CHAPTER 16

110 71 14
                                    

__👑__

‘Unspoken’

Gaea Evergreen

Tinatamad akong naglalakad sa pasilyo ng aming paaralan habang patuloy na naglalaro muli sa aking utak ang pinagsasabi ng demonyitong haring iyon. Those words he said, just gives me ideas.

He’s the killer.

“Boo!” Pang-gugulat ng isang tao na talagang hinarangan pa ang daraanan ko. “Wala kong panahon saiyo, Prinsepe.” Seryosong untag ko kasabay nito ang pagbangga ko sa kaniyang balikat. Talaga bang wala akong panahon sakaniya? Oh, talaga naiilang ako dahil sa anak siya ng pesteng bakteryang iyon?

“Please, talk to me.” Nakasimangot niyang paki- usap habang nakayapos sa aking braso na tila isang batang iiwan ng kaniyang ina, kaya nagpapahila nalang. “Wala nga akong panahon.” At pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa aking braso.

“Just let me comfort you.” He said in a low voice. Like he’s trying to look like a kid. But he just cant, he’s too tall. Like 7 and a half foot?

“Ayoko, tsaka lahat ng tao ay nakatingin na saatin.” Nakayuko kong apela na pilit iniiwasan ang mga tingin ng mga studyanteng usisera.

“HEY! LISTEN EVERYONE!” I heard him shouted. Dahilan para ako’y kaagad na mapatingin sa kaniyang gawi ngunit siya’y nakatalikod na sa akin. Pinapahiya niya talaga ako! Fudge. Dahil sa inis ay kaagad ko siyang kinurot sa tagiliran ng malakas na talagang ibinaon ang aking kuko dahilan para ito’y mapadaing, pero wala siyang pake roon.

“Hoy! Kung ano mang kalukuhan ang isisigaw mo huwag mo ng gawin, kundi susugatin ko ’yang tagiliran mo..” Mahinang bulong ko habang patuloy parin sa pagkurot sa kaniyang tagilaran. “Just relax, okay?”

“Anong relax ka dyan? Gusto mo bang hampa— Hah!” Pero naputol ang katagang sana’y sasabihin ko nang bigla na lamang niya akong hilain sa aking kamay kasunod nito ang paggapang ng kaniyang braso sa aking balikat. Kahit na tumigil ang aking mundo sa gulat ay naririnig parin ng aking mga tainga ang mga singhap ng mga studyante sa buong paligid.

“This little girl right beside me! Can you see her?” Turo niya saakin na nakapagpangiwi sa aking labi. Porket, maliit ako? Hah! Matangkad lang talaga siya. “Yes, Prince!” Malakas na sigaw ng mga studyante.

“Dare to touch her or you’ll be punished. That’s my rule: Those who’ll obey will redeem and those who aren’t will be terminated. Understand?!” Mabagsik niyang banta sa mga studyante na nakapalibot sa aming pwesto, na kahit hindi ako ang sinabihan niya ay nakikilabutan rin ako, pero siyempre hindi ko maiwasang pamulahan ng bongga dahil sa mga sinabi niya. It touched my heart.

“YES PRINCE!” Malakas at nangangatog tuhod nilang sagot. Sino bang hindi? Eh parang natapalan ng maitim na ulap ang kaniyang mukha dahil sa sama ng tinging iginagawad niya sa mga studyante. Ako’y napasinghap nang ibaling niya ang kaniyang ulo sa aking gawi dahilan para mai- urong ko ng kaunti ang aking mukha.

“Let’s go!” Munting turan niya kasunod nito ang pag- iba ng kaniyang ekspresyon at ang pagkurba ng ngiti sa kaniyang mga labi. Medyo nagulat ako sa naging akto niya saakin, gayundin ang mga nanunuod saamin.

‘He.. smiled at.. her?’

‘Yet, he’s angry at us?’

‘Nakaka- inggit.’

‘Heck! It’s so perfect.’

Bulong ng may matatabil na mga dila, at malalaking mga bunganga. Pero ako’y kaagad niya ng hinila patungo sa aming silid. Hindi parin talaga mabatid ng aking isipan ang mga sinabi niya para lang ilayo ako sa kapahamakang hawak ng mga studyante. I mean, Im a low profile compared to a Prince.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now