"Gusto nila yung mamanahin ni Yuan kay Alvin..nakafreeze kase yun." Saad ko.

"Re-open mo yung case ng asawa mo....According kase sa imbestigasyon sadya yung pag guho ng planta." Saad ni Yvie.

Biglang may pumasok sa isip ko. Bakit nga ba inihinto nila yung kaso ni Alvin?

Sana mali yung iniisip ko.
Pagkarating ko ng hospital, habang naglalakad ay nahagip ng mga mata ko sa siwang ng pinto si Shann na kausap si Yuri sa office nito.

"Shann?" Na voice out ko.
Napatawa si Yvie kaya hinila nya ko para makarating na kami sa kwarto ni Cy.

"Bawal istorbo sa dalawang yun." Saad ni Yvie. Medyo nalito ako.
Pagbukas ko ng pintuan inip na inip na mukha ni Cy yung nadatnan ko.

"Hey..." bati ko at napalingon sya sa amin.

Nagliwanag yung mukha nya kaya npatawa ako. Gusto ko syang yakapin kaya lang nagpigil ako dahil masasaktan sya kapag nasagi ko yung mga galos nya.

"Ilabas mo na ko dito....kakasawa na yung sermon ni Yuri..." parang batang sumbong nya.

Hindi pa sya pwedeng ilabas ayon na din kay Yuri. Napapaawa na din ako sa kanya dahil labas-pasok sya sa hospital.

"Kamusta pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ko. Naupo ako sa gilid ng kama nya.

"Ayos na ko...galos lang ang mga ito.." tukoy nya sa galos nya.

"Ikaw na maghahatid sundo sa kanya sa office Roian...." saad ni Yvie at naupo sa sofa.

"That's good idea, Yvie." Saad ko.
Napataas lang yung kilay ni Cy kaya napatawa ako.

Mayamaya ay nagring yung phone ni Yvie kaya lumabas muna ito.
Nagulat ako ng higitin ako ni Cy at naulingan ko na lang na nakahalik na sya sa mga labi ko, gumanti ako ng halik sa kanya, ngmaghiwalay yung mga labi namin.

"Anong ginagawa mo kanina?" Usisa nya habang nakatitig sa mukha ko.

"Na kina Mama ako. Sabi nya bumalik na daw ako sa kumpanya at umattend daw ako ng kasal ni Ate." Sabi ko.

Napatingin naman ako sa nakabendang kamay nya. Napatango tango naman sya.

"It will heal soon..." saad nya, napatingin ako sa mga mata nya. Ang lalim na naman ng pagkaitim ng iris nya.

"May bumabagabag ba sayo?" Sinserong tanong ko. Malalim na naman yung iniisip nya. She manage to smile.

"Nothing....gusto ko lang magpaalam sayo, Isasama ako ni Kuya sa Singapore sa makalawa para sa meeting kasama ang mga foreign investors...Gusto nyong sumama ni Yuan?" Tanong nya.

"Oo naman papayagan kita kasama mo naman si Kuya Jayson...eh hindi na saka mahahati ang oras mo kapag kasama mo kami doon.....ituloy na lang natin yung Disney natin kapag hindi ka na busy..." saad ko at napangiti sya.

"Uuwi din ako kaagad.....Hindi pa man namimiss na kita..." saad nya.

Kahit ako ganun din...hindi na ko sanay na hindi ko sya natatanaw. Kaya buo na ang loob ko ipaglalaban ko sya at si Yuan.

"Bawal magbar huh..." saad ko

"Promise! Matutulog ng maaga." Natatawang sagot nya.

"Cy huh...sinasabi ko sayo bawal mambabae..." magnet to ng chicks eh.

"Haist! Nabaliw na nga yung buong sistema ko ng dahil sayo pero tamang bintang ka pa din..." nakasimangot na saad nya kaya napatawa ako at hindi ko mapigilang di kiligin kase never naman talaga syang nainvolve sa ibang babae kahit nag aaway kami dati.

"I love you..." natatawang sabi ko at humalik ako sa pisngi nya.

Gale's POV

Things going well according to my plan. Sa ayaw at gusto ni Roian ay sa akin sya.

Naglalakad ako sa parking lot at ng mapatingin ako sa relo ko ay pasado 9pm na. Pagsakay ko ng kotse ko at bubuhayin ko na sana yung makina ng mapatingin ako sa harapan ng kotse ko. Someone is standing there...nakafacemask ng hospital, may bakal syang hawak sa magkabilang kamay nya. "H" yun yung nasa pendant ng kwintas nya. Napangisi ako. Hinahamon nya ba ko? Bumaba ako ng sasakyan.

"Gusto mo ng sakit ng katawan?" Masayang tanong ko.Naaaliw ako sa mga mata nya..wala ding kaluluwa yung kaharap ko gaya ko.

Inihagis nya sa harap ko yung isang bakal sa harap ko at umalingawngaw iyon sa buong parking lot.
Pinulot ko iyon at winasiwas ko sa hangin.

"I'm fucking mad right now, tamang tama ang dating mo..."  walang ganang saad ko.

"Give me your best shot!" Malamig na saad nya.

Sinugod ko sya..at napapangiti ako magaling syang umiwas. Pupuruhan ko sya sa ulo hanggang sa maghiwalay ang kaluluwa nya sa katawan nya. Ang maririnig mo lang sa paligid ay ang pagsalpok ng mga bakal namin sa ere at yung ibang paghampas ng bakal sa semento. Nahataw ko sya ng isangga nya yung kaliwang braso nya sa hataw ko at narinig ko yung mahinang pagdaing nya kaya napatawa ako. Mahina!

Tinadyakan ko sya hanggang sa mapahiga sya. This is the part that I like...someone is begging for they fucking life.

I'm about to hit her hard to her head when I felt something sting me in my neck. Paglingon ko ay mayroon pang isang tao na nakatayo doon at may hawak syang syringe.Parang lumilindol ang paligid ko. Pagharap ko naman doon sa nakaaway ko ay nakatayo na sya sa harap ko. Napabitaw ako sa bakal. Sobrang naliliyo ako at nagsisimula ng umikot ang paningin ko.

"Malakas ka....pero mas magaling ako at mas mautak ako....Later you will beg for your life...weak!" at hanggang sa nawalan ako ng malay.

Hunter's POV

Ang perception talaga ng mga tao ay ang malalakas lamang ang magaling duh! Mga baliw!

Ang mauutak ang magaling.  Dinala namin si Gale sa warehouse na pagmamay ari mismo nila. Yung mga bantay, ginapos namin. Inihanda ko yung pang tattoo. Minakahan ko sya ng ng barcode sa gilid ng leeg nya at sa ilalim ng barcode ay yung petsa ngayong araw at sa ilalim noon yung maliit na letra ng pangalan ko, 'HUNTER'.

Mamatay ka sa galit kapag nadatnan mo iyan sa pag gising mo.

"You like hell Gale but you did'nt know how to live here....I will be your tour guide babe..." bulong ko sa tenga nya.

You start it...I will finish it.
..............
Thanks for Reading
Vote and Comment kayo Guys
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now