

"Ahh....ehhh...ihhh..ohh...uhhh....guys nasa cafeteria tayo remember wag dito.... ehehehe!" At hinawakan ko sa braso si Rogue para patahanin.

Nakita ko naman na naging mahinahon na ulit ang kaniyang mukha.

Bigla nyang hinigit ang kanyang braso na hawak ko at umupo na sa pwestong nireserved sakin ni Joery.

Naka simangot na umupo din si Joery at ang sama ng tingin kay Rogue. Haaaaayy wala naba akong magagawa para mapagbati itong mga kumag nato. Ang sakit kaya sa bangs kapag may nakikita kang nag aaway Tbh lang.

"Oorder lang ako guys! Wait lang, sana huwag kayong magrambulan dito ha.." naglakad ako ng nakaharao sakanila bahagya at lumingon nadin ako sa harapan ko.

"Tabi...." sabi ng isang lalakeng kapus sa oras para ilagan ako kaya ang labas. Nagkabungguan kami kung hindi ba naman kasi t*nga na mag e-skateboard sa loob ng cafeteria eh!

Napahiga kaming dalawa at nasabuy saakin ang mga pagkaing kinuha nya.

"What the fvck are you doing?" Ang galit na sabi ni Rogue sa lalaking naka bangga ko.

"Ayos kalang ba? Tara aalalayan kita" agad nyang hinawakan yung bewang ko at marahan akong inalalayan.

Nagka tinginan kami ni Rogue at sabay kaming bumitaw sa pagkakahawak sa isa't-isa

Ang Awkward...
------

BULLY! (BoyxBoy)Where stories live. Discover now