Chapter 2

18 0 1
                                    


   "Come in." sabi ko ng may narinig akong kumatok. Nakita ko naman yung maid na nanginginig siguro natatakot kasi pinaalis ko na yung kasamahan nilang hindi marunong kumatok.

"M-ma-maam p-pina-pinatatawag p-po k-kayo ni s-sir." putol-putol nyang sabi. Tinignan ko lang sya, mas lalo naman syang natakot.

"Did I need to teach you how to speak?"irita kong tanong.

"H-hindi p-"

"WAG KANG MAUTAL NYETA!"

"Sorry po." mabilis nyang sabi tsaka umalis sa kwarto ko tss parang tanga eh.

    Pumunta ako sa office ni daddy. Pagpasok ko dun nakita ko syang nakaupo at pinaglalaruan yung ballpen.

"Sit." umupo naman ako at tsaka sya nagsalita.

"Did you know some of our maids.." ahh yung mga pinaalis ko tss.

"So what?"

"Nagsialisan sila, may kinalaman ka ba dun ha Alvy?" tinignan nya ko sa mata. Tss alam naman nya nagtatanong pa.

"And so?"

"And yung body guard mo naghahadaling umalis."

"Sunod ng sunod tss. Ayaw ko ng may sumusunod sakin."

"Kaya nga bodyguard eh." tumawa naman si daddy. Yung totoo nyan alam naman nila eh, alam nila na ako ang laging dahilan kung bakit may nagreresign tss tinatakot ko lang naman sila.

"Ano na naman ginawa mo sakanila Alvy?"

"Wala." simple kong sagot pero kita ko naman sa kanya na may hinihintay pa sya.
"Wala naman akong ginagawa tinatakot ko lang sila that's all." umiling iling lang sakin si daddy.

"Ano ba gusto mo? Walang maids?"seryosong tanong ni daddy.

"YESS!!!" yun lang gusto ko walang nangengeelam sakin.

"Ok baby. Papadala ko na lang sila sa kabilang bahay para dun magtrabaho." napangiti naman ako ng bonggang bongga.

"REALLY?!!!" tumango naman sya napa'yes' na lang ako sa tuwa. FINALLY AHHAHAHA

"But in one condition.."taragis kinabahan naman ako dun, biglang nawala yung kaluluwa ko sa katawan ko. Kaylangan ba may ganun?

"Wag na ok na yun." pangungulit ko.

"Edi sige dito na lahat ng maids." tatayo na sana si dad ng pigilan ko sya.

"Ok fine! What is it?!" ngumiti si dad at bumalik sa pagkakaupo.

"Pupunta kami ng mom mo sa America para sa business natin."

"And so?"

"I'm not finish." hay nako dami kasing sinasabi. "Walang maiiwan sa bahay dahil kuya mo pupuntang boracay para sa business din. Ikaw lang matitira dito."

"Edi maganda."todo ngiti pako nun.

"No, Maghihire ako ng bagong bodyguard mo."para namang binagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko.

"WHAT?!! NO WAY!"

"Kung maiiwan kang magisa dito sino maghahatid sayo sa school?"

"I can drive."

"Magluluto ng food mo?" ayun lang.

"I can eat in the restaurants."

"Hindi healthy 2 months kaming mawawala."

My Last HopeWhere stories live. Discover now