BULLY: 18

7K 205 43
                                    


KIM POINT OF VIEW

Bumaba na ako mula sa kotse ni Lance matapos niya akong ihatid dito sa bahay, siguro naman hindi nakakahiya actually kaklase ko si Lance at sakto namang nakita niya ako sa parke kung kaya ay nagtanong ako kung pwede akong magpahatid sakanya. Na agad naman niyang sinang ayunan. Habang nasa daan kami kanina ay hindi maiwasang nagtanong si lance kung bakit kasama ko daw si Rogue, lingid sa kanilang alam na magkasama kami ni Rogue sa iisang bahay. Ang sinabi ko nalang ay sakto lang na nagkita kami sa parke kung kaya ay magkasama kami. Pero muntik na akong madulas na bahay nila Rogue ang pinag babaan saakin ni Lance. Namangha siya sa nakita daw niyang laki ng bahay namin sinabi ko nalang na nakikitira lang kami sa kapatid ng Mama ko dahil hindi pa tapos yung pinapagawang bahay namin KUNO. Agad akong nagpasalamat sakanya at tuluyan nadin siyang umalis.

Habang papasok ako sa bahay ay nagbalik yung ala-alang tinakbuhan ko si Rogue mag-isa, hindi manlang ako nag-isip nab aka nasaktan ko siya sa sinabi at ginawa ko. Pero masisisi niyo ba ako? Nawala ako sa sarili ko. Bwesit kasing kagandahan itong taglay ko sa dami ng mabibighani isang napaka samang tao pa. pero sa totoo lang kahit na masama si Rogue ay hindi ko ito napapansin kapag kasama ko siya dahil iba ang ugaling pinapakita niya saakin. Ewan ko ba dun kung bipolar yun o talagang may saltik, sa iba ang sama ng ugali saakin mabait. Sa iba bastos sa akin ang galang akala mo hindi makabasag pinggan.

Napabuntong hininga ako at agad ng pumasok, hindi naman ako nakatakas kay Tita na agad lumabas ng marinig ang main gate na nagbukas sara. Agad ko namang nakita ang pagtataka sa mukha niya alam kong iniisip niya kung nasan yung Rogue nayun.

"Kim, nasan si Rogue?" tanong nito saakin ng makalapit na ako sakanya ng tuluyan. Napa pout naman ako bahagya ng labi ko kasi sa guilty at sa kasalanang nagawa ko sa lalaking yun. Tinignan ko si Tita at sinabing.

"Nasa park pa po. Nagpa iwan po kas---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng inunahan ako ni Tita. "Nag-away ba kayo?" tanong nito na agad ko namang inilingan, hindi kami nag-away. Naguluhan lang...

"Kim, wag mo sanang masamain, pero pinangako kasi ni Rogue na uuwe kayo ng sabay kahit na anung mangayre. Pero mukhang may nangyareng hindi maganda kaya hindi kayo nag sabay..." dahil sa sinabi ni tita ay agad akong napatingin sakanya ng mayhalong pagka gulat.

"Pinangako kasi ni Rogue yun, so inaasahan kong sabay kayo pero nagulat nalang ako na ikaw lang ang umuwing mag-isa" talaga namang na guilty ako sa ginawa ko. Kung bakit naman kasi nagpa hatid pa ako kay Lance eh.

"Pasensya na po Tita, medyo hindi lang kasi kami nagkaunawaan..." pag-amin ko, nginitian ako ni Tita at sinabing okay lang yun. Masama naman daw talaga ugali ni Rogue kaya hindi mo maintindihan ito. Hay tita sinabi mo pa napaka sama kaya niya.

"Matulog kana kung ganun..." agad din akong iniwan ni Tita matapos niyang sabihin ang mga yun. Nagtungo ako sa kwarto at nagpalit ng pambahay. Short lang na maikli at nag jersey lang ako dahil mas presko, nahiga ako sa kama para sana hanapin na yung antok ko subalit hindi ko naman mahanap dahil nakikipag taguan yung hinayupak kong antok. Nagtagal ako ng halos isa't kalahating oras na nakahiga. Ng maburyo ako ay lumabas nalang ako ng kwarto sa pag-labas ko ay madilim na pasilyo ang bumungad saakin pero dahil sanay ko na ang daanan palabas sa bahay kahit madilim ay hindi na ako nahirapan para makalabas. Ng tuluyan na akong maka labas ay agad akong nag tungo sa garden nila kung saan may fountain. Naupo ako dun at nagmunimuni matagal din akong naka upo dun at nakita ko sa cellphone ko na mag aalas dose nap ala ng gabi. Ilang minuto pa ang nakalipas ay narinig kong nagbukas ang main gate napatayo naman ako at nagtungo sa harapan ng bahay. Agad kong nakita si Rogue na pagewang gewang na naglalakad papunta sa pintuan papasok sa bahay. Pero bago pa siya makarating ay sumemplang siya napahagikgik ako pero agad din akong tumahan at agad siyang nilapitan para tulungan. Ng makalapit ako sakanya ay agad ko itong binuhat at inalalayang makatayo. Pero nagulat ako ng sigawan ako nito.

BULLY! (BoyxBoy)Onde histórias criam vida. Descubra agora