Chapter 4: Mission

Magsimula sa umpisa
                                    

"What too you so long? Kanina pa kami naghihintay dito sa bahay na 'to."

Pinigilan ko na mag react sa lumabas sa bibig ni Federico Montez at pilit na ngumiti. "Pasensya na ho kayo, Mr. Montez. Galing pa kasi kami sa isa pang kaso and we made it clear that our schedule will be in the afternoon of today's date."

Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa ng lalaki. "Meron pa bang mas importante bukod sa mahanap na natin ang pera? Give it to Mia to be a troublemaker until her death."

Mariing pinagdikit ko ang mga labi ko lalo na nang makita ko ang reaksyon sa batang lalaki na biglang kumuyom ang mga kamay. Hinapit siya ng nanay niya palapit sa katawan nito bago nagsalita. "Kuya, 'wag naman sa harap ng bata."

"Tumigil ka Adeline. 'Wag kang magpanggap diyan na hindi ka interesado sa pera dahil alam natin ang totoo."

"Wala na si Federico at ngayon wala na si Mia. K-Kailangan ang pera na iyon para sa therapy at pag-aaral ni Sean. Bukod pa do'n natatakot ako na baka may sakit din si Sean ng katulad kay Mia. Lagi siyang lumalapit sa ate niya-" halos hindi marinig na sabi ng ginang.

"Pwede ba? Hindi nakakahawa ang sakit ni Mia. Kung ano-ano lang ang pumapasok sa kukote mo." asik ng lalaki. "Ang sabihin mo ay gusto mo lang talagang makuha ang pera."

Hindi nakaimik ang babae na yumuko na lang. Huminga ako ng malalim at pinanatili ko ang pormal na ngiti sa mga labi ko bago ko pa maisipan na basta na lang barilin ang lalaking kaharap ko. Kung ako lang ang papipiliin ay wala na sana sila dito. Ang kailangan lang naming gawin ay tulungan sila sa paghahanap ng mga pera ni Mia. Hindi sila kailangan dito lalo na at hindi naman sila nakakatulong.

Nagbaba ng tingin sa akin ni Thunder at bahagya akong napakurap sa mukha niya. Kahit ilang beses na naming ginagawa ito ay naninibago pa rin ako kapag gumagamit ng Fake Face. He looks good but there's not an inch of his real self can be seen on his face.

Naramdaman ko ang pasimpleng pagpisil niya sa kamay ko bago siya lumapit sa pamilya at iginaya ang mag-asawa kasama ang anak ng mga iyon papunta sa ibang bahagi ng bahay habang ako ay naiwan sa presensiya ng ina at kapatid ni Mia Montez.

"You can sit down, Mrs. Montez while I ask you some questions." I said gently to the woman.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago kiming tumango bago naglakad papunta sa sofa at umupo ro'n. Marahan niyang hinila ang batang lalaki na tahimik lang na umupo sa tabi niya. Nananatiling nakayuko ang bata.

"Hello." I said, greeting the kid. Pero sa halip na sumagot ay nanatili siyang nakayuko at hindi umiimik.

"Mula ng mamatay ang ama niya ay naging ganiyan na si Sean. Kahit anong gawin namin ni Mia ay hindi siya nagsasalita." hinaplos ng babae ang ulo ng bata. "He already lost his father. Now this happened to Mia."

"I'm sorry for your loss, Mrs. Montez." Tumango ang babae at pilit na ngumiti. Sa kabila ng bumabakas na pagod sa mukha niya ay nanatiling batang tignan ang makinis niyang kutis na para bang hindi man lang nahawakan ng katandaan. "Sinabi ba sa inyo ni Mia ang tungkol sa sakit niya?"

Umiling ang babae. "Hindi siya nagsasabi. Masyadong naging independent si Mia lalo na ng mawala ang ama niya. S-Siya lang ang inaasahan namin. Pero ang mga symptomas niya nagsimula lang lumabas apat na buwan na ata ang nakakaraan. Lagi siyang nagsusuka at nahihilo. Sinabihan ko siyang magpadoktor pero ang sabi niya ay stress lang daw ang dahilan. Lalo pa...lalo pa..."

"Mrs. Montez?"

Tumingin ang ginang sa gawi nila Thunder bago niya muling binalik sa akin ang atensyon niya. "Nang dumating sila dito ay mas lalong namoblema si Mia. Hindi siya close sa uncle at auntie niya. Kada na lang kasi dadating sila dito ay laging binabanggit ng mag-asawa kung ano ang dapat ay sa kanila. Hindi kasi sapat para sa kanila ang nakuha nila nang mamatay si Jaoquin."

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon