"Patay ka raw.." Hindi ko na lamang siya pinansin at bumaling kay Gaea na ngayon ay umupo malapit saakin. "Ito oh. Kain ka na." Malambing na wika ko at tinulak ang tray na dinala ko rin kanina nu'ng ako'y pumunta sa kaniyang silid.

"Yuck, Kuya! Ang weird mo!" Puna niya habang nandidiring nakatingin saakin. Ano bang masama sa panlalambing ko? Nako! Pag siya nakaranas ng ganitong sitwasyon, tatawanan ko siya.

"Hindi ako weird sadyang maarte kalang. Bakit kaya? Aha! Bakla ka noh?" Turo ko sakaniya na naging dahilan upang siya'y panlakihan ng mata ngunit kalauna'y sumeryoso rin ang tingin niya saakin. "Seriously?"

"Aba! Malay natin? Ngayong panahon natin marami ng gwapong bakla."

"So gwapo ako, Mister Prince?"

"Hindi, bakla lang." Napatawa ako ng mahina nang magmistulang papel na nilamukos ang kaniyang itsura.

"Ate oh! Iniinsulto niya ako!" Sumbong niya saakin. "Tumahimik ka nga, Ereon. Sakit mo sa tenga." Medyo iritadong wika ni Gaea. Kanina pa siya ganyan, para siyang iritadong galit na ewan.

"Buti nga saiyo.." Pagpaparinig ko.

"Hmmp! Ate huwag na huwag mo siyang papatawarin!" Malakas na puna ni Ereon kaya nanlaki kaagad ang aking mata. Itong batang 'to!

"Sino bang may sabing papatawarin ko siya?"

O-uch.

"Gaea naman.." Mahinang bigkas ko.

"Joke lang, Ate!"

Ngunit imbes na bawiin iyon ni Gaea ay umirap ito saamin kasabay ng kaniyang pagtayo. Pero parehas na nanlaki ang aming mata ni Ereon sa aming nakita.

What the hell?

"Gaea! You're bleeding!"

"Ate! Dinudugo ka!"

Tinignan ito ni Gaea at maski siya ay lumaki ang kaniyang mga mata. "Shit! Dalaw ko ngayon.." Bulong niya ngunit ni isang salita ay wala kaming naintindihan. Ini- angat niya ang tingin saamin pero ako'y napakunot ng noo nang mamula ang buo niyang mukha. Napano ito?

"Uy! Ate saan ka pupunta?!" Nag- aalalang tanong ni Ereon nang bigla na lamang siyang kumaripas ng takbo patungo sa taas. Wala kaming sinayang na segundo ni Ereon at dali- dali namin siyang sinundan.

"Ate! Ayos ka lang?!" Marahang katok niya sa labas ng pintuan ng silid ni Gaea. Naka- locked kasi ito kaya hindi namin alam kung ano na ang nangyayari sakaniya sa loob.

"Mister Prince, ba't hindi siya sumasagot? Baka kung ano na ang nangyaring masama sakaniya!" Naiiyak na wika niya kaya ako'y napatingin sa pintuan. "Tumabi ka, Ereon." Utos ko sakaniya na kaagad naman niyang ginawa. Without a blinked of an eye, I kicked the door as forcely as I can. Just like what I did before we met at the school.

"Hala! Mister Prince-"

"Putik! Ba't niyo sinira ang pintuan ko?!" Malakas niyang singhal saamin na dumagungdong sa iba't ibang sulok ng bahay. Matalim ang tinging ipinukol niya saakin nang ako'y kaniyang tignan. "Ah.. akala.."

"Ano na naman?!"

"Aka..la kasi.. namin kung ano.. ng nangyari saiyo." Natatakot kong sagot. Para kasing anytime soon ay bibigwasan na siya ako o dikaya baka paliparin na niya ako papaalis rito sa bahay.

"Eh! Paano ba naman kasi! Ang OA- OA ninyo! Ayos lang ako, okay? As long as nandito ako nakatayo sa loob ng bahay walang mangyayaring masama saakin! Kaya huwag kayong OA, nakapinsala pa tuloy kayo. Tsk." Nabuburyong asik nito saamin. O saakin lang?

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now