Thanks? Oo, yun lang ang salitang naibalik ko sa kanya. It’s over, hindi na siya magrereply. Bakit ba naman kasi hindi ko man lang na duktungan ng iba pang katanungan. Pero ano naman ang itatanong ko. Ayun nakatitig na lang ako ngayon sa monitor ng biglang…

“Nga pala Batangueno din aq..ala lang..share lng..”

At nagreply siya. This is my chance para makapagtanong and not to drop the conversation.

“uhm..san ka sa Batangas?”

“Ang probinxa nmin ay Calaca pero taga Rizal talaga ako”

Ang bilis na niyang magreply kaya hinayaan ko na yung ibang nagreply sa akin.

Pero wala na naman akong maitanung sa kanya. Baka isipin nya napaka desperada ko naman na makipagusap sa kanya at nakakahiya ano?

Nagiging exciting na ang mga nagaganap. Nasundan pa yung mga tanong nya sa akin. Syempre ako masaya kasi nakahanap ako ng kausap. Napagusapan naming yung mga hobbies and interests namin and yun may nagmatch na naman sa amin .

I felt really happy that time and I can’t explain why. Nakakatuwang isipin na from a simple conversation ay magiging seryoso na ang aming pinaguusapan.

                  Nagkwento siya tungkol sa lovelife nya, he told me na wala pa syang nakakarelasyon. Naisip ko na may itsura naman siya but why can’t he still catch a fish? Sinabi nya din naman sa akin gang dahilan na kaya wala pa siyang nakakarelasyon ay dahil meron siyang mahal, pero hindi na pwedeng maging sila.

“May BF na yung gusto kong girl…”

Nag-iisip pa lang ako ng masasabi sa kanya pero biglang may pahabol na message.

“Aq nga lng ung 3rd party s pagsasama nila..”

Namental block ako sa sinabi nya. I can’t say anything. Iniisip ko ang sama naman ng lalaking ito. Alam naman nyang in a relationship na yung girl tapos nakisali pa siya. Para tuloy naisip ko masama ang taong ito. Pero may kasunod pa pala.

“Hindi nga lang din alam nung girl..hehe”

Grabe akong magisip. In a short time andami ko na kaagad naisip tungkol sa kanya. Para tuloy napahiya ako kahit alam kong hindi nya alam ung iniisip ko. I just replied.

“Alam b nung girl n mahal mo xa?”

“OO”

That’s what he told me. Ng narinig ko yun galling sa kanya nalungkot ako. Hindi ko na naman alam ang dahilan. Hindi ko naman siya ganun kakilala pero naramdaman kong seryoso siya. On the other hand natuwa ako kasi available pa siya. But still hindi ko pwedeng sabihin yun sa kanya at baka mawalan ako ng kausap kaya I just stated a simple quote to him.

“Ang LOVE parang  ligaw na bala…kahit hindi mo gustuhin, tatamaan at tatamaan ka pa rin..”

Hindi siya nagreply for several minutes. Akala ko naoffend sya sa sinabi ko, but he isn’t. He told me that I was right. No! The quote was right.

Pagkatapos ko yung mabasa hindi ko na alam ang irereply ko. Naisip ko it was just our first time to chat at parang I have said too much. Ako na nga itong naghahanap ng kachat tapos nakabanat naman ako ng ganun. Ang cheesy ko talaga. Sobra.

Ngayon nakatitig na lang ako sa monitor. Hindi ko na naririnig ang tunog ng pagtatype sa keyboard. Kahit anong tunog wala akong marinig.

“ui”

That was his reply after a few minutes. Magrereply na dapat ako ng nagmessage ulit siya.

“Out n q, 12 n, happy new yr and nice miting u”

And that was his final reply. He signed out, and left me alone without even replying to him.  Maybe nagmamadali nga siya. Malay ko ba kung ano ang ginagawa nya dun at kung sino ang mga kasama niya. May kasama nga ba siya? I don’t even ask him about that. If meron, buti pa siya. Buti pa siya, he’s not alone.  Doon ko naalala ang lahat. Im back to the reality. Bumalik na ulit ako sa kwarto ko. Maingay na nga sa labas pero sa loob ng bahay sobrang tahimik. Nakakabingi. Nagdadrama na naman ako kaya lumabas na lamang ako ng bahay. Naalala ko muli na mag-isa lang ako.

Sa panandaliang panahon nakahanap ako ng makakasama kahit sa huli alam ko naming hindi niya ako kayang samahan hanggang gusto ko. Hindi ko naman hawak ang lahat ng tao sa mundo dahil kung oo malamang nandito sila ngayon. Kasama ko.

Nangako ang mga ito na uuwi ng pasko, ngunit hindi din natuloy dahil sa trabaho. Naghintay ako hanggang ngayon pero talagang wala. Hindi na uuwi ang mga magulang ko.

Sumigaw ako ng malakas. Yung sigaw na halos maputol na ang litid ko sa leeg at mas malakas pa sa ingay ng paputok. Wala na akong pakialam kung may makakita o may makarinig sa akin. Hindi ko na talaga kaya ang lungkot. Eh ano ngayon kung hindi sila umuwi nung pasko at ngayong bagong taon?! Sanay na naman akong wala sila sa mahahalagang okasyon gaya nito. At least nagagawa ko ang gusto ko.

Tumawa ako ng tumawa ng hindi namamalayang pumatak na ang mga luha sa aking mga pisngi kasabay ng paglipad ng mga kwitis at makukulay na paputok sa langit.

I am just waiting…waiting for nothing.

Short Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon