"Hinila lang ako dito, kainis! Sana pinaghahalikan ko na lang kayo nina Cyrll kesa ibang tao pa yung arrrrrgggggg!" Bwiset na bwiset kong saad kaya napatawa sya.

"S-sa Condo na lang tayo mag inuman...isasama ko sina Yuri." Saad nya at sumang ayon ako.

Roian's POV

Nakakatamad! Nakakatamad magtiklop ng damit...mamimiss ko sya.

"Babe....apat lang na damit lang yung magkakasya kapag ganyan ang pagtitiklop mo." Saad nya at para syang batang nanunuod sa pagtitiklop ko. Parang ayaw ko syang umalis...4days sya sa Singapore!

"Ayaw mo kong umalis?" Tanong nya.

"Hindi naman pwede...patay ka sa kuya at mommy mo...." saad ko at napatawa sya lintik na 'to ligayang ligaya malayo sa paningin ko!

"Tatapusin ko kaagad yung trabaho dun at uuwi ako ng mas maaga." Sabi nya at tinulungan nya ko magtiklop.

"Anong gusto mong pasalubong?" Tanong nya at dinampian nya ng halik yung labi ko. Bitin.

"Ikaw." Straight forward kong sagot at napangiti sya.

"Walang mabibiling tulad ko sa Singapore..." at pinisil nya yung magkabilang pisngi ko.

"Uwi ka na lang ng maaga kahit wala ng pasalubong..." paglalambing ko.

"Opo uuwi ng maaga...." nakangiting saad nya.

Mayamaya ay nabigla ako sa sinabi nya.

"Kapag nagdemanda ang pamilya ni Alvin regarding sa kostodiya ni Yuan ay hayaan mo. Tutulungan kitang lumaban. Wag mong hahayaan na may makuha sila ni isang kusing sa pinaghirapan ng tatay ni Yuan.

Habang wala ako ay may mag aassist sayo na abogado....dapat nakahanda tayo anytime na magsampa sila." Saad nya.

Nasasaktan ako dahil buong pamilya namin magkakagulo ano mang oras. Sigurado mauungkat din yung sakit ni Cy.

"Kahit anong mangyare, mananatili ka pa din ba sa tabi ko?" Tanong ko at naiayos ko na yung mga damit nya sa maleta.

"Nakatulog lang ako noon kaya nalingat ako sayo pero ngayon iba na...." saad nya.

Pagkatapos namin mag ayos n gamit nya ay tinulungan ko syang magluto ng dinner namin. Si Yuan kase nasa pamilya ko ngayon hiniram nina Ate.
Yinakap nya ko mula sa likuran ko habang nagluluto ako.

"Poprotektahan ko kayo...wag kang matatakot sa kanila...lagi lang akong nasa tabi mo." Bulong nya sa tenga ko.
Kaya ko silang harapin as long nasa tabi ko sya.

Kinabukasan ay hinatid ko sya sa airport, sabi nya magkikita na lang sila ni Kuya Jayson sa Singapore mamaya.

Bago bumaba ng kotse ay hinalikan nya ko sa labi. Sa loob ng airport, sinalubong kami ng tatlong bodyguard ng pamilya nila.

"Mag iingat ka...wag mambabae..." nakangusong saad ko at napatawa lang sya.

"Bakit pa? Kaharap ko na yung pinakamaganda para sakin...ingatan mo din ang sarili mo...at ito." Inabot nya sakin yung isang pamilyar na susi.

"Just in case na gusto mong dumalaw dun sa bahay..." napaiwas sya ng tingin.

Ito! Ito yung susi ng dati naming bahay. Napangiti ako. Ibig bang sabihin nito uuwi na kami doon.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan....maglinis ka dun." Natatawang saad nya kaya nahampas ko sya sa braso. Bwiset.

"Sige na malapit na flight mo....I love you..." saad ko at napangiti sya.

"I love you too..." saad nya bago naglakad papasok ng designation gate nya. Bawal kaming magyakapan sa ganitong lugar para makaiwas din kami sa chismis.
Kainis ngayon pa lang sobrang namimiss ko na sya.

Hunter's POV

Natanaw ko na sya kaya kumaway ako. Nakita nya ko kaagad.

"Tara na." Malamig na saad nya. She's the same as old time. Hindi pa sya magaling, mali naman si Yuri.
Inilalayan kami ng isang staff ng airport sa isang exit nila kung saan nakaabang yung sasakyan namin papunta doon sa warehouse kung nasaan si Gale. Pagkasakay namin ng sasakyan, magtabi kami doon sa likod.

"Dapat sa 'Garden' ko sya dadalhin kaya lang namumulaklak na yung mga rosas na tanim mo...sayang kung masisira lang dahil sa kanya." Saad ko.

"Hindi malalaman ni Yuri o ni Yvie ito. " saad nya at tumango ako.

"Anong balak mo?" Boring kung lulumpuhin lang namin sya.

"She want nightmares...I'll will show her how to give it to someone..." saad nya

See hindi pa talaga sya magaling. Nagtitimpi lang sya sa harap ng mga kaibigan nya at sa harap ni Roian...she act like she's fine but she's not...magkasama kami sa Garden kaya mas kilala ko sya kaysa kay Yuri...Hindi gumagaling ang taong may galit sa puso.

Gale's POV

Namamanhid na sakit yung kanang paa ko. Mahihina! Pinilayan nila ko habang wala akong malay. Gusto nila na magpatayan kami sa likod ni Roian. Pwes! Humanda sila. Mayamaya ay narinig akong naglalakad papalapit sakin.

"How are you my dear friend...."

Napataas yung kilay ko. Ibang iba itong awra nyang ito kapag kaharap nya si Roian.

"Dismayado? Sana bomba yung nilagay mo sa sakyan ko para alam mo na...." she smiled like a devil.

"You gave me an idea...better I will do it next time." Sarkastikong saad ko.

"I know what you did to Alvin...." natatawang saad nya. This is not Cyrll that I know. Parang ibang tao itong nasa harap ko.

"And? I can do it to everyone." Walang ganang saad ko.

"Hindi naman importante sakin yung ginawa mo...I dont give a damn....Kaya naman ni Roian malaman yun eh...." bored na bored na saad nya. Doon ako nabigla at ilang saglit ay napatawa. Baliw din ba ang isang ito?

"You want me to die?" Natatawang tanong ko.

"Yes.....but I'm not the one who will do that...you will be the one who will do it to yourself in front of me....pero hindi ngayon....introduction lang itong gagawin natin." Kampanteng saad ni Cy.

"You want me to die? In front of you? That will never happen" aliw na aliw kong saad.

"Sigurado ko dyan....kapatid kita sa ama di ba? Iisang dugo ang nanalaytay sa atin kaya alam ko magagawa mo iyon." Nakangising saad nya at yung lalim ng pagakitim ng mga mata nya ay gaya din nung dumukot sa akin.

"Alam mo na pala....kaya mong pumatay ng kapatid mo ng ganito?" Sobrang naaaliw talaga ko sa isang ito. Magaling!

"Ang kulit! Hindi nga ako ang papatay sayo....ikaw ang papatay sa sarili mo...." mayamaya ay sinenyasan nya yung isang tauhan nya na kalagan ako at yung isa naman ay naglagay ng patalim sa lapag sa harap ko at umalis din.

"This is the first time na magba-bonding tayo bilang kapatid, this will be memorable...." natatawang saad nya.

Hinimas himas ko yung wrist ko na sobrang sakit dahil sa higpit ng pagkakatali nila. Dinampot ko yung patalim.

"Wala ng next time Cy...we will end here...Roian is mine alone." Saad ko.

"Gale...How many time do I need to inform you.....Roian is under my spell...She's madly in love with me....I'm territorial person...what is mine, is fucking mine alone. I don't have 'sharing rules' specially with my siblings."  Walang ganang saad nya.

"Right after ko sayo...si Yuan ang susunod ko....tatapusin ko yung problema ko ngayong araw...." magmamakaawa ka mamaya sa buhay mo Cy, at wala akong awang iaabot sayo.

...............
Thank you for reading
Vote and comment kayo guys
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now