Chapter 3

10 0 0
                                    


        Ngayon aalis sila dad papuntang America. Si kuya Vince naman kahapon pa umalis.Yung mga maids naman lumipat na sa bahay namin sa Laguna. Andun din naman kasi si kuya Red para bantayan yung business din namin dun. Apat kaming magkakapatid panganay si kuya Red sunod si kuya Vince tapos sunod ako at yung bunso haysss si Wend. 5 years old pa lang si Wend apaka kulit pero kung naalala nyo na ayaw ko sa bata, syempre except kay Wend. Minsan magkasundo kami nyan minsan hindi pero love ko yan.

       Sa monday may pasok na kami bagong pakikisama na naman kasi bagong lipat ako. Pero hindi ko naman kailangan makisama. Sanay naman akong mag-isa. Nung high school ako sa Laguna ako nagaral wala akong masyadong kaibigan dun actually wala talaga. Dati nga eh binayadan pa ni mommy yung mga students dun para kaibiganin ako.Tas ayun nung nalaman ni mommy na waepek sakin tinigilan na nyang bayadan yung mga students kaya tumigil na din silang makipagkaibigan sakin. Diba ang daming nagagawa ng pera.

        Ngayon din pala ipakikilala ni dad yung 'personal assistant' ko daw. Nagiisip na din ako ng plano ko kung pano ko sya mapapaalis sa trabaho nya. Ayoko talagang ng ganun. Siguro papahirapan ko muna sya hmm very good idea. Bumaba ako nakita ko sila mom na ready ng umalis.

"Oh honey."sabi ni mom.

        Napansin ko naman si dad na may kausap sa phone nya. Umupo ako sa tabi ni mom. Upo lang talaga hindi ako umiimik.

"Alvy, mag-iingat ka ah. Two months lang naman kaming mawawala. If ever you need money, you have your credit card. Buy all you want baby okay?" tumango na lang ako at ngumiti.

"Nag-aalala talaga ako sayo nak."

"Don't worry someone will take care of her."

"Sino naman yan? Baka ano gawin nyan kay Alvy ah." masungit na sabi ni mom.

"Mukha namang matino yun. Tsaka AHAHAHHAHA."lumagalpak sa tawa si dad para syang baliw na ewan. Napatawa na din si mom kasi nakakahawa yung tawa ni dad pero ako eto tinitignan ko lang sila. Ang weird nila.

"Alvy tumawa ka naman."sabi ni dad habang nagpipigil ng tawa. Seriously? May nakakatawa ba? Alam naman ni dad na hindi ako tatawa kaya nagsalita na lang ulit sya.

"Kilala mo naman siguro yun." siguro yung personal assistant ko daw. Naiilang talaga ako like duhh arghh.

"Mukhang alam ko yang iniisip mo ah." sabi ni mom. Nagkatinginan sila at ngumiti ng nakakaloko. Para silang mga baliw.

"Mom, Dad I think you should go in the airport." hindi na kasi ako makapaghintay kasi ako na lang mag-isa pag umalis silaaa!!!!!!

"Ay oo nga malalate na tayo."tsaka nila hinila yung mga maleta nila.

       THIS IS IT!!!!!!! Hinatid ko sila hanggang gate. Nag-kiss sakin si mom sa cheeks at sinabing mag-ingat daw ako ganun ganun kumain daw ako ng tatlong beses at kung ano ano pa.

"Dadating yung personal assistant mo mamaya maya siguro. Be nice to him okay? Nasabi ko naman na lahat ng dapat nyang gawin. I will call you or him to check you okay? Bye."saka ako kiniss sa forehead ni dad.

       Nag wave lang ako sakanila. At ng makaalis sila dali dali akong pumasok sa loob at sumigaw.

"YES!! THIS IS THE BEST DAY EVER!!" pero bigla kong naalala yung personal assistant ko DAW. Arghh gagawa na lang ako ng paraan para magresign sya. Basta sa ngayon ako lang mag-isa. Hindi naman sa ayaw ko makasama yung pamilya ko. Yes, I will miss them because they are the only that I know that never leave me. I bitterly smile while looking our family picture.

My Last HopeWhere stories live. Discover now