Tren

653 15 2
                                    

Malungkot akong umalis ng opisina. Papasakay na ako ng FX papuntang istasyon ng tren at napansin kong madilim ang kalangitan at walang mga bituin. Kumikirot pa din ang dibdib ko dahil sa mga nangyari ng nakalipas na araw. Unti-unti ko na naman silang naaalala. Masakit pala talaga ang maiwan.

Im trying to smile and be happy but I can't. Maybe I am not just ready to let go. I am so far from moving on.

Mga ilang oras ang nagdaan at bumaba na ako ng FX, nakisabay pa ang malakas na buhos ng ulan. Dinadamayan pa ang aking kalungkutan at tila sila na ang sumalo ng aking pag-iyak na matagal kong kinikimkim sa aking dibdib. Hinayaan ko lamang ang aking sariling mabasa ng ulan. Hinayaan ko lang maramdaman ang bawat patak nito maramdaman ko man lang na may karamay ako. Ngunit ng bumalik ako sa aking hinuha at naisip kung hindi ako pwedeng magkasakit kaya agad kong kinuha ang aking payong, at ng ito ay akin ng bubuksan, nahati ito sa dalawa. Naisip ko pati ba naman ang payong ko dinadamayan ako?

I'm broken. I need you.

Pati ba naman ikaw masisira pa. Kaya mabilis na lamang akong tumakbo upang makasilong. Nakakita ako ng basurahan kaya ayon sa basurahan ang punta niya.

Ako kaya, binasura din lamang niya? Kulang ba lahat ng binigay ko? Hindi ba siya nakuntento sa akin? Alam kong marami akong pagkakamali, pero yun na ba dapat ang kahantungan?

Yan ang mga tanong ko sa aking sarili. Hays, Masyado na akong nagiging pessimistic. Nakarating na ako ng istasyon at naghintay na lamang sa paparating na tren. Sa pagdating ng tren maaari ka namang pumili kung saan mo gustong sumakay. May parte naman kasing maluwag ito kaya depende na sayo kung makikipagsiksikan ka o maghahanap ka ng maluwag na pwesto.

Bakit mo ba ipagpipilitang ipagsisiksikan ang sarili mo kung hindi ka na kasya. Kung ayaw na niya sa iyo. Pilit ko bang pinagsiksikan ang sarili ko?

Pero dahil sa tamad ako hinintay ko na lang tumigil ang tren at hinayaan ko ang mga tao sa aking likuran na itulak ako papasok dito.

I'm wasted and no one cares.

Ngunit sa aking pagpasok ng tren, may isang taong nakapukaw sa aking paningin. We haven't seen each other before and we didn't know each other personally. Ang alam ko lang ay nagkasalubong ang aming mga mata.

Siguro nga pagkatapos mong masaktan ay may darating na tao na mas matimbang kesa sa dati.

Bumukas muli ang pinto sa sumunod na istasyon at madami ulit ang sumakay dito. Iyon ang naging dahilan upang magkadikit ang aming katawan.

Siya ang naging dahilan upang makalimutan ko ang aking kalungkutan.

Tahimik lamang sa loob ng tren at tahimik lamang din kaming dalawa. Biglaan ang pagtigil ng tren sa sumunod na istasyon kaya nawala siya sa balanse. Buti na lamang at nakahawak ako at agad ko siyang hinawakan.

Is catching her the right thing to do?

Nanatili kami sa ganung posisyon. Hawak ko siya sa may likuran at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

This is what I need. Even for awhile.

Muli ulit bumukas ang pintuan at naramdaman kong umalis na siya sa pagkakayakap. Mukhang hanggang dito na lamang siya. Akala ko'y lalabas na ito, ngunit nagulat ako ng ito'y lumapit sa aking pisngi at hinalikan ito, at saka siya bumaba ng tren. Sa pagsara ng pinto ng tren unti-unti na rin siyang lumayo sa akin.

Siguro nga ay hanggang dito lamang kami. Nothing lasts forever.

Nagpasalamat na lamang ako na sa sandaling panahon ng aming pinagsamahan ay naging masaya ako at wala akong pinagsisisihan.

Sa pagsara ng tren ay napansin kong naiwan nito ang kanyang payong. Kinuha ko ito at inilagay sa aking tabi. Akin itong iingatan.

---

HInahanap ko ang istasyon ng tren ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti na lamang at may payong akong dala at agad itong binuksan.

Kelan kaya darating ang araw na may maghahawak ng aking payong at sabay kaming maglalakad sa ulanan?

Hindi ko pa din alam kung saan ang aking pupuntahan kaya nagtanung ako at tinuro sa akin ang papunta sa istasyon ng tren. Mahirap makapunta dito lalo na at naulan, isabay mo pa ang rumaragsang mga sasakyan.

Ganito din ba kahirap maghanap ng taong magmamahal sa'yo?

Nakarating din ako sa sa dulong istasyon ng tren at hindi ako nabasa o nadumihan. Mabilis akong nakasakay dahil ito ang unang istasyon, ngunit hindi na ako nakaupo dahil sa mas madaming nauna sa akin. Ganito na siguro talaga sa panahon ngaypn, hindi na uso ang gentlemen. Nakatayo lamang ako at hindi ko namalayang sa sumunod na istasyon na pala ito. Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko isang taong hindi ko pa naman nakikita ngunit napatitig ako sa kanya. Malungkot siya at kitang kita ito sa mga mata niya. Napatitig din ito sa akin at hindi ko din maalis ang tingin ko sa kanya. Ang mga mata'y parang nagmamakaawa.

Bumukas muli ang pinto ng tren at ang dami na naming taong nasakay. Pilit na pinagsisiksikan ang kanilang sarili. May mga tao namang nakasakay at sinuwerte ngunit may ibang hindi.

Pag hindi mo na talaga kayang isiksik ang sarili mo at wala ng pag-asa, sumuko ka na lang. Iyon ang pinakamagandang gawin.

Dahil sa kasikipan ay napalapit siya sa akin at nagkadikit ang aming katawan. Bumilis ang tibok ng aking puso at alam kong nararamdaman niya iyon. Wala akong magawa. Mabilis lang naman ang biyahe ngunit sa tagpong iyon bumagal ang lahat. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

I can't breathe.

Sa sunod na pagtigil ng tren ay biglaan ang pagtigil nito kaya nawala ako sa balanse. Inisip ko na lang na sana ay may humawak sa akin dahil kung hindi ay baka magtaob ako.

Catch me. I'm falling.

At hinawakan niya ako.

...And you caught me.

I really can't believe what's happening right now. Kanina lang parang naghahanap lamang ako at ngayon mukhang natagpuan ko na siya. Dahil sa pagkakahawak niya ay napayakap na ako sa kanya ndi ko na mapigilan.

Can we be like this forever? I hope this lasts.

Pero lahat ng bagay may katapusan. Dumating na ako sa lugar na dapat kong babaan. Nalungkot ako at hindi alam ang dapat maramdaman. Pinagdarasal ko na sumama siya sa akin ngunit alam kong hindi pwede. Nagbukas ang pintuan ng tren at dahan dahan kong inalis ang aking kamay sa pagkakayakap sa kanya. Bababa na ako ngunit naisip kong magbigay ng kaunting regalo para kahit papaano ay hindi niya ako makalimutan.

And I kissed him on his cheeks. It was sincere. It was full of love. It was the first and might be the last... But I'm hoping it's not.

Bumaba na ako ng tren. Hanggang dito lamang ako at hindi na pwedeng magpatuloy pa. Nakita kong nakatingin siya sa akin habang papalayo na ang tren. Tumalikod na ako at naglakad na din ako papalayo. Siguro nga ay hanggang dito lamang kami, ngunit umaasa ako na pagdating ng araw, sa susunod na pagsakay ko muli ng tren ay makita ka at mayakap kang muli. At sana sa pagkakataong iyon ay magkasama tayo sa tren hanggang sa pinakadulong istasyon.

Short Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon