U N D A S.

239 5 9
                                    

U N D A S.

Pumunta ako ng sementeryo kanina. Maulan. Maputik. Makulimlim. Akala ko'y kaunti na lamang ang taong paparoon pero kahit ganon ang panahon, pinili pa din nilang puntahan yung mga mahal nila sa buhay na namayapa na. Pinapakitang hindi nila ito nalilimutan.
Pumasok tuloy sa aking hinuha— ikaw kaya, nakalimutan na ako matapos ang lahat ng ginawa mo sa akin? Napaupo ako at inisip ang mga panahong sinayang ko sa piling mo. Mga panahong sana sa iba ko na lang ibinuhos yung pagmamahal na hindi mo naman nasuklian. Mga panahong sana nagsabi ka na lang ng totoo. Mga panahong sana naging masaya ako. 

Sinindihan ko na lang ang mga kandilang dala ko. Isang kandila na lamang ang sisindihan ko ngunit napaso ako ng kaunti. Alam mo yung kahit maganda silang tingnan lalo pagnakailaw na, pero pagnapalapit ka na, masasaktan ka. Hinayaan mo lang akong mapalapit ng todo sa'yo saka mo ko sasaktan nung nakuha mo na yung mga gusto mo. Ni halos wala na ngang matira sa'kin, mapasaya ka lang. Pero wala lang sayo ang lahat ng 'yon. Sinindihan ko pa din ang kandila kahit napaso ako nito. Sana pagtapos maubos ng kandilang 'to, kasabay ding mawala yung bigat na nararamdaman ko, na oo, kagagawan mo. Ikaw ang dahilan ng pagkawala ko ng tiwala hindi lang sa'yo kundi sa lahat ng tao.

Nakita kong may inililibing malapit sa kinatatayuan ko. Andun yung mga mahal nya sa buhay. Alam kong totoo yung lungkot na nararamdaman nila dahil bawat iyak at sigaw na naririnig ko, tagos sa puso. Ikaw? Anong totoo sa mga pinakita mo at mga sinabi mo sa akin? Meron ba? Kung ako ba ang mawala dadalawin mo kaya ako? Natawa na lang ako bigla kasi alam kong hindi. Nakita kong dahan dahan ng tinatabunan ng lupa yung pinaglibingan. Kanya-kanya ding bato ng mga bulaklak ang mga mahal nito sa buhay. Ikaw anong ipinabaon mo saken? Sakit? Lungkot? Galit? Lahat yan. Maaari kayang isama na lang din sa hukay yung hirap na nararamdaman kong hirap para matapos na? O kaya nama'y isama nya na lang sa hinay lahat ng ala-ala natin para malimutan na kita ng tuluyan. Kasi ako pagod na. Gusto ko ng sumaya, kagaya mo, na masaya na sa piling ng iba.

Short Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon