Chapter 4

19 0 0
                                    

 
       Balak ko ngayong bumili ng gamit sa school, tatlong notebook lang naman bibilhin ko tsaka mga pens at kung ano man magustuhan ko. Nagsuot na lang ako ng pants tsaka light blue na sleeveless

"Oh san punta?" naalala ko may kasama pala ako sa bahay na to.

"Ala ka ng pake dun."

"Hindi kapa kumakain." oo nga pala tss sa labas na lang ako kakain.

"Hindi ako gutom. brr~" walangyang tiyan ohh!

"Kumain ka muna bago umalis." tinuro nya naman yung lamesa.

  
      Mukhang masarap. Lumapit ako sa lamesa at nakita ko dun yung bake mac arghh shett favorite ko pa naman toh. Dali-dali akong kumain. Ang sarap grabe! Bat ang sarap nyang magluto. Samantalang ako hindi marunong, itlog nga lang hindi ako sanay eh.

"Ang sarapppppp."

"Syempre ako nagluto." nandito pala toh. Napatingin ako sakanya at nakita ko syang naka bihis pang alis. Napataas na lang kilay ko.

"Sasama ako sayo." ano daw?!!

"Hindi pwede."inirapan ko na lang sya at kumain.

"Sasamahan kita, kaya nga ako kinuha ng dad mo."

"Don't worry aalis ka din." bulong ko.

"Ano?"

"Wala." may naisip naman akong kalokohan.

"Sige sumama kana." evil smile

"Sasama talaga ako! Tapos kanang kumain? Akin na hugasan ko?"

     
       Ibang klase talaga toh. Mas masipag pa sakin eh. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam name nya. Tsaka wala naman akong balak alamin noh. Sayang oras lang.

       Nung natapos sya. Lumabas na ako. Sasakay na sana ako sa car ko ng hilain nya ko.

"Hey! Nandun yung car ko!"

"Alam ko. Magcocommute tayo." tf commute!

"Ayoko!! Mainit!" inalis ko yung kamay nya at bumalik sa bahay pero nakalock na yung gate.

"Arte mo, kaylangan mo namang masikatan ng araw." tsaka nya ulit ako hinila.

   
      Naglakad kami hanggang sa labas ng subdivision namin. Buti na lang hindi masyadong malayo yung bahay namin sa entrance. Tatawag sana ako ng taxi ng pigilan nya ulit ako. Konti na lang maiinis nako. Hila hila nya ko habang tumatawid.

"Alam mo mainit. Kung hindi ka naiinitan pwes ako naiinitan."

"Ang arte mo talaga." naiinis nako ahh. Mas lalo pang nakakainis kasi pinagtitinginan kami. Alam ko namang maganda ako.

"Sakay na." huminto sya sa harap nung sasakyan na parang ewan pero madaming nakasakay ewan ko kung ano tawag.

"Ano yan?"tanong ko.

"Jeep malamang."

"Ayoko mainit, masikip pa oh tignan mo."ang init ng singaw kainis.

"Dalawa pa! Dalawa pa!" sigaw nung lalake na may bimpo sa ulo.

"Oh dalawa pa daw. Tara na."

"Dalawa? Tignan mo nga kung kasya pa tayo ang sikip na!"

"Ang arte mo iiwanan kita dyan." umakyat na sya dun at iniwan ako dun. Babalik sana ako kaso ang layo na kaya no choice ako umakyat na lang din ako. Tumabi ako sakanya.

My Last HopeWhere stories live. Discover now