Waiting

537 11 1
                                    

Naranasan mo na bang maghintay?

Masarap sigurong isipin na sa tagal man ng paghihintay mo, alam mong sa huli, magiging masaya ka. Pero sayang lang ang lahat kung yung tipong wala ka nang ibang ginawa kung hindi ang maghintay ngunit sa huli wala kang napala.

Alas-otso na ng gabi at malamig ang simoy ng hangin nang bigla na lamang binasag ang katahimikan ng mga batang nagpapaputok ng kwitis sa may tapat ng aming bahay. Sa tindi ng ingay ay kulang na lang ay sumabog ang aking eardrums. Nakakarindi. Sumilip ako sa may bintana at napasigaw ng malakas.

“Ang iingay nyo! Dun na lang kayo magpaputok sa tapat ng ibang bahay!”

Sino ba naman ang hindi mababadtrip kung ang napakasarap mong pagtulog na may kasama pang napakagandang panaginip ay bigla na lang masisira ng number one na kinaiinisan mo pag New Year’s eve- ang Paputok!

Pagod na pagod ako sa halos buong araw na paglilinis. Kulang na lamang ay paliguan ang buong bahay. Bisperas na kasi ng bagong taon. Dahil nasira na ang tulog ko, lumabas na lamang ako ng kwarto para kumain na ng hapunan ngunit naalala kong wala pang lutong kanin at ulam at kahit bahaw...wala!

 I can hear my stomach grumbling.Parang napakatagal ng panahon ng huling mabigyan ito ng pagkain. Buti na lamang at may ginawa akong macaroni salad kanina. Pwede na ‘to! Umupo ako sa may dining area at kumain. Tahimik na noon sa labas ng aming bahay  baka nga naubusan na ng paputok ang mga bata. At sa unti-unting pagtahimik  napansin ko na ako lang ang tao sa bahay. Ako na lang mag-isa. At pinagpatuloy ang aking pagkain.

Ako rin ang bumasag sa katahimikan sa aking pagsasalita. Nakakatamad  na kasi kaya napagpasyahan kong pumasok na lamang muli sa kwarto. Nagbukas ako ng aking computer at nagtype ng facebook.com sa search box, at tumambad sa akin ang blue-and-white-skinned na social site na kinahuhumalingan ng marami sa ngayon.

Maraming nagmessage at nagpost sa aking wall ng Happy New Year. Ni-like ko ito at nagreply sa mga messages as a simple sign of appreciation. Pagkatapos noon ay inaccept ko lahat ng pending requests sa akin pati yung mga hindi ko mga kilalang tao. Pampadami lang ng friends, at, as usual, naglaro na ako ng applications. Wala akong ibang ginawa kundi magclick ng magclick gamit ang mouse at siguro kung tunay na daga ’yon siguradong hilong hilo na ito sa walang kapagurang pagpindot ng kanyang ‘amo’.

Eksaktong alas-diyes nang natapos kong gawin ang mga kailangang gawin sa facebook at pagkatapos noon ay wala na akong magawa. Hindi na naman ako dinadalaw ng antok dahil nga maghapon na akong tulog. Baka mamanas na ang aking katawan kakatulog. At habang nakatulala sa aking monitor ay biglang may nagpop-up sa aking chat window na “Happy New Year” ang nakalagay. Isa ito sa mga kaibigan ko at nireplyan ko ito gaya ng ginawa ko sa iba kanina. Dahil dito nakaisip na ako ng gagawin at iyon ay igreet ang lahat ng friends ko na online sa facebook sa may chat window. 50 ang friends ko na online at ibinawas ko na sa sesendan yung mga taong nagreet ko na kanina. Madami dami din ang nagreply sa akin ngunit hindi ko pa ito binabasa dahil tinatapos ko pang sendan ang lahat.

Wala pa sa kalahati ang nagreply sa akin. Ayos lang din naman sa akin dahil katuwaan lang din naman, ngunit sa aking pagbabrowse ay nahumaling ako sa isa sa mga taong nagreply. Ang pangalan nito ay Rico, a perfect stranger. Kinlick ko ang name sa may chat window at lumabas ang profile nito. May itsura naman yung guy, maputi, may pagka tsinito ang mga mata, mapupula ang mga labi, at katamtaman ang katawan. Naging interesado ako sa kanya.

“Happy New Year din” ang nakalagay sa reply nito.

“Thanks”. Ito ang mensaheng ipinadala ko pabalik sa kanya.

Short Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon