BULLY: 9

11.8K 324 14
                                    

Hindi Kita Bati...

----

Rogue P.O.V

Naiinis ako dahil kinausap pa ni Kim yang Joery nayan ang pangit pangit naman. Tss mas Gwapo pa ako keysa dyan eh

"San kayo pupunta?" Tanong ni Joery kay Kim na sinagot naman ni Kim.

"Ah! Pauwe na sana kami ikaw saan kaba ngayon pupunta?" Tanong naman ni Kim. Bakit ba ang bait nito sa lahat ng bagay? Pero kapag ako kausap nya minsan ang sungit sungit hindi ko tuloy maiwasang maging sambakol yung mukha dahil sa naisip ko.

"Ah! Rogue...." pagtawag saakin ni Kim. Tumingin ako dito at tinaas ang dalawang kilay.

"Uhmmm... mauna kana umuwi pwede?" Bigla namang kumunot yung noo ko sa sinabi nya. Wag mong sabihin na sasama ito sa lalakeng ito?

Nag nod nalang ako at walang kabuhay buhay na pumasok sa kotse at pinaandar ito pauwe.

-----

Kim P.O.V

Ng makaalis na si Rogue ay sya ding pag alis namin ni Joery actually sinama lang ako ni Joery kailangan daw nya kasi ng makakausap ngayon dahil may problema ito.

Syempe as a kaibigan eh dapat nasa tabi ako nito at handang i comfort to.

Nandito kami ngayon sa park kung saan andameng lovers at forever akong nakikita na mauuwe din lang sa hiwalayan (bitter) naupo kami ni Joery sa isang bench sa silong ng puno.

Dala dala nya yung binili nyang isang Large na V-cut agad nya itong binuksan at nilantakan namin. Ang sarap sarap talaga ni V-Cut HAHAHA.

"Kim..." baritonong boses ni Joery ang narinig ko. Napalingon ako dito at nakita ko itong naka tingin saakin.

"Uhmmmm?" Tanong ko dito.

Bigla namang ngumiti si Joery at sinabing "Wala wag mo ng isipin..."

Napabalik kami sa pagkain ng V-cut habang naka tanaw sa mga lovers na dumadaan sa aming harapan.

"So, bakit ka malungkot?" I asked.

"Anu kasi..." pagsisimula nya "Kasi may nagugustuhan na akong tao..." pagsisiwalat nya. Aad ko naman syang napalo dahil kinikilig ako.

"Aray naman..." naka pout nitong sabi. Cute lang nya perness

"Ehh. Who's that lucky Girl?" Tanong ko agad namang nawala ang ngiti sa mukha nya at napalitan ito ng seryosong ekspresyon.

"Nevermind..." naka ngiti ulit nitong sabi at tinanaw ang mga taong dumadaan sa harapan namin.

---

Rogue P.O.V

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga. Imbes na saakin sumama sa pangit nayun sya sumama K Fine.

Dahil sa inia ko binato ko yung unan ko at pinagsusuntok yung isa pang unan. Grrrr... nakakaurat yung Joery nayun

"Rogue?" Ang tawag saakin ni Mommy hindi ako kumibo at nanatiling naka higa lang narinig ko naman ang pag bukas ng pintuan ng kwarto ko. I saw mommy looking at me

"What Mom?" Irita kong tanong dito.

"Tsk! Not in the mood again?" Mom said while looking at me. While Im looking at my side of my room.

"Sasabihin ko lang sana na kakain na tayo nandito na si Daddy mo at sabay sabay na tayong kakain..." Mom said before leaving my room.

Wala akong ganang bumangon at bumaba na sa kusina ng naka boxer lang. I used to be like this everytime here in our house.

Ng makarating ako duon ay nakita ko si Kim na naka upo na nginitian ako nito at sinimangutan ko lang at hindi pinansin.

Dumeretso ako sa pwesto ko which is kaharap ko sya.

Ang saya saya nilang nag kwekwentuhan ng nagsimula na kaming kumain subalit kabaliktaran naman ng akin na walang imik dahil naasar ako na naagaw nanaman ng taong iyon kung anung meron ako.

"Rogue, are you sick?" Pang basag ni papa sa binubuo kong katahimikan. Tinitibag nya actually

"Nothing pa, I'm done thanks for the food" at umalis na ako at nag tungo sa rooftop ng bahay namin kung saan tambayan ko kung malungkot ako.

Namalagi ako duon almost an hour at ng baba na sana ako ay nakita ko si Kim na nasa likod ko at naka tingin saakin.

"What?" Ang naiirita kong tanong dito, pero hindi ko inaasahan ang gagawin nya.

"ARAAAAY!!!" sigaw ko sa sakit ng batukan ako nito aba't sya ang unang naka gawa saakin nun ah. Sapakin ko tong baklang to eh

"Pabebe ka masyado, may nalalaman kapang Walk out walk out! Di mo bagay TBH" aba at Tume-TBH din tong tokneneng na to. Sipain ko to eh

"Eh paki mo ba?" At nakatanggap nanaman ako ng batok mula dito. Namumuro na to ah hahalikan ko na ito bwesit na Bakla.

"Isa pang batok mo sakin Rereyp- Pin kita" dahil sa sinabi ko ay tumigil ito na dapat na hindi syempre ng magahasa ko na to bwesit eh.

"Bakit kaba kasi nagkaka ganyan?" Sigaw nito at aba sinisigawan ako nito? Yung mga ka gang ko nga di ako sinisigawan sya na nakitira lang dito ay ganun ang asta. Aba gusto ata nito ng mahalikan eh. Bwesit talaga tong bakla na to ginugulo yung magulo kung mundo inaayos na nga ginugulo din nito.

"Wala kang pakialam duon ka na nga..." pagtataboy ko sakanya at aba namewang pa sa harapan ko.

"Haaayst, Pabebe ka talaga" lumapit sya saakin at nabigla ako sa ginawa nya.

"ARAAAAYY KE, MESEKET LENGYE KANG BEKLE KA!!!!" Biruin nyo kurutin at binatin ba naman pisngi ko. Aba masakit yun mga tsong. Masakit sya talaga PROMISE!

Matapos nyang ginawa yun ay napa halakhak sya kaya naman napatawa nadin ako. We're both laughing like there's no tomorrow.

Ng tumigil kami ay nakita ko itong naka tingin saakin.

"So bat ka nagkaka ganyan?" Sa tanong nya na yun bigla nanaman ak po ng napa simangot.

"Sisimangot nanaman kasi" parang bata nyang sabi sabay pout. Ayy shems ang cute nya mga tsong nakaka akit tong bakla na to. Juice ko.

"Ehhh. Umalis ka na nga sa harap ko..." sabi ko dito at humarap naman ako sa malawak na tanawin. Na kitang kita abg kabuoan ng Village

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi saakin kung bakit ka nagkaka ganyan..." matigas na sabi nya. Napatingin ako dito at wala na akong magagawa kundi ang sabihin ang mga katagang kanina pa gumugulo saakin.


"Nag seselos ako..." At nakita ko naman ang pagtataka sa rumehistro sa mukha nya.

Itutuloy!
--------------

***So guys? Sana naman maintindihan nyo kung bakit mabagal ang U.D nito it's because inuuna ko yung AEBK dahil sa kagustuhan ng iba.

At one more thing. Salamat dahil patuloy kayong nagpapa alala na mag Update na ako sa story nato. At syempre hindi ko kayo binigo.

Abangan nalang ang mga kaganapan dito sa 'BULLY' guy's at sana subaybayan nyo to hanggang Huli.

ⓒXxAllexxousxX



BULLY! (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora